Epilogue

8K 141 7
                                    


"Ano pa ba ang kulang para palayain mo na ako sa putang inang mundo mo? Hindi mo ako laruan o tauhan dad! 'Cause in case you have fogotten, I am your son!" Namumula na ang mga mata ko. Kasabay ng galit at pagkuyom ng mga kamao ko ay ang pagbasag ko sa isang vase na una kong nakita sa tabi ko. Anger is an understatement to what I am feeling right now. He killed the woman I love. Hindi pa siya nakuntento, ipinakita pa niya ang walang buhay nitong katawan sa akin. Damn this life. Shantal used to be my escape in my dark world. But seeing her cold and not breathing broke me into million pieces. He didn't have to kill her. He didn't have to brutally kill an innocent girl who did nothing but love me.





Matagal akong nakatayo at tila nanghihina na sa harapan niya pero ni hindi man lamang siya nagsalita. Ni hindi man lang niya sinagot ang tanong ko sa kanya bagkus ay malamig lamang siyang nakatingin sa akin bago niya ako tinalikuran na parang wala lang ako sa kanya. Napasabunot ako sa buhok ng umalis siya sa harapan ko. At lalo akong nagwala at sumigaw sigaw doon mag isa. Tuluyan na akong napaupo sa malamig na sahig pero ni hindi ko ininda iyon dahil ang tangi kong nararamdaman ay ang magkahalong sakit, galit at hinanakit ko sa aking ama. How can he swallow seeing me like this? How can he stare at me like nothing happened?





"Dude, andyan na ang bride mo, pwede ka ng huminga ng maayos." Natatawang asar sa akin ni Blue. Mahina akong napamura sa pang aasar niya pero napunta ang buong atensyon ko ng bumukas na ng tuluyan ang pintuan ng simbahan.







"Man, sa wakas may nagayuma ka na!" Halakhak na saad naman ni Stayner na nakaupo sa harapan. Masama ko siyang tinignan pero ang gago, lalo lamang humagalpak ng tawa, kasama pa ang iba pa naming kaibigan.





"Are you sure, that's her daughter? James, make sure that your investigations aren't bluffs or else I'll shoot you in the head." Seryoso kong banta sa imbestigador ko, pero tinawanan lamang niya ako. I have this wild guess that her feature is similar with the Don just before I laid my eyes on her. And I guess, my instinct never failed me. Siya nga ang nawawalang anak ni Gustavio. Napatingin ako sa babaeng mahimbing ang tulog sa kama habang hinihintay ang sagot ni James.







"I am sure as hell, that the girl you are with now is the long lost daughter of Don Gustavio, dude." Napaiwas ako ng tingin sa natutulog na si Bella at tumingin sa labas ng veranda kung nasaan ako ngayon.





"How come? Of all people, why her?" Nabasag ang boses kong tanong. Kahit na naihanda ko na ang sarili ko dito, ay hindi pa rin kayang maproseso ng utak ko ang katotohanan. Mukhang natigilan naman ang kausap ko na nasa kabilang linya pero maya maya ay narinig ko na ang halakhak niya.







"Oopps. Damn man, Don't tell me you fell for that girl?" Asar niyang tanong sa akin. Natahimik ako sa tanong niya sa akin. Do I love her? Damn! I'm so fucked up. Napahilamos ako ng mukha ng makuha ang sagot ko mismo sa tanong niya.







"Tutunganga ka na lang ba dyan?" Napangisi ako sa sinabi niya ng makarating na siya sa tapat ko. Damn this girl, she never fails to amaze me. Inilahad ko ang kamay ko at agad naman niya iyong tinanggap. Dinala ko iyon sa aking labi upang halikan bago kami nagtungo sa harap ng altar.







"Are you happy?" Agad kong tanong sa kanya ng makarating na kami doon. Tumingin naman siya sa akin at malapad ang ngiti niyang sumagot.







"If I say no, would you cancel the wedding?" Halos magpanting ang tenga ko sa narinig. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Wait! Is she having second thoughts?! Nanlamig bigla ang buo kong katawan at naramdaman ko din ang pagnginig ng kamay kong nakahawak sa kamay niya. Napatingin siya doon bago nag angat ng tingin sa akin. Napahalakhak siya bigla kaya kumunot lalo ang noo ko pero hindi ako nagsalita. Maya maya ay tumigil siya sa kakatawa at hinawakan ang magkanilang pisngi ko. Nakangiti siyang hinalikan ang tungki ng ilong ko. "Don't worry Flabby, I won't be running away. I'm not having any second thoughts either, so stop being paranoid 'cause you look like someone who was just about to labor." Halakhak niyang sabi.





Love me Mr. Assassin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon