Chapter 65 Ja Ne

36 2 1
                                    

Chapter 65 Ja Ne

------------* Evan's POV * ---------------

Nag-aalala ako kay Panget, yung narinig niya yung masamang balita ay di na siya tumigil kakaiyak. Gusto kong sapakin itong epal na ito pero alam kong di siya ang may kasalanan.  Nandito kaming mga lalaki sa sala ng bahay nila Steven while yung mga girls ay kasama si Panget na nasa kwarto,  sinamahan nila kasi si Panget dahil tinawagan niya ang mga magulang niya.

"Kawawa naman si Nic." Saad ni Ian habang nakatingin sa dulo ng hagdan.
"Oo nga ngayon ko lang siyang umiyak ng ganun." Tiningnan ko si Jasper, sang ayon ako sa sinabi niya. Iba yung iyak ni Panget kanina, parang batang na wala at di makita ang mga magulang.
"Daddy's girl kasi si Monique kaya di na ako magtataka na ganyan ang reaksyon niya. Siguradong nag-aalala na siya sa Daddy niya." Ramdam ko ang pag-aalala ni Steven sabagay tito niya yun.

Napansin namin na bumababa na sila Cristine,  Sam at Maf. Tiningnan ko kung nakasunod si Panget ngunit wala akong nakita ni anino nito.

"Kamusta siya?" Tanong ni Steven nung nakalapit na sila Sam.
"Nakatulog na siya kakaiyak matapos makausap yung mommy niya." Tugon ni Sam sabay kuha ng bag niya na nasa sofa.
"Aalis ka na?" Pinapanuod ni Steven ang paggalaw ni Sam.
"Oo kaylangan kong pumasok maraming customer sa shop." Sagot niya.
"Hatid na kita." Tumayo na si Steven at kami naman ay pinapanud sila.
"Di na ihahatid ako nila Maf at Cristine at tsaka baka kaylangan ka ni Monique pagkagisinging niya." Pagtanggi ni Sam sabay baling kila Maf at Cristine.
"Sige we need to go." Inayos ni Maf ang bag niya at sa mga dala niyang libro.
"Una na kami." Pagpapaalam ni Cristine habang tinitingnan kami kaso nung napatingin siya kay Ian ay umiwas ito ng tingin. Kita ko sa mukha ni Ian na nalungkot siya sa ginawa ni Cristine.

Umalis na sila Sam at kami ay nandito pa rin. Medyo tahimik kami ngayon na parang may mga iniisip ang bawat isa sa amin. Pero si Jasper na ang bumasag ng katahimikan.

"Oi Ian meron ka bang di sinasabi sa amin?" Nakaupo siya habang ang dalawang kamay niya ay nakalagay sa sandalan.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Ian.
"Pansin namin na iniiwasan ka ni Cristine,  sila Maf alam na nila pero kami walang kaideideya sa nang yayari." Pagpapaliwanag ni Jasper.

Bumuntong hininga siya at parang magkwekwento na siya. Kaya kami ni Jasper ay umayos ng upo para makinig si Steven naman ay nakaupo lang at pinapanuod kami. Makalipas ang ilang minuto ay natapos magkwento si Ian at nagulat ako at si Jasper sa kinuwento niya.

"Alam mo pre di ko maisip na magagawa mo yan. Ikaw ang huling taong maiisip ko na gagawa ng ganyang bagay." Komento ni Jasper na kinatango ko bilang pagsang-ayon.
"Sinabi na rin sa akin ni Steven iyan." Tugon niya kaya napakunot kami ni Jasper at napatingin kami kay Steven.
"Alam mo?" Turan ko na kinatango niya.
"Hay ang daya ninyong dalawa pero wala na kaming magagawa tapos na eh." Sukong saad ni Jasper.
"Pero Ian base sa kwento mo may salita dun na tingin ko dahilan kung bakit lumalayo si Cristine sayo." Lahat kami napatingin kay Steven.
"Anong ibig mong sabihin?" Takhang tanong ni Ian na halatang di na iintindihan ang sinasabi ni Steven.
"Sabi mo napilitan ka magpanggap, kung ako si Cristine iisipin ko sa una pa lang napilitan ka lang at di mo ginusto ang mga bagay na nang yari sa inyo." Paliwanag ni Steven.
"Hindi yan totoo." Kontrang saad ni Ian, ngayon ko lang siyang nakitang ganyan.
"Opinion ko lang yun at tsaka tulad ng sabi mo mukhang sinisisi talaga ni Cristine ang sarili niya kaya lalong umiiwas siya sayo." Dagdag pa nito.
"Pre mali yung sinabi mong salita, ang mga babae kahit simpleng salita lang pero kapag hindi maganda para sa kanila ay dadamdamin nila iyon." Saad ni Jasper na parang alam na alam ang mga bagay tungkol sa mga babae, siguro yun ang mga natutunan niya bilang playboy.

Matapos namin mag-usap usap ay umuwi na kami, maramig nang yari ngayon araw at nag-aalala ako kay Panget. Hindi pa nga tapos yung problema sa ex niya ngayon naman ay yung daddy naman niya.

Unexpected Love for Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon