Silakbo
Namamasa ang mata
Naglalaglagan ang mga luha
Pares na mata puno ng lungkot
Puso'y naninikip dahil sa kirot
Silakbo nitong puso
Pusong nagdurugo
Alam ko ang dahilan
Ngunit hindi ko inaasahang ako'y masaktan
Puso ko ay puno ng sakit
Nakaramdam ng poot, hinagpis at galit
Tila'y nasiraan ako ng bait
Di ko inakala ganito pala ka pait
ang lasang pinagpalit sa malapit
Sawa ka na ba?
kaya ka nagloloko ha?
siguro oo, sino ba naman ako diba?
ako lang naman ang nagmamahal sayo ng sobra
Isang oo mo lang
handa kitang pakawalan
kung iyon ang dahilan ng iyong kasiyahan
dahil ang iyong kasiyahan ay siyang aking kasiyahan
