8

2 0 0
                                    

Itutuloy

Lumayo ako kay nova, alam kong mas may karanasan sya sa akin kaya dapat na mas mag alala ako sa sarili ko kaysa kay nova.

Dinikit ko ang likod ko sa pader. Para kung sakali mang may atake ay makikita ko. Wala pang pumapansin sa akin dahil siguro sa pustura ko.

Gusto kong masuka dahil nakita kong pinugutan ng lalaking malaki, lol ang katawan nang batang kasing edaran lang namin.

Hawak nya ang ulo ng bata habang naakyat sa hagdan. "Abante, mabuhay, tutuloy" Bigkas nito at syaka ni laglag ang pugot na ulo.

Hindi ganito ka brutal ang inaasahan ko. May umatake sa akin iniwas ko ang aking katawan. Ang pader ang na saksak nya. Umupo ako ng nagtangka ulit sya sa pagsugod. Sinipa ko ang paa nya at napatumba sya dahil sa pagkawala ng balanse. Lumapit ako at nakita kong isa syang lalaki. Nakikita mo sa kanyang itsura na natatakot at desperado sya.

Kinuha ko ang patalim nya at inihagis palayo. "Patawad" sabi ko at binunot ang patalim sa akin at balak syang saksakin ngunit nanghihina ang kamay ko.

Kailangan ko itong gawin para makaabante, pakiusap gawin mo ito. Hindi ko mapigilan ang pag tulo ng luha ko, nang ibaon ko ang patalim sa kanyang dibdib. Ito ang pinakauna kong pagpatay.

Pinunasan ko ang luha ko at pumunta sa hagdan. Habang naglalakad papunta roon ay nakikita ko ang sandamakmakmak na dugo. Nakita kong madaming naka pila roon. Madami na palang nakakapasa. Kailangan mong bigkasin kaya naging pila na.

Seryoso ang karamihan. Parang nangangati ang kamay ko. Hindi ako makapaniwala na ganito ang sitwasyon naming lahat. Hindi ko na kayang lingonin pa ang nasa likod, dahil madami pa rin ang nagpapatayan.

Pinipigilan kong mangilid ang luha habang naririnig ko ang sigawan nila.

"Huwag kang mag alala lahat ng tao ay pare parehas lang nang nararamdaman sa kasalukuyan" Narinig kong may nagsalita sa likod ko.

Hindi ko ito nilingon dahil maaring hindi naman ako ang kinakausap nito. Lumunok lunok at puro buntong hininga lamang ang ginawa ko.

"Hindi ka sanay sa patalim tama?" Nasiguro kong ako na ang kinakausap nya dahil inilapit nya ang mukha nya. Tinagilid ko ang ulo pa, Nakikita ko sya ngunit hindi malinaw dahil tagilid lang ang ginawa ko at hindi ako humarap sa kanya.

"Paano mo naman nasabi" Sabi ko, ang taong ito gusto nyang makahanap ng kahinaan sa mga kasama nya na naririto.

"Nakita kita" Sabi nya at natawa pa.

"Kung ganon ikaw rin ba ay hindi sanay sa patalim?" Kunwari ay kyuryoso rin ako.

"Sanay ako" Mayabang na sabi nya.

Naiinis ako sa presensya nya sa likuran ko. "Eh nakita rin kita" Sabi ko at naglakad na.


"Abante, Mabuhay, itutuloy" Sabi ko at dumaretso na papasok sa pinto.

Kusang bumukas ang pinto, Pagkabukas ng pinto ay pinakita nito ang napaka daming upuan madami na ang nakaupo magkakabi sila at sa tingin ko magkakasunod ang mga ito.

Mula sa naunang pumasok kanina na syang nakaupo sa unahan hanggang sa mga taong kagaya naming papasok. Sinundan ko lamang ang nasa unahan ko.

Pila parin kami habang naglalakad ngunit malayo ang agwat namin sa isa't isa. Kung titigan mo sa malayo ay parang magkakatabi ngunit hindi. Malayo kami sa isat isa na parang magkakagalit kahit na naririto na ay amoy parin ang masang sang na lansa ng dugo.

Pero mas hindi ito kasing Lala ng nasa labas. Naupo ako at tumingin sa unahan. Kahit na ganito ay pakiramdam ko ay kakaiba ito sa pakiramdam. Nakapasa ako pero isa na akong mamatay tao. Lahat ng narito ay mamamatay tao. Kinagat ko ang labi ko na ito lamang ang tanging paraan nila para makakuha ng dragon.

The Last Survivor Where stories live. Discover now