Prologue

132 12 2
                                    

Prologue

"Aray!" tanging sambit ko. Nahihirapan akong tumayo, at nanghihina ako. 

"Hirap na hirap na ako..."

umiiyak na yakap ni Mommy sa tuwing binibigkas ko ang salitang "hirap na hirap na Ako.”

 "Don't say that, son! You'll get better! Gagawin ni Mommy ang lahat para gumaling ka. Gagaling ka, 'di ba, daddy? Gagaling ang anak natin?" Umiyak ako at napayuko. Hindi ko kayang makitang nahihirapan ang mga magulang ko. 

"Mommy/Daddy, I'm sorry. Napabayaan ko ang sarili ko. Sorry kung pinag-alala ko kayo." Kahit nahihirapan ako, sinubukan kong pasayahin ang sarili ko tuwing nandiyan ang mga magulang ko. 

"Shhh, anak. Hindi mo kasalanan; umibig ka lang." Niyakap lang ako ni mommy. Tanging iyak lang ang sinagot ko sa kanila. 

"I'm rest, mommy," mahinang sabi ko. Gustuhin kong makasama si Mommy. Sa tuwing nakikita ko si mommy na nahihirapan, nasasaktan akong makita silang nahihirapan. Mahal na mahal ako ni mommy. Ayaw kong nakikitang umiiyak si Mommy. Nagsisisi ako sa ginawa ko sa buhay ko. Dahil mahal na mahal ko at hindi ko matanggap ang nangyari sa akin. Ibinuhos ko sa alak ang lahat ng sakit na dulot ng unang pag-ibig, kung saan nasaktan ako ng sobra na ngayon ay hirap na hirap akong ibalik lahat ng kabiguan ko sa buhay. Kung nakinig lang sana ako sa mga kaibigan ko, hindi sana hahantong sa ganito. Naiiyak ako sa tuwing naaalala ko lahat ng sakit na naranasan ko. Nagustuhan ko lang kung bakit nangyari ito sa akin. Wala akong niloko ng babae; bakit ako? Maraming manloloko diyan, pero bakit ko pinagdaanan ang lahat ng ito? 

"Umiiyak ka na naman?" Napatingin ako kay kuya na malapit sa akin. Kasama niya ang mga kaibigan ko; kahit pilit kong inaalis sila sa buhay ko pilit pa rin nilang binabalikan. 

"Pagaling ka?" Lumapit sa akin si Dave. Nagyuko lang ako sa kanila. Sa lahat ng kabiguan ko sa buhay, nandiyan sila para sa akin. 

"Fight! Don't give up. We won't give up, Jann," nakayukong sabi ni Carl. Gusto kong umiyak sa harap nila, pero pinipigilan ko. 

"Sabay tayong ga-graduate; hindi ba't wala tayong iiwan?" Napatingin ako kay Earl nang sabihin niyang hindi ko na mapigilan umiyak sa harap nila. Niyakap nila ako. Umiiyak kami bilang magkaibigan. 

"Problema ng isa, problema ng lahat," sabay na sabi ng mga kaibigan ko. Ito ang madalas naming sinasabi sa tuwing kami ay may problema. 

"Magpagaling ka kuya! Labanan mo ang sakit mo. Nandito kami para sayo. Nandito kami para ipaglaban ka. Payat ka na?" Seryosong sabi ni Janus sa akin. Tahimik lang ako habang nakatingin sa akin ang mga kaibigan ko. Pakiramdam ko sinusubukan nilang ngumiti. Nagpaalam si Januz, at naiwan kaming dalawa, mga kaibigan ko. Napansin kong may pinagkakaabalahan sila at nakatingin sa laptop. Narinig ko ang aking mga kaibigan na nagsasaliksik sa pangunguna ni Carl; sa mga kaibigan namin, si Carl lang ang mahilig mag-research ng mga bagay-bagay. Palihim na lang akong nagpanggap na natutulog. Ito ang ilang sintomas ng disorder sa paggamit ng alak. Narito ang ilan sa mga sakit na maaaring makuha sa sobrang pag-inom ng alak.

 1. Anemia 

2. Kanser 

3. Cardiovascular disease 

4. Pinsala sa atay (Cirrhosis)

 5. Pagkalimot (Dementia) 

6. Pinsala sa nerbiyos 

7. Gout 

8. High blood pressure 

9. Impeksyon sa katawan 

10. Pagkasira ng pancreas (pancreatitis) Nang mabasa nila ito ay napasigaw sila sa inis. Lihim akong napaiyak ng marinig kong sinisisi nila ako kung bakit humantong sa akin ang lahat ng ito. Kung sa simula pa lang ay hindi na nila ako pinakawalan, hindi na sana lumala ang kalagayan ko na bumigay na ang katawan ko. Tanging kailangan ko lang  magpaopera sa baga dahil may mga komplikasyon. Ginawa ng mga magulang ko ang lahat para gumaling at hindi tumigil sa pagpapagamot. 

"Gago, kailangan tayo ni Jann; kahit anong mangyari, hindi ko siya tatalikuran," sabi ni Dave sa kanila. 

"Magkasama tayo, hanggang dulo. Walang iwanan. Mangako tayo sa isa't isa." Sabi nung tatlo habang nakatingin sakin na parang matutulog na ako.

R.J.C.E.D Heartthrob ( Published Under Paperink Publishing House Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon