Chapter 2: BALIW!

38 1 0
                                    

Sa wakas, natapos na din ang mahabang araw ng klase. Pauwi na ako. Medyo dumidilim na nga kasi natagalan pa akong tapusin yung pinagawa sa akin ni ma'am Paderes kanina. Andame pa namang testpapers yung pina-check n'ya sa akin. Oo, ako lang kasi "favorite" n'ya daw ako. Tss….

Napagpasyahan ko na lang na maglakad pauwi. Hindi naman kasi masyadong malayo yung bahay namin.

Nag-uumpisa na rin na umilaw yung mga lamp post sa kalye. Ako lang mag-isa. Gusto ko  'to kasi nakakapag-isip ako ng mga bagay-bagay habang naglalakad kesa naman magmadali pa akong umuwi. Wala naman akong madadatnan doon.

Napabuntong-hininga tuloy ako nang maisip ko kanina yung usapan namin nina Sophia. Naalala ko tuloy ang magandang mukha ni crush!....haaay…. Kinikilig nanaman yata ako! Naku! Ano ba yan, nakakabakla ka na Rex! 

"….naniniwala ka ba sa guardian angel mo?"

Bigla naman yung pumasok sa isip ko.

Guardian Angel?......... Tss…..

Kung meron ako nun eh di sana hindi naging ganito ang kapalaran ko. Kung meron nga ako nun eh di dapat palagi akong naliligtas sa mga potholes ng buhay ko. Kung meron ako nun eh di ba dapat merong parang bumubulong sa akin na igina-guide ang takbo ng buhay ko. Kung meron talaga ako nun…….. Hindi dapat ako laging nasasablay….. Hindi ba?

Guardian Angel?..............."asan ka ba?" 

"hoy miss! Sa'n ka pupunta? Dito ka muna!" narinig kong sigaw ng mga tambay na nadaanan ko kanina sa may eskinita. Hindi pa naman kasi ako nakakalayo ng masyado.

"teka lang miss! Iniwan ka ba ng boypren mo? Ba't kumot na lang yang suot mo? Gusto mo kami na lang ang tumapos sa gagawin n'ya" kahit kelan talaga ambabastos ng mga tambay na yun. Sige lang Rex, hayaan mo lang sila…. Dire-diretsong lakad lang… baka ikaw pa ang pagbalingan nila.

"ANO BA?! BITIWAN N'YO NGA AKO!!!!" sigaw yun ng isang babae. Mukhang nakursunadahan s'ya……..

Hindi ko alam, parang nakokonsensya naman yata ako. Hahayaan ko na lang ba yung mga kumag na yun na manlapastangan ng isang babae?...... Hmmm….. Isip Rex, isip!........ Eh kung tumawag na lang kaya ako ng tanod? Ay naku naman! Parang kasama pa yata nila sa inuman yung nagrorondang tanod! Nubayan!....

Hindi ko namalayang tinahak ko na pala ang daan pabalik sa madilim na eskinitang yun………..

Sana naman hindi pa huli ang lahat. Sana matulungan ko pa yung babae. Naku, kawawa naman siya kung mukursunadahan nga siya!..............

Nagulantang naman ako sa naabutan kong eksena sa eskinita!!!....

……

……

……

……

Parang napako yata yung paa ko sa aking kinatatayuan. O________O

Nakakaawa!........

NAKAKAAWA yung mga TAMBAY!!!!

OO! Mga TAMBAY! Tumba lahat ang hindi bababa sa pitong lalake. Walang malay silang nagkalat sa madilim na eskinita. Sa gitna naman ng mga nakahandusay na lalake ay isang babaeng nakasuot ng puting ------- damit ba yun o kumot?....Nakatalikod yung babae kaya hindi ko makita yung mukha niya.

NAKAKATAKOT naman yata ang babaeng 'toh! Paano niya napabagsak ang mga tambay na yun? Halimaw yata 'toh!

Hay naman!  Sinabe ko na nga bang mas mabuting hindi na lang ako pumunta dito!!! Naku! Baka ako pa ang isunod ng babaeng 'to! >________<

Kakaripas na sana ako ng takbo bago pa man niya mapansin ang presensya ko doon nang biglang may tumawag sa aking pangalan.

"Rex Mikael Valdez." unti-unting lumingon yung babae. Hala! Ba't alam n'ya yung pangalan ko???!!!

Magpanggap ka lang na hindi mo narinig at kumaripas ng takbo! Yan dapat ang gagawin ko pero nag-iba ang lahat ng yun ng makita ko na ang kanyang mukha.

……

…….

…….

Ow

May

Gulay.

Ang ganda niya! As in! alam n'yo ba yung hindi mo na malaman kung saan pa siya ihahambing kasi para sa'yo sobrang ang ganda na niya?! Maputi, May kissable na lips, matangos na ilong tapos chinita pa! ah basta , parang may kakaibang glow yung mukha niya! Alam n'yo yung kagaya nung sa mga anime na lumiliwanag dahil parang may mga sparkles?.... Hanep ang ganda talaga nya!

a/n: okey Rex, tama na yang pagka-amaze mo sa kanya. =___= moving on, shall we?

KJ naman netong si miss author! =_______=

Amp!

Oh, nasa'n na nga ba ako? Ah…. Oo nga pala, kaharap ko na yung misteryosang babaeng nakasuot ng kumot. Hmm… kung titingnan talagang mabuti parang hindi naman talaga kumot yung suot niya. ^_____^ parang nakakatuwa naman yata yung suot n'ya, parang nagco-cosplay lang ng isang ancient greek person - yung mga kagaya nung sa suot ng mga rebulto doon.

Napansin kong nakangiti lang siya sa akin habang aliw na aliw akong idine-describe siya sa inyo kanina. Teka! Siya nga pala yung gumulpi sa mga tambay kanina tapos alam niya pa yung ngalan ko. Naku! Nakalimutan ko yata yun ah… Nakakadistract kasi yung ganda niya, hindi tuloy ako makapaniwalang nagawa niya yun kanina!

"S-sino ka? B-ba't alam mo yung pangalan ko?"

Ngumiti muna siya ng isang nakakalokong ngiti. Konti na lang mapagkakamalan ko na siyang isang baliw! Wala kayang nakakatuwa sa sinabe ko, pinagpapawisan na ako dito ha! Bumalik tuloy yung takot ko kanina.

..

….

…….

^________^

"ako si Ana…. At ako ang guardian angel mo." nakangiti pa niyang sabe!

Kumpirmado! Isa nga siyang BALIW!!!

my naughty angelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon