Ang Panimula

9 2 1
                                    

Isang kilalang bansa ang Maharlika sa buong mundo. Isa ito sa mga bansang nakakamit ng kalayaan matapos ng ilang taong pakikipaglaban sa mga mananakop. Naging mahusay ang pamamalakad ng bansa.

Ngunit pagkatapos ng mga panahon ng rebolusyon isa namang pangyayari ang hindi inaasahan. Ang makasaysayang taong 1980 hanggang 1986. Ito ang tinatawag ng Bloody Era sa bansang Maharlika.

Maraming buhay ang nasawi at mga pagkawala ng mga Maharlikan sa pamumuno ng isang diktador na Presidente. Ilang bilyong pera ang nawala sa kaban ng bayan. Maraming nagalit at nagsiaklasan upang mapaalis sa pwesto ang Presidente. Ngunit isang malagim na kasawian ang nangyari pagkatapos ng Bloody Era.

Sa kasalukuyan, naging usapin ang patungkol sa nakaraang iyon lalo na sa mga nasa kolehiyong nagpapakadalubhasa sa kasaysayan.

Sa pagsakop ng buwan sa araw, malalaman ang katotohanan. Isang babaeng nagmula sa kasalukuyan ay babalik sa nakaraan.

Masasagot na kaya ang laging tanong ng karamihan?

Ano nga ba talaga ang nangyari noong bloody era?

××××××××××××××××××××××××××××

Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga pangalan, tauhan, lugar at pangyayari ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may akda. Ang panahon sa kwentong ito bago at matapos ang People Power Revolution. Ang ilan sa mga kaganapan at mga kinagawian noong dekada '80 ay nabanggit din upang magbalik tanaw sa mga hindi malilimutang kasaysayan. Sa uulitin, ang kwentong ito ay hindi isinulat upang baguhin ang kasaysayan o ang pananaw ng bawat isa. Ang pagkakatulad ng mga pangyayari sa realidad ay pawang inspirasyon lamang ng may-akda. Maraming Salamat!

(This story is inspired by I love you since 1892 and Scarlet Heart)

Date Started:
September 24, 2021

Date Ended:
(On-going)

Written with love and passion,
@barBIEyourself

Mirasol's EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon