03

724 55 6
                                    

Ethan Evangelista-Wilford POV

Pagkatapos ng event ay nagsialisan na ang mga bata kasama ang mga classmate ko na nagvolunteer sakin sa project nato inalalayan ang mga chikiting palabas and I'm happy dahil naging smooth lang ang lahat.

Ako ang naging host, marami kaming nagawa katulad ng parlor games, sayaw na si chichay at Liam ang naging lead sa pagtuturo and last I teach them on how to brush their teeth three times a day and then we had a lot of fun...

Ngayon ay andito kami sa 3rd floor ng building naglalakad papunta sa classroom namin, ako and my two best friends  are  behind my back  fanning themselves  they look so exhausted masyado kaming nadala ng saya dahil sa mga bata kanina..

Nang makarating kami ay sabay kaming naupo sa upuan, halos kaming tatlo naglabas ng hininga, si chichay mukha ng manang dahil sobrang gulo ng buhok akala moy nakipagsapalaran sa gera ng mga Espanol..

"Grabe ka gurl!, bakit pa ba ko tumulong dito.
Tignan mo mukha ko! parang kinalmut ng sandaang pusa, e grabe makayakap sakin e hindi naman ako mukhang pagkain para pag agawan,...."inis niyang saad..."dapat kasi gumawa kanalang ng swimming event edi sana ngayon nae-enjoy ko yung pandesal sa katawan ng mga lalaki..." hingal at reklamo ni chichay habang kami ni liam ay  nabulunan sa ininum na tubig....

Ano dawwwww??? swimming event....wait ngayon ko lang narinig yun a...

"Sira!  anong swimming event? San mo nakuha yang di nag e-exist na word na yan? Ayan na nanaman yang utak mo nayan e kung sang lupalop ng mundo lumilipad"pagpupunas ni Liam sa bibig niya dahilan para matawa ako...

"Hay nako chichay puwede ba gumising ka sa realidad? you should be focusing on your studies not in some random stuffs"ika ko sa kanya habang siya naman ay kunwaring walang naririnig, napa rolled eyes nalang ako..

"Pshhhhh Tama na pinagkakaisahan niyo nanaman akong dalawa, ano to? Mag-asawang pinapangaralan ang anak? che! "wika niya at inirapan ako....

Nagkatinginan naman kaming dalawa ni liam na nanlaki ang mata at agad namang linayo ang tingin sakin nahiya yata  sa sinabi ni chichay halatang namumula ang pisngi at tenga hindi naman siguro kami  tanga ni chichay para hindi yun mapansin...

"Ayieeee si Liam kinikilig"pang-aasar ni chichay at sinusundot-sundot ang tagiliran niya...

"S-sino?,  A-ako k-kikiligin?... h-hindi a" mas lalo pang namula ang mukha niya, mukha  tuloy siyang kamatis..

"Sus deni-deny mopa I kita naman sa mukha mo"tuloy niyang pang-aasar at nabaling ang tingin niya sakin"uy, bes haba ng hair ah nahiya naman yata si rapunzel sayo"ako naman ang sinunod nitong asarin, umiling Lang ako....

"Ikaw ha bakit ba ang dami mong napapansin, hindi ba puwedeng naiinitan lang yung tao tingnan mo...ang tirik kaya ng araw sa labas"saway ko Kay chichay. Alam kong ang layo ng connect nung sagot ko pero bahala na total asar lang naman e...

Sanay na sanay na ako sa gantong asta ni chichay dahil alam kong wala namang malisya at tsaka magkaibigan lang kami ni Liam malabong magkagusto siya sakin sa pangit Kong to?

Buti nalang kami lang ang nasa classroom kaya puwede kaming mag -ingay. Ang ibang kong classmate ay nasa labas may kanya-kanyang yatang lakad yung iba siguro nasa canteen at may iba rin naman sigurong pumunta lang sa library para magbasa-basa...

"Uy gurl, kamusta na nga pala kayo ng monggoloid mong asawa?"pagche-change topic ni chichay...

"Ayos naman"ngumiti akong pilit, naalala ko na naman  kasi yung nangyari kagabi, Hindi parin mawala-wala sa isip ko...at tsaka bakit niya ba naitanong?

MY COLD AND HEARTLESS HUSBAND BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon