CHAPTER 5

6 0 0
                                    

Nandito ako ngayon sa Resort kung saan idinaos ang Birthday ng Mommy ni Perry na si Dr. Percia Arguello. Kilalang doctor ito kaya naman abot langit ang kaba ko ngayon.

Tinawagan ko ang number ni Perry para malaman niyang andito na ako... Ayoko kasing pumasok magisa dahil nahihiya ako at kinakabahan. Hon, dito na ako sa may entrance. Sunduin mo ako, Please. Wait kita dito ha? Bye.

Hon, relax! Sabi ni Perry habang papalapit kami sa Mommy niya. Naka red gown ito na hapit sa katawan, napakinis ng kutis. Di gaanong matangos ang ilong ngunit bumabagay sa biluging mukha. My, this is Andrea. Andrea, si Mommy. Pakilala sa amin ni Perry.

Hi hija. Sabay beso sa akin ng Mommy ni Perry. 

Hello Po! Ngiting kabado ako.

Good taste son. Sabi ng Mommy ni Perry sa kanya. Pagkasabi noon may lumapit na matandang lalaki na kamukhang kamukha ni Perry, Ito na siguro ang Daddy ni Perry. Ah Fernando, this is Andrea ang girlfriend ni Perry. 

Hello Sir! Glad to finally meet you. Sabay ngiti ko. Pero parang wala naman narinig ang Daddy ni Perry dahil nakatitig lang siya sa akin. Kaya napabuntong hininga lang ako ng palihim. 

Alam kong sa sarili kong di ako gusto ng Daddy ni Perry dahil may iba siyang gusto para sa anak niya at iyon ay si Michelle. Ang anak ng isa sa mga stockholder ng pinakamalaking mall sa Maynila. Basta isa lang ang alam ko, habang mahal namin ang isat isa titiisin ko ang lahat lahat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TRUE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon