"ako si Ana…. At ako ang guardian angel mo."
"…."
*blink* *blink* *blink* <----------- si Ana
XD <---------------- ako
"HAHAHAHAHA!...... Pasensya na miss, pero sa tingin ko nagkakamali ka yata ng taong uutuin." sa totoo naman ah. Wag niya lang akong maloko-loko, baka maipadala ko pa siya sa mental.
Napasimangot naman ng bahagya ang babaeng kaharap ko. "ikaw si Rex Mikael Valdez. Hindi ako nagkakamali. Ako si Ana, ang guardian angel mo."
"Pwede ba miss, hindi ko alam kung anong kailangan mo sa akin at nagagawa mong mag-imbento ng mga kung anu-anong kwento pati na yung magulpi mo pa yung mga tambay d'yan pero sinasabi ko na sa'yo ngayon pa lang itigil mo na yan." hindi ko tuloy alam kung ano yung nararamdaman ko ngayon. Natatakot pa rin ba ako sa babaeng 'to o naiinis dahil sa kalokohang sinasabi niya?
Nag-umpisa na akong talikuran ang kaharap ko. Baka kung ano pa ang idagdag niya sa kalokohan niya.
"T-teka -----" hinawakan niya yung braso ko.
"Miss ------"
She cut me off " Ana"
"Okey, 'Ana' o kung sino ka man, hindi porke nakasuot ka na ng pang-cosplay na damit at alam mo na yung pangalan ko at nagawa mong patumbahin yung mga lalakeng yun eh mapapaniwala mo ako sa mga sinasabe mo. Wake up in the real world." kung baliw ka naman, sayang naman yung ganda mo.
"Pero----"
"and you don't even have wings, yan na lang yata ang kulang sa costume mo." sana naman umamin na siya sa kalokohan niya. Baka nga isa lang 'to sa mga pakulo ni Dennis. Hay, malalagot talaga sa akin yun pag nakita ko siya!
BINABASA MO ANG
my naughty angel
Fantasysabi nila a guardian angel is assigned to us at birth....he/she is is supposed to be our companion, to guide us and most especially to protect us... pero pa'no kung isang pasaway na anghel ang mapunta sa'yo????..... pa'no kaya yun???...