Chapter 26

48 8 0
                                    

Chapter 26

Earl's Pov


“Anong ba umupo ka nga?"

“Gago kinakabahan ako ni Dave." 

"Bakit kakabahan? Ano ka ba! Magiging ok din ang lahat, lalaban si Jann, at magiging successful ang operasyon niya." Napatingin ako sa mga kasama ko. Kahit hindi nila sabihin ramdam ko.  Si Carl dinaanan sa pagkain, si Januz ay nasa isang sulok, ramdam ko ang kaba niya para sa kuya niya. Halos hindi nga siya natulog para bantayan ang kuya niya.

Ngayon ang schedule ni Jann, lahat kami ay naghihintay. Napaupo ako at tumabi kay Januz. Napatingin siya sa akin."

"Kumain ka na ba?” Hindi ko alam kung bakit sinabi ito kay Januz. Napansin kong hindi pa siya kumakain simula nang iwan namin siya at pagbalik namin ay kasama niya pa rin ang kan'yang kuya. Kahit hindi sabihin ni Januz, alam ko na siya, nahihirapan din para sa kapatid niya mahal na mahal niya kahit maloko si Januz. 

“Walang masama sa pag-iyak.” Napalingon siya sa akin. Kahit minsan hindi siya umiiyak, pero kapag hindi na niya kaya, kusa siyang umaalis nang hindi sinasabi kung saan siya pupunta.

-"Magiging maayos ang kapatid ko," mahina niyang yakap. 

"Gagaling si Jann, lalaban siya. Nangako siya na tutuparin namin ang plano namin sa isa't isa." Hindi ko na mapigilan umiyak. 

"He'll be fine." Napalingon kami ni Januz nang lumapit si Carl.  Tumango lang ako sa kanila. Umalis ako gusto kong mapag-isa. Ito lang ang paraan, para pakalmahin ang sarili ko hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Umupo ako at tumingin sa kanila may limang bata, I think they are 12 years old.

Nakikita ko sa kanila ang pagkakaibigan namin noon. Katulad nila, nagtatawanan kami kapag may nagagawang kapalpakan ang isa. Sana bata pa rin kami, walang problema, katulad nila. Tama sila, ang sarap mamuhay bilang isang bata, dahil kahit nasaan ka, dahil sa iyong mga paa, hindi mo nararamdaman ang anumang sakit o problema ang komplikado kapag tumanda ka, maraming pagsubok ang kailangan mong pagdaanan tulad ngayon, tangina nagmahal lang si Jann kung bakit niya naranasan ang lahat ng ito. Ito ay hindi patas! ‘Yong taong nagmahal siya pa  talaga nakaranas ng sakit. Magmahal ng ganito, marami kang pagsubok bago mo makamit ang kaligayahan. Kung ganito lang, nakakatakot magmahal, sa huli ay sakit lang ang mararanasan mo. 

"Ang lalim." Parang pamilyar sa akin ang boses niya. Lumingon ako. Nakangiti lang siyang nakaharap sa akin. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o maiiyak sa harap niya. Siya lang ang taong nakakaintindi sa lahat ng pinagdaanan ko. Alam kong nasaktan siya nung umalis kami. Naiwan siyang lumaban mag-isa para harapin ang mga bagong kaklase. 

"Renz!” sabi ko lang sa pangalan niya. Umupo siya sa tabi ko. 

"Kanina pa kita sinusundan, nakita kitang papunta dito. Alam ko ang pinagdaanan mo. Pasensiya na kung bihira akong bumisita sa kaibigan natin." 

"Alam mo?" sabi ko sa kanya. Hindi ko masabi kay Renz, kahit bihira kaming mag-usap o mag-chat, ayoko lang na madagdagan pa ang mga problema niya. Inaako na niya ngayon ang responsibilidad kung bakit hindi siya makakasama dahil siya lang naman ang maaasahan nila. Mabait si Renz; siya lang ang mabait sa grupo namin. Pilitin man namin si Renz na kami na Ang BahAla sa lahat ng pangangailangan niya, hindi niya tinanggap ang alok namin sa kanya. Si Renz. Hangga't kaya niya, itaguyod niya ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng kanyang dugo at pawis. Hindi niya kinahihiya ang pagiging mahirap; ito ang naging daan at inspirasyon niya sa buhay. 

"Alam ko. Nung nalaman ko ang kalagayan ni Jann. Pinuntahan ko siya, pero saglit lang alam mong kailangan kong magtrabaho. Bakit nandito ka ngayon? Hindi ba siya inooperahan?" Hindi ko na napigilang umiyak sa harap ni Renz. 

"Alam kong masakit ang naramdaman mo. Kahit ako hindi ko matanggap kung bakit naranasan ni Jann 'to. Ang bait ni Jann kung bakit siya niloko. Gago kung nandoon ako, hindi lang tadyak aabutin ng gago na iyon.

"Teka, paano mo nalaman?" Marami siyang alam tungkol sa akin. 

"Gago, kahit malayo ako, updated ako sa buhay niyo. Minsan nagseselos ako. Gago nakalimutan niyo na ako." 

“Stalker ka ba namin?” Tinawanan lang ako ng loko.

 "Stalker ka talaga! Hindi ba puwedeng magchichismis kayong tatlo? Gago nakakalimutan mo na kasama ako sa group chat; hindi lang ako nakaka chat. Wala akong oras sa buhay ko, unlike you.

Wala man lang kayong pinuproblema, ang magagawa niyo lang ay uminom nang uminom."

"Gago may natutunan na ako, hindi ako iinom  magkakasakit ka lang; akala ko ang simpleng pag-inom ay nakakabawas sa sakit na dulot sa'yo ngayon, na nagpapahirap sa iyo sa huli." Tinawanan lang ako ni Renz. 

"Gago, walang nakakatawa! "Seryoso kong sabi 

"Alam ko, kapag na-realize niyo lang, saka mo iisipin na magbago. Ilang beses na kayong pinaalalahanan. Tapos sasabihin mo ako na isa akong dakilang KJ." 

"Ang KJ mo noon pa man. Pero alam mo naman na ganyan ang buhay! Marerealize mo lang kapag dumating na ang mga pagsubok sa buhay mo." 

"Totoo naman, pero malalampasan natin ang lahat ng ito. Katulad ko, minsan naisip ko kung bakit ako pinanganak na mahirap at bakit kailangan kong maiwan sa piling niyo. Pero alam mo, napagtanto kong pagsubok lang ito para sa atin. Si Jann ay matapang; malalagpasan niya ito at magiging mas matibay siya. Sabay tapik ni Renz. Hindi ko mapigilang yakapin siya. Nang biglang tumunog ang phone ko. Binitawan ko si Renz, sinagot ko ang tawag ni Carl. 

"Hello," mahinang sabi ko.

 "Where are you?" Sigaw niya. Gago nabibingi ako, at itinago ko ang phone ko habang hawak-hawak ni Renz ang CP niya habang tinatapik ito; nakangiti pa ang loko. 

"Bakit?" 

"Bumalik ka dito." Kinabahan ako bigla. 

"Jann?" ‘yon lang ang nasabi ko. 

"Halika dito para malaman mo." Sabay off nang gago. Umupo ako. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko.

 "Uupo ka o sasama ka?" Napatingin ako kay Renz. 

"Kinakabahan ako?" Sabi ko sa kanya, 

"Anong kinakabahan ka? Ngayon ok na ang lahat." Naguluhan ako sa sinabi ni Renz. 

"What do you mean?"

 "Successful ang operasyon ng Gago tanging kaibigan. Ngayon ok na siya." Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Sa kaba ko, nanghina ako at hinawakan si Renz. Tinawanan niya lang ako. Inalalayan ako ni Renz. Ngayon bumalik kami sa ospital kasama ko si Renz. Nagulat sila ng makita si Renz since almost 6 months na kaming walang balita sa kanya. Ngayon, bigla na lang siyang susulpot. Pumasok na kami sa loob at mahimbing na natutulog si Jann. Hindi kami umalis sa tabi niya. Hindi nagtagal si Renz; kinailangan niyang umalis; may trabaho siya sa gabi. Ngayon ok na at walang problema. Nakatulog ako sa tabi ni Jann.

R.J.C.E.D Heartthrob ( Published Under Paperink Publishing House Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon