Chapter 21

39 8 0
                                    

Chapter 21

Jann's Pov


Bakit nandito na naman kayo? Hindi ba kayo naiinip?Hindi ba kayo pagod sa ginagawa niyo," sabi ko sa kanila.

"Ang tanga mo pre! Bakit kami magsasawa? Kaibigan ka namin. Muli tayong manumpa; problema ng bawat isa ay problema ng isa." Paulit-ulit na sinasabi ni Carl ang mga katagang iyon. Alam naman namin. Araw-araw pa rin itong binabanggit.

"May gagawin pa tayo. Mangako tayo sa isa't isa na walang girlfriend; hahantong tayo na walang mga babae sa paligid natin. Posible ba iyon?" Napatingin kami kay Dave. Siya ba ito nagsabi?

"Deal ako diyan," sabi ni Earl. Habang tahimik si Carl, may iniisip ang loko. Feeling ko, tinamaan na itong isa. Ngayon, may sumpaan pa kaming nalalaman ni Dave. Mukhang sinadya ng loko habang nakatawa kay Carl. Alam naming may lihim siyang pagtingin kay Shane. Hindi ko pa nakikita si Shane simula nung birthday ko. Hindi man lang ako nagpasalamat sa kanya.

"Mukhang ayaw ni Carl Dave," sabi ni Earl.

"Gago kayo, anong ayaw? Napaisip lang ako sa sinabi ni Dave. So! Ibig sabihin walang babaeng lalapit sa atin. Pano naman ang mga fans ko? Bawal silang lumapit." Natawa naman kami sa sinabi ni Carl.

"I told you na bawal tayong magka girlfriend hangga't hindi tayo nakakatapos ng pag-aaral. Ayokong maulit ang nangyari ngayon." Napatingin sila sa akin sa sinabi ni Dave. tahimik lang ako.

"I mean, Jann, what the---" pinutol ko sasabihin ni Dave.

"You don't need to explain. I deal with that plan. No girlfriend." Nagsumpaan kami tulad ng ginawa namin dati. Sabay-sabay naming hinawakan ang kamay ng isa't isa habang nagsusumpaan. Napasigaw kami, 'Problema ng isa, damay ang lahat!' at ang bago naming sumpaan: 'No girlfriend.

"Sabay tayong magtatapos sa hirap at ginhawa," sigaw naming lahat.

"Anong problema 'yan?" Napalingon kami sa sigaw ni Januz. Tumakbo siya papunta sa akin habang sinundan ng parents ko si Januz sa loob. Napatingin ako sa mga magulang ko. Ramdam ko ang lungkot nila.

"Aray! Gago ka Januz," sigaw ni Carl sa kan'ya.

"Tangina umusog ka kasi."

"Epal ka kasi."

"Anong problema niyan?" Sabay lapit ni mommy sa kanila.

"Siya kasi tita?" sabi ni Carl.

"Hoy! Carl, umayos ka nga," sabi ni Earl sa kanya.

"Son." napalingon ako kay mommy. Lumapit sa akin si Mommy at pinaupo ako.

"Sana sinabi mo?" Sabay lakad ni Carl. Napanganga na lang ako sa kalokohan niya.

"Hindi ka ba nila kinukulit, kuya? Lalo na itong katabi ko."

"Hoy, bakit wala naman kaming ginagawa, Gago ka Januz?"

"Mommy oh! Si Carls." sabay tawa ni Januz. Tinatawanan lang namin sila.

"Tama na nga biruan! Kain muna tayo."

"Iyan ang gusto ko sa iyo, Tita Janey." Sabay lapit ni Carl. Kumuha muna ng pagkain ang loko. Napasunod mga kaibigan ko, mukhang gutom na ang mga ito. Napatingin ako sa kanila.

"Hindi ka ba kakain?" Sabay alok ni Carl sa akin. Humiling lang ako. Masaya ako kasama ang aking mga kaibigan at pamilya. Ito ay masarap; kumain sila.

Ikaw talaga ang pinaka dabest, Tita Janey; don't worry, kami na ang bahala kay Jann diba, Earl?" seryosong sabi ni Carl.

"Wait lang," sabi ko sa kanila.

"Bakit anak?"

"Anong kasi-" Napatingin ako sa mga kaibigan ko. Nakakahiya sa mga kaibigan ko; halos dito na sila natutulog, tapos ngayon sasamahan na nila ako.

"Magpahinga rin kayo? "Napatingin ako kay Daddy? Kilala niya ako; alam ni Daddy kapag may bumabagabag sa akin.

"Oo nga naman," sabi ko sa kanila.

"Ayaw mo ba kaming makita?" sumimangot si Carl.

"Ang OA mo! Hindi naman sa ganoon; lahat kami ay nagpapasalamat sa inyong sakripisyo para sa aking kuya. Salamat ah!"

"Ikaw ang OA; we're doing this because we love your brother," seryosong sabi ni Carl. Nakikinig lang ako sa palitan ng mga salita. Napalingon ako sa katabi ko. Kanina ko pa napapansin ang pananahimik ni Dave. Hindi man lang nagsasalita, maliban kung ang mga gago makipag-usap sa kanya.

"Bukas na lang kayo, 'wag na kayong makulit. Ang babaho niyo na." Inamoy-amoy pa ni Januz ang mga loko. Buti na lang napasunod ni Januz ang mga mokong.

"Ok fine, aalis na tayo?" mahinang sabi ni Carl. Napatingin ako sa mga kaibigan ko. Tumango lang sila. Nagpaalam na ang mga kaibigan ko.

"Buti umuwi na rin ang mga loko." Tahimik lang ako.

"Magpahinga ka na anak. Nakainom ka na ba ng gamot?" Tumango ako sa parents ko.

"Sige kuya, dito lang ako sa tabi mo. ML lang ako."

"Hoy! Anong ML mo. Nagreview ka, may exam ka pa bukas."

"Isa lang round, Mommy. Isa pa, puwede na kayong umuwi ni Daddy at ako na ang bahala kay Kuya."

"Tsk, I don't trust you. Lalong magkasakit ang kapatid mo. Baka mamaya nabalitaan ko na nag MML din siya dahil sa pagpupumilit mo." Natatawang humarap sa kanya si Januz.

"Don't worry, mommy, hindi ko invite si Kuya. Payat ang kapatid ko. Kakayanin ba niya?" Sainis ko nabatukan ko ang Kapatid ko. Napapansin ang payat ko.

"Naku kuya nanakit ka."

"You're stupid," mahinang sabi ko.

"Ang tanga mo kuya, nagsasabi ako ng totoo. Umayos ka? Kahit magdamag tayong maglalaro, magpagaling ka lang."

"Ano ang narinig ko magpa-umaga?"

"Januz daddy," sumbong ko kay Daddy.

"Ako na ang bahala sa iyo, kuya," nakangusong sabi ni Januz.

"Sige, mommy/daddy, ako na ang bahala kay Januz." Pagkukumbinsi ko ang aking mga magulang.

"Ano ako bahala kay, Januz? Wala akong sakit, kuya."

"Sa inyo dalawa parang ikaw may sakit!" Seryosong sabi ni mommy.

"Sige na po mommy pahinga na po kayo?"

mahinang sabi ko.

"Oo siya, tara, honey. Pinagtabuyan na tayo ng mga anak natin."

"Ano pa nga ba? Tawagan mo na lang kami kapag may problema." Tumango na lang ako sa sinabi ni mommy. Umalis na ang parents ko. Kami na lang ni Januz ang natira. Busy sa CP ang loko, mukhang nakapag-ML na siya. I didn't bother. I looked at my brother Seryoso siya I feel sleepy.

R.J.C.E.D Heartthrob ( Published Under Paperink Publishing House Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon