12

1 0 0
                                    

Talento

Naramdaman kong tumingin sa akin sina zandellia at ang grupo nya. Ganoon din si azulo.

"Trielya pumunta ka sa unahan"

Tahimik akong naglakad papunta sa unahan. Pinulot ko ang pana, ganoon rin ang ginawa ni nova. Ngumiti sa akin si nova.

"Nais kong maipakita mo sa kanina ang talento mo. Lubha akong namangha sayo. Nais ko rin na mapamangha mo sila trielya" Sabi ni nova.

Sumindi ang bato sa likuran. Nag atrasan ang mga tao, kahit na si azulo na nakaupo ron at napatalon dahil sa biglang pag sindi nito.

Mayroong maliit na bilog sa tabi ng bato. Hindi ko napansin yun kanina. Dalawa iyon. At meron namang mas maliit na bilog sa likod ng bato mas mataas ito.

"Tatamaan nyo lamang iyan. Alam kong medyo mahira-" Hindi na natuloy ng matandang babae ang sasabihin nya dahil pinakawalan na ni nova ang pana nya.

Natamaan nya ang nasa gilid ng bato. Tumingin sya sa akin at parang naghahamon. Tumingin rin ako sa matanda. Hindi ba sya nainis sa inasal ni nova. Walang reaksyon ang matanda.

Pinakawalan ko rin ang punyal ng pana ko ng nakatingin sa kay nova.

Lumingon si nova sa tinamaan ng punyal ko. Ngumiti sya at lumingon ulit sa akin. Narinig ko ang pag kamangha nila sa ginagawa ko.

Tumira nanaman si nova at sa pagkakataong iyon ay ang tinamaan nya ang nasa likod ng bato. Sapol sa gitna. Binababa nya ang pana at tumingin nanaman sa akin.
Wala masyadong reaksyon ang iba ngunit ang iba naman ay namamangha. Sa palagay mo ay natural lamang kay nova ang maging maging dito.

Tumingin ako sa punyal ko. Tinutok ko ito sa tinamaan ni nova. Pinikit ko ang isa kong mata at binitawan ang punyal. Nahati ang punyal ni nova. Ngumiti ako kay nova at natawa naman sya.

Narinig kong pumalakpak sila. Yumuko si nova sa kanila at nilapag ang pana. Nakita kong namamanghang mukha ni azulo. Binababa ko narin ang pana. Umalis narin ako sa unahan.

"Mahusay ngayon naman ay arnis" Ngumiti ako sa mga taong ngumingiti rin sa akin. Hindi naman na nila ako pinansin dahil sa nag salita.

Lumingon naman sila ngayon kay zandellia na nakatingin sakin. Tumingin din naman ako sa kanya. Siningkitan nya ako ng mata.

Pumunta sya sa unahan, pinulot nya ang dalawang kawayan na pang arnis. Ngayon ko lang sya napag masdan lubhang maganda sya. Naka tali ang kanyang buhok at makikita mo ang hubog ng katawan nya.

"Gusto ko rin maka laban si trielya" Tumingin ito sa akin na parang minamaliit ako. Gulat ako na ako ang gusto nyang kalaban.

Lumingon ako kay nova, ngumiti ito sa akin at tumango. Ano ba ang balak nila? Lumingon din ako sa matandang babae. Pwede bang dalawang beses akong ma kalaban?.

"Pumunta ka sa unahan trielya" Sabi nito narinig ko ang bulong bulungan. Nagdadalawang-isip ako sa pagpunta ngunit.

"Sino ba sya, bakit gusto syang kalabanin ng grupo ni zandellia?" Ayun ang huli kong narinig bago ako pumunta sa unahan.

Pinulot ko ang dalawang kawayan, Huminga ako ng malalim at tumingin kay zandellia. Ngumisi sya sa akin.

"Ikaw ang bukang bibig ni nova. Hindi ko alam na totoo pala ang mga kwento nya. Meron daw syang kaibigan na mahusay sa kahit anong larangan ng armas" tumingin pa sya sa armas sa paligid. At tumingin saakin.

"Napa mangha mo si nova, gusto ko ring mamangha sayo. Talunin mo ako" Walang halong biro iyon purong paghahamon ang sinabi nya.

Ginalaw nga ang arnis at nagsimulang gumawa ng ritmo. Naghanda rin ako ng pag atake.

The Last Survivor Where stories live. Discover now