Kabanata 25: I love you now

4.2K 92 2
                                    

"Let's go?" Tanong ni Van sa kanya ulit. Napakurap kurap siyang nakatingin sa harapan ng sasakyan. Tumango siya pero parang ayaw pa niyang lisanin ang lugar kung saan tanaw niya ang paghagulgol ng ina di kalayuan sa kanila. "You can take it back Katherine. You should go to your mother." Patuloy sa pagsasalita ito. Kunot noo siyang napatingin sa binata.





"You have no say to whatever I want to do Van. I hate that woman. She deserves every pain. That's what she gets for abandoning and letting me being raped!" Matigas at walang puso niyang sagot. Napabuntunghinga naman ang binata at tahimik ng binuhay ang makina ng sasakyan. Tahimik din niyang sinulyapan muli ng kanyang ina. Umigting ang kanyang panga at napakuyom siya ng mga kamay niyang nasa kanyang hita. Aalis na sana sila ng makita niya ang lalaking dahilan ng lahat ng pagdurusa niya ng ilang taon. Ang lalakeng gumahasa sa kanya ay tanaw na tanaw niya ngayon. "Wait!" Pigil niya kay Van habang diretso parin ang tingin niya sa harapan kung saan pasuray suray na naglalakad ang asawa ng kanyang ina. Kahit pa may  kalayua sila ay kitang kita pa rin niya ito. Napatingin naman muli si Van sa kanya bago tumingin din sa direksyon kung saan nakasentro ang kanyang mga mata ngayon. Mukhang mabilis siyang naintindihan kaya pinatay nito ang makina ng kotse. Lalong nag igting ang kanyang panga at nag alab ang galit sa puso niya ng makita ito. "HUDAS!" May mababakasang pait at galit sa boses niya. "Sagasaan mo ang hudas Van. Sagasaan mo!" Mariin niyang utos. May lumandas na luha sa kanyang pisngi habang mataman pa ring nakatingin doon. "Buhayin mo na ang makina! Papatayin natin siya!" Bulyaw na niya sa binata. Niyakap naman siya nito pero patuloy pa rin ang sigaw niya. "Papatayin natin siya!" Galit na galit niyang sumigaw at pinagbabayo ang likuran ng binatang nakayakap sa kanya.







"Hey. Hey. Look at me." Pagpapatahan nanaman nito sa kanya ng hiwalayan siya ng yakap habang pinupunasan na nito ang luha niya. Napatingin naman siya ng diretso sa mga mata nito. "Hey. I'm here. I won't let anyone harm you again. Calm down baby. Calm down." Mahinahon nitong sabi na siyang nagpakalma sa kanya. Hinalikan siya nito sa noo kaya napapikit siya. "You are safe baby. Ako ng bahala sa kanya. Just be still." Dugtong nito na parang may gagawing masama sa taong gumahasa sa kanya. Niyakap siya muli pero agad din silang naghiwalay  ng marinig nila ang sigaw ng kanyang ina. Napatingin sila doon at ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng makita ang kanyang ina na sinasaktan ng asawa.





"Masakit. Tama na. Wala nga akong pera." Humiyaw sa sakit nitong sagot sa asawa.

"Wala kang pera? Saan mo nilustay ang sahod mong babae ka? Sa mga lalake mo ha? O baka naman sa sugal nanaman?" Galit na galit na sabi nito sa babae at sinampal bago muling sinabunutan.






"Wala akong lalake at mas lalong hindi ako nagsusugal! Sa ating dalawa sino ba ang marunong lumustay ng pera para lang sa mga babae at sugal?" Matapang na sagot ng ginang pero muli lamang itong nakatanggap ng malakas na sampal.







"Aba't sumasagot ka na ngayon? Ang kapal naman ng mukha mong babae ka! Pagkatapos mong ubusin ang kayamanan ko may gana ka pang sumagot! Kung hindi mo ginamit ang pera sa paghahanap sa walang kwenta mong anak, hindi sana naubos ang pera natin! At kung hindi ka sana nakialam, hindi tayo pababayaan ng don! Eh di sana wala tayo sa ganitong buhay! Walang hiya ka! Dapat pinatay na kita noon pa!" Nanggagalaiti nitong sagot bago muling sinaktan ang babae.




"Aray. Tama na. Maawa ka." Bigla ay may takot ng hinaing ng ginang. Hindi niya na nakayanan ang nakitang pananakit sa kanyang ina. Lumabas na siya sa sasakyan at padabog na lumapit sa dalawa. Bago siya tuluyang lumapit ay may nakita siyang kahoy sa tabi. Walang pagdadalawang isip niyang kinuha iyon at mabilis na nilapitan ang mga ito. Di na niya pinansin ang pagtawag sa kanya ni Van.








Love me Mr. Assassin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon