♛𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 01♛
Napa-oh ako ng makita ko ang school ko. Napangiti ako naman ako, ang ganda ng school ko. Sumipol naman ako. Naglakad na ako papasok sa loob. Pagpasok ko ay napatingin sa'kin ang mga ibang estudyante, hinuhusgahan ang buong pagkatao ko. Alam ko naman na ito ang bubungad sa'kin dahil isa akong nerd. Hindi ko na lang sila pinansin at hinanap ko na lang ang room ko. Talagang sa'kin sila napapatingin at kahit hindi man sila magsalita at halatang iniinsulto nila ako at minamaliit na. Wow.
Nang mahanap ko ang room ko ay naiilang akong pumasok. Napalunok naman ako ng tingnan ako ng mga babae na sobrang tataray ng mga tingin nila sa'kin. Tiningnan nila ako simula ulo hanggang paa ko. 'Dun na lang ako umupo sa pinakadulo at pinaka-sulok. Umalis naman 'yung lalaking nakaupo sa may tabi nito. Lumipat siya, tch!
Arte! Hindi naman ako mabaho eh! Nagpabango pa nga ako eh, baby cologne nga lang hehe.. anong klaseng pabango ba ang gusto nila? Dapat ba imported ha? Wala akong imported na perfume eh..
Umupo na lang ako at tahimik lang. "Hey, who are you, ugly?" Nakataas ang isang kilay niya ng tanungin ako ng isang babae.
"Ako si Chloe Scarlett." Sagot ko naman. Sarkatisko naman siyang ngumisi.
"The name is nice but the one with the name is very ugly." Pang-iinsulto niya at nagtawanan naman yung mga ibang kaklase ko. Anong kakatawan 'dun?
Buti nga maganda ang pangalan ko at kaya kong ayusin ang sarili ko para bumagay dito eh sila. Baka nga pangit ang pangalan nila eh tapos papangit sila kapag nag-ayos na ako edi bagay na sa kanila ang pangalan nila. Tch! Mga mapanlait sila. Mas may pakinabang pa ang mga nerd na tulad ko kesa sa kanila dahil kami ay matatalino at marunong mag-isip ng tama hindi 'gaya nila na maayos nga, hindi naman naturuan ng tama. Nakaawa ang mga magulang nila lalo na sila syempre. Biro lang 'yung mga sinabi ko, wala akong laban sa kanila 'noh!
Tumungo lang ako at nagbaba ng tingin. "Something like you doesn't matter here because you're trash here, remember that. You are ugly!" Sigaw pa niya sa'kin at tumugon naman sa kanya ang marami. Hindi pa din naman ako sumagot. Inirapan naman niya ako bago ako talikuran at pumunta 'dun sa upuan niya.
Nagdaldalan pa sila at ako ang pinag-uusapan nila. Talagang pinaririnig nila ang mga masasamang sinasabi nila sa'kin. Mamaya ay dumating na ang teacher namin, salamat naman. Syempre nagpakilala muna siya bago nagturo. Ang tahimik ng buong klase dahil lahat ay nakikinig sa kanya. Ang topic namin ngayon ay algorithms. "Before we start, I want to know what you learned in your 3rd year of college then. Who else remembers the definition of Algorithms?" Tanong niya sa lahat ng nakangiti. Wala namang sumagot. Tumitingin lang sila sa mga isa't isa at nakikiramdam kung sino ang makakasagot. "Anyone?" Nag-aantay na tanong ni Sir. "Seriously? No one really answers? What did you not listen to before or did you forget?" Tanong niya muli.
"I forgot, Sir. I'm sorry..." Halos sabay sabay nilang sagot eh, muntik ng silang mag duet lahat. Sayang..
Bumuntong hininga naman ako at nagtaas ng kamay kaya lahat sila ay napalingon sa'kin. Napatingin naman ako 'dun sa babaeng galit sa'kin. Inirapan niya ako, hindi ko na lang pinansin 'yun at tumayo na ako. "Ahmm... algorithm is a set of instructions for solving a problem or accomplishing a task. One common example of an algorithm is a recipe, which consists of specific instructions for preparing a dish or meal. Every computerized device uses algorithms to perform its functions... that is the definition of the Algorithm that I remember." Sagot ko naman. Kita ko namang ngumisi 'yung babae na para bang sinasabi na mali ang sagot ko. Sorry naman, 'yun lang ang natatandaan ko eh.
"You're not sure of your answer, right?" Taas kilay na tanong ni Sir.
"Maybe? If it's wrong, you'll correct it again, won't you?" Pormal na tanong ko at ngumiti naman siya sa'kin habang tatango tango.
"To be sure of your answer I will tell you that your answer is correct." Nakangiting sagot niya at nagulat naman ang iba at sabay sabay na umiwas ng tingin sa'kin. 'Yung babae naman ay pikon na umiwas. Problema ba talaga niya sa'kin!? "By the way, what's your name?" Nakangiting tanong niya muli.
"Chloe Scarlett Dela Cruz po." Nakangiting sagot ko naman at tumango naman siya.
"Okay, sit down." Sumunod naman agad ako. "If you heard what she said and maybe you are not deaf and maybe you remember... that is the definition of Algorithm. We will go back to the Algorithm to test what you knew before, we will go back to your topics or lessons before. Maybe you were listening to someone before because otherwise you won't be able to step in this year." Hilig pala nitong ngumiti eh 'noh? Simula kanina ay nakangiti na siya eh, ugali ba niya 'yan? Cool. "Tell me now the Algorithm topics." Dagdag pa niya at nganga po tayo lahat.
Nanlulumo namang bumuntong hininga si Sir. Pano ba naman kasi, wala na naman. Dahan dahan naman akong nagtaas ng kamay niya at tinaasan naman niya ako ng kilay at parang sinasabi na tumayo na ako. Tumango naman siya ng tumayo ako. "Is it just one sir or at least a few?" Tanong ko.
"At least a few topics about Algorithm."
Tumango naman ako at bumuntong. "Thesaurus.
Programs. Introduction to Algorithms. Data Structures and Algorithms in Java. Grokking Algorithms: An Illustrated Guide for Programmers and Other Curious People, book by Aditya Bhargava. The Algorithm Design Manula. Data Structures and Algorithms Made Easy in Java: Data Structure and Algorithmic Puzzles, book by Narasimha. Develop. 3 example of Algorithm. Types of Algorithm in Java.. there are many more topics sir, I'm out of breath." Napakamot naman ako sa may batok ko at medyo tumungo."Eh good you know, you'll be out of breath if you don't stop. I'm going to take you away, in case you don't seem to want to." Sagot ni Sir na parang di makapaniwala at naiilang naman akong ngumiti. "All right, sit down, that's enough. You even mentioned books." Iiling iling na sabi niya at umupo na lang ako. "Okay, those are the topics. Wait, was she the only one listening then? Was she the only one who was older than everyone? Was she the only student I had this year? What?" Sunod sunod na tanong niya sa kaklase ko. Mabigat naman siyang bumuntong hininga at umiling iling na lang. No choice kaya nagturo na lang siya at sinabi ang mga kahulugan ng mga ito at talagang diniinan niya pa ang mga bawat sinasabi niya sa mga ito na para talagang sinasabi niya na 'tandaan niyo 'yan, mga hinayupak!' biro lang. Hindi naman ganun eh..
Matapos ang klase ni Sir ay umalis na siya. Saktong pag-alis niya ay lumapit naman sa'kin 'agad 'yung babae at nagtaka naman ako ng bigla niyang itulak ako sa may braso ko. "Bida-bida ka, ha!?" Inis niyang tanong sa'kin.
"Anong sinasabi mo d'yan?" Tanong ko naman.
"'Wag ka ng magkunwari! Ano gumaganti ka kaya mo ginawa 'yun!? Ano satisfied ka ng napahiya mo kaming lahat kay sir!?" Inis niyang sigaw sa'kin at mas lalo akong naguluhan at nagtaka. Ano ba talaga ang sinasabi niya? Sinagot ko lang naman ang mga tanong ni Sir dahil ayaw kong mapahiya ang section namin sa ibang section dahil ni isa ay walang nakasagot sa tanong ni Sir na pinag-aralan na noon. Kaya bakit sila nagagalit sa'kin? Hindi ba nila naiintindihan 'yun at ako lang ang nakakaintindi dito?
Tsaka aba, sayang grade!
Ang sama sama ng tingin niya sa'kin at ganun na din ang iba pang mga kaklase ko. Ang bilis naman ng tibok ng puso ko at kinakabahan na ako. Syempre ang dami nila tapos mag-isa lang ako. Kung napahiya sila 'dun ay wala na akong kasalanan 'dun, kasalanan ko ba na hindi sila nakasagot sa tanong ni Sir? Kasalanan ko ba na ako lang ang nakasagot? Kasalanan ko bang hindi nila alam 'yun o 'di kaya ay nakalimutan na nila 'yun? Eh sila nga mismo ang nagpahiya sa sarili nila dahil kung natandaan lang nila 'yun edi sana ay nakasagot sila 'tsaka nakakapagtaka, pano nila nakalimutan 'yun? Eh halos lahat 'yun ang bukang bibig ng lahat noon eh.
"Hoy, ugly! 'Wag kang magyabang! Hindi porket nasagot mo 'yun ay close na kayo ni Sir at ikaw na ang paborito niya, magising ka d'yan! Hindi ka niya magiging paborito dahil napakapangit mo! Mukha kang basura!" Sigaw na naman niya sa'kin. Bumalik siya 'dun sa upuan niya ulit ng dumating na ang guro namin. Bago siya tumingin 'dun sa harapan at bago 'dun matuon ang pansin niya ay sa'kin siya nakatingin. Kita ko sa mga mata niyang pinagbabantaan niya ako.
☕︎✍︎
BINABASA MO ANG
Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETED
De TodoCOMPLETED Golden Daughter of Lavigne Family by Ezca_18y What happens here in the story is just a dream of mine or just something I can imagine. **** She is the Golden Daughter of Lavigne Family, she is arrogant, badass, smart, talented, good at ever...