♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 10♛

70 11 0
                                    

♛𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 10♛

Ngayon ay nandito ako sa kwarto. Imbis na magluto ng pagkain ko ay umorder na lang ako, inaantay ko na lang si Lesh. Nagreply siya kasi kanina na uuwi siya dito eh. Habang kumakain ako ay nanonood ako sa laptop ko ng isang palabas na 'gaya ng buhay ko kaso siya, ay kahit nerd siya ay ang ganda pa rin niya 'di 'gaya ko 'tsaka siya ay anak ng isang mayaman na pamilya, naglayas lang siya kaya ganyan ang buhay niya ngayon. Itong mga engot niyang schoolmate ay binubully siya dahil nga nerd siya at poor. Ganyan na ganyan talaga ako pero hindi ako anak ng isang mayamang pamilya dahil mahirap lang talaga kami. Mahirap na nga ay kami pa ang binigyan ng napakalaking problema lalo na sa'kin.

Mag-isa na lang talaga ako sa buhay. Wala na akong pamilya kun'di si Lesh at Xeno na lang, silang dalawa ang tinuturing kong pamilya ngayon simula ng mawala ang pamilya ko. Kung hindi ako tinulungan ni Xeno at Lesh noon ay siguro wala ako sa ganitong buhay ko ngayon, walang tirahan, walang kasama. Laking pasasalamat ko nga dahil tinulungan nila, ang bait nilang dalawa kaya nakakapang-hinayang talaga kapag maghihiwalay silang dalawa eh ng dahil 'dun.

Napatingin ako sa pintuan ng bumukas ito at bumungad naman sa'kin ang isang Lesh na matamlay, wala siyang ganang naglakad patungo sa kama ko at umupo 'dun. Iyak ng iyak siguro 'toh? Halata sa mata niya eh. "Kumain ka na?" Tanong niya sa'kin at tumaas naman ang dalawang kilay ko.

"'Di ba obvious?" Tanong ko at tumingin sa lamesa ko kung saan nandun 'yung mga inorder kong pagkain. Bumuntong hininga naman siya. "Ikaw, kumain ka na?" Tanong ko naman sa kanya at tumango naman siya. "Saan ka naman kumain?" Takang tanong ko.

"Sa dorm."

"Okay. Ano, okay ka lang ba?" Concern kong tanong at bumuntong hininga naman siya.

"Hindi ko alam..." Walang ganang sambit niya at mahina pa.

"Hay, love, hindi sa kinakampihan ko siya pero parang kinakampihan ko na siya dito." Ngiwing sambit ko 'tsaka ngumiti sa kanya at inirapan naman niya ako. "Makinig ka love ha? Ganito kalimutan muna na'tin 'toh ang isipin na'tin ay 'yung susunod na mangyayari. Ngayon alam na na'tin na may sakit siya sa puso at kailangan niyang maoperahan, ay kailangan na'tin gawin ngayon ay kung pano siya mapapa-payag na magpaopera. Love, kailangan tayo ni Xeno ngayon.. kailangan niya ng kasama. Kung magagalit ka d'yan ay baka mas lalong hindi pumayag na magpaopera 'yun dahil sayo dahil iisipin nun 'bakit pa ako magpapaopera para mabuhay pa ng matagal kung ang taong mahal ko ay galit sa'kin at ayaw sa'kin?' Oh 'di ba? Mas lalo siyang mahihirapan at baka mamatay na nga talaga siya." Mahabang paliwanag ko, sana naman ay maintindihan niya ang punto ko. Ang hilig ko talagang magsalita ng mahahaba eh! Lagi na lang mahahaba ang mga sinasabi ko!

"Alam ko pero kasi.. hindi ko lang talaga matanggap na tinago niya sa'kin ang tungkol sa bagay na ito he knows how much I worry about him whenever he gets sick even if it’s not bad pero ito.. tinago niya ng napakatagal." Malungkot niyang sagot. May point nga naman siya, at alam ko 'yun dahil nakikita ko 'yun dito. Maalaga si Lesh, kahit sa'kin din eh. Para siyang nanay kung mag-alaga sayo kapag nagkakasakit ka.

Tumayo naman ako sa kinauupuan ko at pumunta sa tabi niya 'tsaka akbayan siya. Sinandal ko naman ang ulo niya sa balikat ko. "Mas maganda kung pumunta ka na 'dun sa kanya at alagaan siya." Nakangiting sabi ko. "Hindi 'yun makakatulog agad ngayon dahil alam niyang ganito ka." Dagdag ko pa. Bumuntong hininga naman siya.

"Pero..." Nag-aalinlangang sambit niya.

"Love, 'di ba ayaw mong malungkot ang relationship niyo? Oh edi puntahan mo na siya ngayon at magbati kayong dalawa.." Nakangiting sabi ko at sinilip siya. Umayos naman siya ng upo 'tsaka tumingin sa'kin, ngumiti naman siya sa'kin.

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon