AMSD 5

11.8K 338 26
                                    

Nakailang ulit na ako ng kakapindot sa doorbell wala pa ring nagbubukas ng gate. Ang tagal naman ng mga katulong na ako'y pagbuksan. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim sa langit nang ako'y tumingala sa pagdaan ng isang ibon. Pinindot ko ulit ang doorbell sa inis. Hindi na dapat ako pumayag kay nanay na samahan si Greg. Mag-isa lang siya kasama ang mga katulong sapagkat pumunta na naman ng Maynila ang kaniyang daddy.

Sermon ang inabot ko kay nanay ng una akong tumanggi. Bakit ba daw ayaw ko siyang samahan? Wala daw akong utang na loob sa pagligtas sa akin ni Greg na mahulog sa tulay. Kasalanan naman niya kaya muntikan na akong mahulog. Saka mababa lang ang tulay mabubuhay pa ako. Kung tatalon ako sa mataas na tulay ako tatalon. Dagdag pa ni nanay, ano ba daw ang problema ko kay Greg? Malaki ang problema ko sa kaniya. Nakakainis mas pinapaboran pa s'ya ng nanay ko kaysa sa gusto ko.

Ilang sandali pa'y bumukas na ang gate. Sumalubong sa akin ay hindi katulong kundi si Greg na nababalot ng kumot. Kumunot ang noo ko sa itsura niya. Para siyang multo sa puti ng kumot.

"Anong ginagawa mo rito?" agad niyang tanong. Malakas ng kapit niya sa kumot na tila ayaw niyang bitiwan.

Tinulak ko siya para ako'y makapasok. Ang sagot ko sa kaniya, "Dito ako pinapatulog ni nanay."

Saglit siyang natahimik na ninamnam ang aking ibinalita. Habang in-a-absorb niya, pinagmasdan ko ang bahay na ilang ilaw ang nakabukas.

"Mahal talaga ako ni ninang ah. Papasa ako nito agad." Sa wakas pumasok na sa utak niya kaya lang nasobrahan. Inirapan ko siya sa kaniyang sinabi sa pagsara niya ng pinto. Dagdag pa niya, "Ano? May nasabi ba akong mali?" Nang makuha niya kung anong ikinakunot ng noo ko. Agad niyang sinabi, "Pasensiya naman. Natutuwa lang na nandito ka."

"Tigil-tigilan mo ako ng mga biro na ganyan. Hindi maganda. Masyado pang bata ang kapatid ko. Tumigil ka." Kalokohan talaga niya walang pinipiling oras. Hindi ko gustong umasa.

Lumakad na ako't iniwan siya diretso sa sofa. Doon ko na lang binalak na matulog. May kalaparan naman at mahaba ang sofa. Nagka-interes ako na manood pero wala ang malapad na telibisyon. Wala talaga kasi tiles lang nakikita ko sa linaw ng suot kong salamin.

"Uy, masyado siyang apektado," ang sinabi niya nang makasunod siya ng pasok sa bahay. Isinara na rin niya ang pintuang salamin at ni-lock. Hindi ko na lang pinansin ang biro niya baka humaba. Pansin ko rin na parang mag-isa lang si Greg.

"Ikaw lang ba ang tao dito? At san ang tv?" reklamo ko sa pag-upo niya sa sofa na nanginig pa.

"Day-off ng mga katulong. Ako lang talaga rito," aniya. Kaya pala pinapunta ako ni nanay para samahan siya. Sumandig ako sa upuan at nagmasid sa labas. "Ang tv naman ay pinalipat ko sa kuwarto ko."

"Ano ang papanooran ko rito?" Napakamot ako ng ulo. Humagikhik pa si Greg na ikinabwisit ko.

"E 'di sa kuwarto ko manood." Inayos niya ang pagkapulupot ng kumot sa kaniyang katawan.

"Wag na. Baka ano pang gawin mo. Anong nanyayari sa'yo't nilalamig ka? Parang nakapatay naman ang aircon niyo."

"May sinat ako," sabi niya sabay nanginig ulit. Tinawanan ko na siya pagkasabi niya niyon. Marahil dulot iyon ng bali niya sa likod, nahuli lang ang epekto.

"Tinatablan ka pala. Bagay lang sa'yo. Alis na. Matutulog na ako." Sinipa-sipa ko pa siya kaya wala siyang nagawa at tumayo na lamang. Humiga ako ng nakadapa. Pinikit ang mata para 'di na siya matingnan pa.

"Ang aga pa para matulog." Dinig kong saad niya.

"Pakialam ko sa gusto ko ng matulog."

"Kung gusto mong manood umakyat ka na lang." aniya sabay palo sa puwet ko kaya napasigaw na lang ako sa pagkabigla.

Ang Magnanakaw Sa Dilim #BoyxBoy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon