Alam mo ba yung feeling na sobrang malas mo ngayong araw?.... Yung feeling na parang lahat ata ng gawin mo ay nagiging palpak?.... O kung hindi naman ay lagi ka na lang nalalagay sa bingit ng kapahamakan?.... Parang pakiramdam mo tuloy pinagbagsakan ka na ng langit.
Pero paano kung ARAW-ARAW mo yun pinagdadaanan?.... Paano naman kaya yun???........
Hmm…. Siguro mai-immune ka na lang sa lahat ng kapalpakan sa buhay mo….
Wala ka naman kasing choice kundi tanggapin na lamang ang katotohanang pinaglihi ka sa kamalasan at nung nagpasabog ng blessings si Lord sa sangkatauhan ay kasalukuyan ka noong nadapa habang papalabas ng bahay kaya ni isang patak ng tinatawag na swerte o kundi man ay kahit talent man lang ay wala kang natanggap.
Wow…. Ang saklap naman yata ng buhay mo tsong….
Masaklap pero kailangang tanggapin…. Harapin…. At kung maari ay kalabanin ang sablay na tadhana.
Pero…. Pwede kaya yun????....
Sana nga…. Sana….
Ako nga pala si Rex Mikael Valdez --- ang nag-iisang hari ng sablay.
____________________________________________________________
Lunes. 7 a.m. yung klase ko.
…..
…..
7:15 na. Late na ako.
Naku! May quiz pa naman kami ngayon!...
Halos gawin ko nang track and field yung hallway papuntang classroom ko. Sana naman hindi pa nag-uumpisa yung quiz…
Tiningnan ko ulit yung relo ko habang mabilis na tinahak yung daan papuntang Room 3-B…. 7:20! Naku po!
"Okay class, pass your papers!" utos ni ma'am Mirano nang sa wakas ay makarating na ako sa classroom. Oh, hindi! "Mr. Valdez, you're late. Again" sita naman n'ya sa akin nung mapansin na ako.
"Sorry po ma'am, pwede pa po ba akong makakuha ng make-up quiz?" please… pumayag ka naman…..
Tinaasan lang n'ya ako ng kilay habang tinatanggap yung mga papel ng mga kaklase ko. Naku, wag naman sana. "Of course…." phew! Akala ko naman. Hehehe…. "….NO!" ang bait talaga ni ma'am kaya idol ko ---- teka….ano raw?!.... NO?.... Ay naman naman naman!
Napakamot na lang ako ng ulo. Kainis naman kasi…. Hay…
"ba't ba kasi na late ka?...hindi ka tuloy nakakuha ng quiz." pambungad kaagad sa 'kin ng barkada kong si Derrick nang makatabi ko s'ya para sa next subject namen.
"Nukaba tsong! Eh lagi naman kayang late yang si Rex! hahaha…." singit naman ng kambal n'yang si Dennis na katabi naman nito. O sige, ipangalandakan pang laging late ako.
"Porke nasa kanto lang kasi yung bahay n'yo" pabulong ko lang yung sinabi pero dinig pa rin ng unngoy na yun yung sinabi ko. May lahing tsismoso kasi… =__=
"ang sabihin mo pagong ka lang kasi talagang gumalaw tsong!hahahha….." si Dennis.
"hindi kaya!....andame lang kasi talagang kapalpakang nangyare kanina." dahilan ko naman with matching actions pa. Totoo naman ah, maaga pa sana ako kanina kaso nang papunta na ako ng skul bigla namang dumaan yung isang truck sa may putikan nakita kong matatalsikan sana yung babaeng nasa gilid ko kaya hinila ko s'ya ang kaso naman ako naman yung sumalo ng tilamsik kaya nadumihan pa tuloy yung uniform ko, kinailangang ko pang bumalik sa'men para lang magpalit ng damit...pati yung matandang ale tinulungan ko pang tumawid sa daan eh antagal-tagal kaya nun bago makatawid sa kabila….at isa pa yung batang umiiyak sa tabi ng puno malapit sa skul, akala ko naman kung napano na-stuck lang pala yung lobo n'ya sa taas kaya pati yun tinulungan ko na rin.
BINABASA MO ANG
my naughty angel
Fantasysabi nila a guardian angel is assigned to us at birth....he/she is is supposed to be our companion, to guide us and most especially to protect us... pero pa'no kung isang pasaway na anghel ang mapunta sa'yo????..... pa'no kaya yun???...