Goodbyes

3.2K 57 23
                                    



A/n: Hello, feel free to comment about your thoughts. I would love to read them. :) always remember that this is a fanfiction.

Ps: before reading this pls stream Can't cry hard enough by The Williams brothers, enjoy. <8









"Ma? Papasok na po ako sa school. I love you! Thank you sa breakfast!" The girl shouted to her Mom, who was currently at the kitchen washing the plates, the Mom stopped from what she's doing atsaka pumunta siya kung nasaan ang dalaga niya, she gave her a soft kisses on the cheeks and gave her response.


"Okay, Kylie! Mag iingat ka ha? Text Mama or Papa if you need anything! I love you, sweetie." The mom responded to her daughter she nodded and bid her goodbye before she goes to their family driver and asking na ihatid ito sa eskwelahan.


Nang wala ng maaninag ang dalaga sa anak ay bigla naman itong nalungkot at bumalik sa ginagawa.


"Ma'am Vice ako na po jan..." sabi ng katulong nila habang tinitingnan ang kanilang Amo na nagliligpit.


"I can handle this Jackie, ipaghanda mo nalang ang sir mo ng damit sa taas." Sabi ni Vice sa katulong nila, tumango naman ang babae atsaka pumunta sa itaas para ipaghanda ang kanyang amo ng maisu-suot papuntang opisina.


Siya dapat ang gumagawa ng mga bagay na 'yon, pero anong magagawa niya? Ayaw ng kanyang asawa na maglalapit, magkikita o magkakausap silang dalawa kung hindi kaharap ang kanilang anak. Napangiti naman ng mapait si Vice ng makita na kahit ni isang butil ay hindi kumain ang kanyang asawa.


'Hindi ba dapat ako ang magalit? Hindi ba dapat naiintindihan mo ako? Hindi ba dapat nasa tabi kita? Eh bakit wala ka? Eh bakit hinahayaan mo lang ako?' Vice thought, hindi niya napansin na tumutulo na pala ang kanyang mga luha.


Dali-dali niyang pinahid ito ng marinig niyang may papunta sa gawi niya, inilingon niya kung sino 'to at nakita niya ang kanyang asawa na nakabihis ito ng pang opisina.


"Pinagbaunan kita, g-gusto mong b-bang dalhin nalang?" Vice was trembling while saying it, ngunit umiling lang naman ang lalake atsaka nilagpasan ito.


Kumuha ito ng isang bote ng drink-to-go coffee atsaka naglakad papunta sa pantry to get some bread, napayuko at napakagat naman ng ibabang labi si Vice.


Tahimik ang bumalot sa dalawa, gustuhin mang kausapin ni Vice ang kanyang asawa, ngunit hindi niya alam kung paano, dahil sa tuwing kinakausap nito ang kanyang asawa ay pilit siyang lumalayo. Pero sa kagustuhang makausap ng masinsinan ang asawa ay nagsalita ito.


"B-bab—" hindi natapos ni Vice ang pagtawag nito rito ng biglang humakbang paalis ang lalake at nagsalita.


"Aalis na ako. Paki-check yung folder na nasa taas ng kwarto kung wala kang ginagawa. Take time to read it." Walang emosyong sabi ni Ion dito atsaka lumabas ng kusina at umalis ng bahay para pumasok sa trabaho.


Ngumiti ng mapait ang babae atsaka inilapag ang pamunas na hawak nito


'Hahaha, ano pa bang bago?' Sabi ni Vice atsaka tumakbo patungong kwarto para umiyak.


Hanggang kelan siya matututo? Hindi pa ba siya sanay sa ganito? Hindi pa ba siya sanay na ang lamig ng pakikitungo ng asawa niya sa kanya, simula nung nangyare yung bagay na hindi niya inaasahan na mangyayare.


Alam ng diyos, alam ng lahat na hindi niya ginusto ang nangyare, at alam niyang hindi niya ito ginusto. alam niya sa sarili na nag iingat siya, alam niyang ginagawa niya ang mga bagay na para maging malayo siya sa kapahamakan, pero anong magagawa niya? When the danger comes you can't stop it.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FIFTY SHADES OF PEREZ [RATED R] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon