♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 22♛

66 10 0
                                    

♛𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 22♛

Akala ko naman ay kung saan niya ako dadalhin eh dito lang pala sa CR ng mga babae at pinagpapalit ng crop top sweater ko sa sweater niyang ubod ng laki sakin! Nang masuot ko ito ay ngumiwi ako. Dahil hanggang legs ko ang kaya 'yung dress ko ay 2 centimeters na lang ang nakikita. Parang nakasuot ako ng uniform ng mga taga-korea. Ganito kasi ang style ng uniform nila eh. Okay, feeling na sa korea na lang tayo. Tapos 'yung manggas pa nito ay lagpas sa kamay ko. Pero ang cute ko na dito ah 'tsaka bagay naman eh dahil blue ang sweater niya. Lumabas naman ako at sabay sabay silang tumingin sa'kin. "Ayan! Okay na 'yan! 'Di 'gaya nung kanina pero bagay naman sayo 'yun kaso.. alam mo na." Si Brian. Yeah dahil kapag yumuko ako ng kunti 'dun ay makikita na ang dibdib ko eh!

"Hoy, Kai 'wag mo nga siyang bibilhan ng mga ganyan, bilhin mo 'yung masikit para 'di kita 'di 'gaya niyan na ang luwag." Kunot-noong sabi ni Steven kay Kai. Sininghalan lang siya nito at inirapan.

"Oh siya umalis na kayo at pumunta sa classroom niyo, magsisimula na ang klase namin." Sabi ni Raiden at bumaling siya sakin. "Tara na, baka nandun na si Ma'am." Aya niya sakin at tumango naman ako. Nauna naman siyang maglakad ako naman ay nagba-bye sa tatlong ito na hindi naman naman kita ang mga kamay ko, kunting kunting daliri ko ang nakita. Tch! Ngumiti naman sila at tinanguan ako. Sumunod naman ako kay Raiden na ang bilis maglakad kaya kailangan ko pang tumakbo para makasabay sa kanya. Ang tangkad kasi eh, pang basketball player ata ang height nito gaya nung mga Xaxion nga. Ayaw kong tumabi sakin dahil nagmumukha akong maliit eh--pero maliit talaga ako hehe.

Pagdating sa floor namin ay nakita na namin si Ma'am na naglalakad papalapit sa room namin at huminto siya na parang inaantay kami kaya medyo binilisan ko ang paglalakad papalapit sa kanya. "Good morning po ma'am." Nakangiting sabi ko at ngumiti naman siya.

"Good morning din sa'yo, ang ganda ng outfit mo. Ang cute mong tingnan d'yan." Nakangiting sabi niya.

"Thank you po."

"Welcome.. okay pumasok na kayo, magstart na class." Nakangiting sabi niya at sumunod naman kami ni Raiden. Pumasok na kami sa loob at umupo upuan namin, ang mga kaklase namin ay umayos na sa upuan nila. Si Ma'am naman ay nagsimula na nga siyang magturo. Syempre nagkaroon ng recitation, hindi naman ako sumasagot dahil gusto kong malaman kung gaano nga katalino ang mga 'toh. Si Raiden ay nagtataka sa'kin pero hindi ko siya pinansin. Matatalino nga sila dahil kakasulat pa lang sa blackboard ay alam na kaagad nila ang tanong at pagkatapos sabihin ang tanong ay alam na 'agad nila o 'di hindi pa tapos magsalita si ma'am ay may sagot na ang isa sa kanila--madalas si ZZ.

Matapos ang ilang pagtuturo ng mga teacher namin ay masasabi ko ngang matatalino sila sobra. Pati ang mga bully ko, nakakasagot din sila agad pero mga ilang segundo pa muna ang makakalipas bago sila makasagot pero ang kayang sabayan ang talino ni Ghilnash ay si Stella at sumunod si Prixie. Matatalino nga kaso kulang lang talaga sa aruga at pansin ang mga ito eh kaya ubod ng sama ang mga ugali nila eh. Saan kaya pinaghili ang mga ito?

Bigla naman pumasok sa isip ko 'yung tungkol sa ex ni Xeno. Isa kanila ay ex ni Xeno. 'Yung boses na nakakausap ko sa cellphone ay kaboses ni Prixie kaso kapag masama ang ugali ni Prixie ay hindi na sila magkaboses. Si Prixie din ang nakita ko noon na may kachat sa cellphone niya na tumingin sakin kaya sa palagay ko ay siya 'yung ex ni Xeno pero bakit niya ginagawa sa'kin 'toh? Alam niya naman siguro na ayaw ni Xeno na inaayaw ako eh pero kung siya ay bakit parang walang react si Xeno nung nakita siya? Excited si Xeno na makita siya at kung ano man ang sitwasyon sa oras na magkita sila ay pareho silang matitigilan lalo na si Xeno! At magdadalawang isip si Xeno na kasohan ang mga 'yun so may mali dito.. pero. Asih! Stress na naman ako! Pero sinabi na sa'kin ni Lex kung sino so siya nga! Si Prixie nga! Ewan na!

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon