Chapter 34 Vacation Trip "Day 4- Test of Courage"

52 1 0
                                    

Chapter 34 Vacation Trip "Day 4- Test of Courage"

------------* Steven's POV *------------

"Oi gising na kayo magswimming tayo, sulitin na natin yung pag-iistay natin dito at bukas uuwi na tayo." sabi ni Ian habang ginigising kami

Nag-inat na ako at bumangon, nagtooth brush at naghilamos na ako tapos nagpalit na kami ng pangswimming namin. Nang natapos na kami magbihis ay lumabas na kami sa kwarto pagkalabas namin ay nakita ko agad sila Sam at yung iba na nakaupo sa may sala.

"Oh good morning girls kakain kami ng almusal sabay ba kayo." pag-iimbita ni Ian

"Sige sabay kami." sabi ni Monique sabay tayo

Tumayo na sila at palabas na kami pero bago pa kami makalabas ay lumapit ako kay Sam.

"Sam good morning." bati ko tapos ningitian ko siya

"Good morning din Steven." bati ni Sam sabay ngiti

Boom isang ngiti niya lang tiklop na ako pero ok lang dahil buo na yung araw ko. At dahil maganda ang gising ko ay ang ngiti ko ata ay umabot hanggang langit.

"Oh insan mukhang masaya ka ata dahil ba sa nang yari kagabi?" tanung ni Monique, magkatabi kasi kami ngayon.

"Sabihin natin na oo." ngiting sagot ko. Pagnaaalala ko yung kagabi di mawala yung ngiti ko. Nung una ayaw ko, kasi di ako nagpapahalik sa pisngi kasi nga baka malagyan ako ng laway, iniisip ko kapag sila Jasper ang hahalik itatali ko ng patiwarik, pagsila Maf o Cristine ay tatakutin ko sila sa tingin kaso habang nag-iisip ako bigla na lang nagsalita si Sam kaya nagulat ako. Di ko expect yun kaya di na ako nakapgsalita. After nga nun gusto kong tumalon sa tuwa pero syempre di ko ginawa yun.

"Dapat magpasalamat ka sa akin dahil nakakuha ka ng kiss kay Sam." sabi nitong katabi ko

"Teka wag mong sabihin alam mo yung hawak naming number ni Sam?" ako na napatingin sa kanya

"Syempre lakas ko naman makachamba kung hinulaan ko yun." sabi niya

"Paano mo naman nalaman yung mga number namin?" tanong ko

"Eh kasi naman po nung nagbunutan tayo nakita ko yung mga number ninyo ng di sinasadya, iniisip ko nga yung larung yun para tulungan ka kaso nung naglalaro tayo di ko alam kung papaano ko malalaman yung number ninyo kapag ako na ang king buti na lang nakita ko. Dapat libre mo ko dahil ginawa ko yun." pagpapaliwanag ni Monique

"O sige na salamat tsaka na kita ililibre." sabi ko

"Yehey handa mo na yung credit card mo at lulubusin ko ang libre mo." sabi ni Monique sabay takbo papalapit kila Sam.

Naku nakalimutan kong na adik nga pala magshopping itong si Monique pero ok lang walang katumbas na pera yung kiss ni Sam. Kagabi nga para akong tanga kasi ayokong masayad yung magkabilaang pisngi ko sa unan pero wala talaga di ko naman kayang kontrolin ang katawan ko kapag tulog. Natapos ang pagdaday dreaming ko nang nakarating kami sa tapat ng restaurant, agad na kami nakaupo at bingyan kami ng menu nung waiter nakaassign sa amin.

"Ano bang masarap kainin? Mukhang masarap lahat" Jasper habang tinitingnan yung menu

"Pre naman lahat ata naman ng pagkain sayo ay masarap." sabi ni Evan

"Nahiya naman ako sayo, kala mo naman ako lang ang malakas kumain." sabi ni Jasper habang masama ang tingin kay Evan.

"Naku mag-order na tayo nagugutom na ako." pag-aawat ni Monique

"Naku ment to be talaga tayo Panget." sabi ni Evan habang taas baba ang kilay.

"Eeeewww ment to be ka diyan, baka gusto mo ment to be kayo ng kamao ko." sabi ni Monique sabay angat ng kamao niya

Unexpected Love for Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon