Start
Nagulat ako sa pagsasalitang iyon ng babae sa tabi ng nakaraang kampyion.
Naglakad ito palapit sa malaking pintuan ng palasyo. Ngumiti ito at tinaas ang kamay ng ginawa nya ito ay nagbukas ang pintuan. Nagpakita ang maraming taong naiiba ang suot sa amin.
"Mga taga matris" mahinang bulong sakin ni nova nilingon ko sya ngunit tutok lang ang paningin nya sa mga taong naruon.
Ang pintuan ay tuluyan ng nagbukas. Ang pintuang iyon ay nasa gilid namin para bang kanina pa sila naroon katulad namin. dahil pareho lamang ng tingin ng mga tao ron at tao rito. Sa ngayon ay hindi ko na alam kung sinong oobserbahan ko. Ang sabi ni nova nang una naming pagkikita maglalaban ang dalawang teritoryo. Ngayon ay kalaban pati ang mga taga martia, at taga matris.
"Iisa lamang ba ang pwedeng manalo sa lapistang ito?" mahinang bulong ko kay nova.
"Oo, patapangan ang labanan rito. Bibigyan ka ng pagkakataong umatras at umabante. Kung kakayanin mo ang mga pagsubok aabante ka, hanggang sa pagpili at pagtanggap sayo ng dragon. At kung aatras ka ituturing kang talunan. Marami ang mga taong natalo at tinuring na talonan sa lapistang ito" mahinang bulong nya.
"Bakit marami paring gusto sumali sa lapistang ito kung kapalit ay buhay o kahihiyan? " bulong ko ulit.
"Para sa dragon. Naniniwala kami na ang dragon ang mag po protekta sa amin sa araw na magkita na ang dalawang mundo. Hindi namin alam kung anong klaseng tao ang ka haharapin namin. Ngunit natatakot at nangangamba kami. Dahil kahit ngayon ay wala Paring namumuno sa amin. Kaya ang dragon ang gusto naming magpoprotekta sa amin" mahina ulit ang pagkakasabi nya.
Nawalan ako ng sasabihin dahil sa dahilan nya, dahilan nila. Bakit nila ginagawang taga protekta ang dragon sa mundo naming wala namang ipinapakitang lakas. Wala silang alam. Oo ayon ang dahilan nila. Ngunit ang dragon ang nakakawawa. Buhay kapalit ng proteksyon anong silbe? Iniisip kong nakakaawa ang mundo namin. Ngunit sa mundong ito ngayon mas naaawa na ako. Hindi ko alam ngunit pakiramdam ko ay nalason ang isipan nila.
Bakit nila iisipin talonan ang hindi manalo, bakit sobrang papuri ang makukuha ng kampyion. Lahat ng tao rito hindi proteksyon ang hanap ang tingalian. ayun ang gusto nilang makuha.Lumingon ako sa kanila, Oo karamihan nga ay kabataan ang narito. nalason ang kanilang utak ng magulang na nalason rin. Totoong kaylangan nila ng namumuno dahil kung magpapatuloy ang ganitong pagiisip, hindi lang pag tingala ang gugustuhin nila. Lahat ay gugustuhing maupo sa trono ng sila na ang mag kontrol sa mundong ito. Mas Lalala kung hindi maganda ang intensyon nito.
Tumingala ako sa langit at pumikit, alam kung sumama lang ako para sumoporta. Ayun ang una kong balak dahil alam kung patuloy akong pipilitin ni nova. Bumuntong hininga ako at humarap sa pintuan ng Palasyong ito sa harapan. Nagbubukas rin yo'n katulad kanila. Unti unti nitong pinakita ang napakalaking loob ng palasyo.
Iba ang inaasahan ko. Ang inaasahan ko ay ang Palasyong may magagandang kagamitan, malinis at maayos. Kabaliktaran ang nakikita ko. Sira sira ang lalagyan ng halaman, ganun rin ang dingding. Bitak bitak ang sahig. Mayroon rin itong baging ng mga dahon. Para bang meron nangyaring pag-atakeng matagal ng naganap.
Nagulat ako ng sumara ang pinto. Tanda ito na nakapasok na ang lahat. Tahimik lamang ang mga tao at parang inaasahan na ganito ang itsura ng palasyo. Alam kung walang namumuno ngunit maari parin nilang ayusin ito. Pagtanda ng respeto sa palasyo nalang.
"Ngayon!" sigaw ng lalaking punong puno ng panangga sa katawan. "lahat ng kalahok! Pagbibigyan ko kayong umayaw.... ngayon!" sigaw ulit nito. Nagdaan ang ilang minuto Walang umalis kahit na isa.
"Bawat isa rito ay hindi na pwedeng umalis sa unang paligsahan. Mabuhay o mamatay!" sigaw nito.
Kinabahan ako bigla dahil hindi ko alam ang unang laro malamang ay may kinalaman ito sa dragon. O ano pa, kahit ano, mabuhay mamatay. isang kalokohan... kabataan ang karamihan rito nag-iisip Ba sila.
"Wag kang malito. Hindi ito ang tamang oras, sinabi ko na atras abante" nagsalita si nova habang nasa likod ko.
"Kalahati sa enyo ay dapat mawala. Ang makapatay ang dapat na gawin" nagsalita ang lalaki kanina sa mahinahon na boses. Na para bang ito na ang pinaka madaling laro.
Nagsi ungulan ang mga tao. Lumayo sa isat isa kinuha ang mga armas at pinrotektahan ang mga sarili. Hinawakan ko si nova at nilagay sa likod ko para protektahan.
"Huwag mo kong maliitin kaya ko ang sarili k-" naputol ang sinasabi nya nang Nagsigawan ang mga tao sa kung saan.
Nakita ko ang babaeng naglalakad papunta sa unahan. May dugo ang palad nito at hawag ang patalim. Lumingon ako sa pinangalingan nito. Lalaking nakahandusay na taga martia kagaya nya. "abante, mabuhay, itutuloy"
Biglang umingay ang mga tao may sumisigaw, tumatawa, nag bulong bulungan,umiiyak. Lahat sila ay kumpyansa nang pumasok rito ngunit lahat ng iyon ay nabalutan ng halo halong emosyon.
Hindi rin nagtagal ang ganong pagkabigla. Dahil ang mga tao ay nagsimula ng atakihin ang mga tao rin na narito. Merong pinasukang pinto ang babaeng unang nakapatay. nagsara rin naman agad yon. Kaylangan sabihin ang mga salitang iyon para makapasok sa pinto.
Abante para sa kumpirmasyong gugustuhin mo pang sumali sa susunod na paligsahan. Hindi mo naman kaylangan sabihin iyon agad agad. Disidido lamang talaga ang babaeng iyon. Mabuhay para sa kumpirmasyong buhay ka at walang galos na malakas kang sasali sa susunod na paligsahan. At itutuloy ito naman ang kumpirmasyong nagtagumpay ka sa paligsahan at tutuloy ka. ito dapat talaga ang sabihin. Malakas lang ang loob ng babaeng iyon hindi pa nakikita ang lugar sa susunod.
Hindi ko na pinansin iyon. Ibig ba sabihin nang unang paligsahan na to kaylangan mo talagang pumatay ng tao. Himinga ako ng malalim at pumikit. Indibidwal dapat ito pero puno ng pag-aalala kay nova ang nararamdaman ko. Hindi ko dapat syang maliitin ngunit na sa akin ang ang pag-aalala dahil mahalaga sa akin si nova.
"Nova" tawag ko sa kanya ng hindi nililingon. "lalayo ako sayo, kaya mo naman diba?" tinapik nya ako para sa pagsang-ayon. Tumango lang rin ako at naglakad palayo.
Kahit papaano kailangan parin namin maghiwalay. Tiwala ayun dapat ang isa sa dapat naming palakasin sa isat isa.
YOU ARE READING
The Last Survivor
FantasyDalawa ang Mundo para Kay estrielya. Natagpuaan nya ang susi pa pasok sa kabilang Mundo na nagpakita sakanya kung gaano ang kaibihan ng dalawang Mundo. Sinikap nyang nakisama sa mga ito dahil tinakwil sya ng Mundong Akala nya ay kabilang sya. Ngunit...