02

788 56 2
                                    

FRIENDS

Ethan Evangelista-Wilford POV

Nasa kalagitna-an nako at nasa tapat ng isang building, naglalakad siguro mga walong kilometro nalang bago ako makarating sa school masyado itong malayo dahil dadaan paako ng 3 building at tatawid ng kalsada anim na beses...

Dala-dala ko naman ang mga gamit na gagamitin ko para sa charity event na ako mismo ang nag plano.
Gusto ko kasi makatulong sa mga batang palaboy lalo na't sa araw-araw sa nating pamumuhay ay lagi tayong nakakasalubong na mga problemang hindi natin kayang solusyunan Pera,Pagkain at damit, isa lang naman to sa mga pangangailangan ng mga bata kaya dahil sa tulong ng  mga mag-aaral, kinder hanggang college ay nakakulikta kami ng Malaking ayuda at pasalamat narin dahil pinayagan kami ng school principal sa project na ito...

At naalala ko pa ang mahigpit na babala ni Zach sakin na sa oras daw na may maka alam sa arrange marriage naming dalawa o makarating ito sa academy ay walang duda akong malilintikan sa kanya.Naiintindihan ko naman dahil alam kong pinangdidirian niya ang isang katulad ko...tulad ko na  basura lang sa paningin niya...

Sa totoo lang lahat ng ito ay  nanatiling isang malaking surpresa  na dumating sa buhay ko dahil nang mga panahon na hindi pa nangyari ang kasal nato ay isang Kasambahay ng pamilyang Wilford si auntie linda at ang matalik na kaibigan ni madam charlotte.

Dahil sa kapos kami sa pera pati ang pag-aaral ko noon ay naapektuhan, nakatira lang kami ni aunt sa maliit na bahay noon at malayo sa trabaho niya. Tumigil ako nung nasa  middle-school pa ako dahil walang pambayad, nagkaroon pa ako ng negatibong pananaw, akala 'koy lalaki akong walang alam sa mundo pero laking gulat ko nalang ng  isang araw ay dalhin ako ni Auntie Linda sa mala-palasyong bahay ng amo niya. Simula nun pati ako ay naging Kasambahay narin...

Pero hindi nagtagal dahil inalok ako ni madam charlotte na mag-aral sa paaralan nila,labis na saya ang naramdaman ko ng mga oras nayon dahil dagdag niya pa ay  siya na ang bahala sa mga pangangailangan ko syempre ako pumayag. Para tuloy isang anghel ang nahulog sa langit para tulungan ako.

At sa mga panahon nayon ay una kong nakilala si Zach ang anak ni madam charlotte kagagaling lang sa America at naisipan ditong mag-aral,  tumira man kami sa iisang mansyon niisang coincidence walang nangyari dahil pus-pusan din ang pag-aaral ko ng mga panahon na iyon..

Ang pinaka nakakagulat pang nangyari ay ang kasal.

Arrange Marriage na mismo si madam charlotte ang nagsabi saakin at desperado akong ipakasal sa kanyang anak pati si auntie ay pumayag, nakitaan rin daw kasi ako ng potensyal ewan ko kung ano yon.  

Hindi ko rin naman matanggihan dahil isa na siguro ito o paraan ko ng pagsukli ng kabaitan na pinakita niya saakin pati ng kaniyang  asawa.  May isa pang dahilan kung bakit ko tinangggap to, yun ay   dahil nahulog ako sa binatang pinapangalagaan nila tawagin narin siguro nating LOVE AT FIRST SIGHT....

_

Habang naglalakad ako ramdam ko na ang pangingirut ng paa ko sumasakit narin ang balikat ko dahil sa bag na dala ko,  kung ikukumpara ko Ito, mas mabigat pato kaysa sa bato paano naman kasi makakapal na libro ang laman...

Isang  taon nalang bago ako grumaduate kaya gusto kong sulitin ang college life ko bago magtungo sa bagong pahina ng aking buhay...

Maya-maya pa ay may isang kotse na biglang sumulpot sa harapan ko  dahilan para mapatalon ako sobrang gulat muntikan na ngang mahulog ang dala-dala ko pero buti nalang madali ko itong na balance...

Pakunot akong tumingin sa kotse na nagpagulat saakin at binigyan ng masamang tingin.

Pero teka lang parang familiar sakin tong kotse nato ah nakita ko nato kung saan eh san bayon?

MY COLD AND HEARTLESS HUSBAND BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon