"Damn, I'll be late..." I mumbled while staring at the wall clock.
I just wanna stay here in my room forever. Hindi ko alam kung paano ko pa magagawang harapin si Cad matapos ang nangyari kagabi. Hindi ko naman pinagsisisihan 'yon dahil nagustuhan ko rin naman, sadyang nahihiya lang talaga akong harapin siya.
"Hoy, Jomelyn!"
I gasped exaggeratedly when I heard Cad's voice. He knocked on my door loudly. Napalunok na lang ako at napapikit nang mariin. Bakit hindi na lang siya umalis? Even just for today. Wala ba talaga siyang nararamdamang hiya o awkwardness man lang sa katawan n'ya?"Lumabas ka na, Kamelliah. May trabaho ka pa. Kung ginagawa mo 'to kasi nahihiya ka, sige. Lalabas muna 'ko," sabi pa n'ya.
"Then leave!" Napakagat ako sa ibabang labi ko saka napakapit nang mahigpit sa kumot ko.
Hindi na nagsalita si Cad. Nakarinig ako ng papalayong yabag ni Cadence. Napabuga ako ng hangin at tila nabawasan ang kaba ko. Pero hindi ko rin maiwasang makonsensya, baka na-offend siya sa pagpapaalis ko sa kan'ya.
I just shook my head and sighed. It's better this way. Pahuhupain ko na lang muna ang awkwardness na nararamdaman ko kahit isang araw lang. Siguro naman bukas magiging komportable ulit ako sa kan'ya.
Pinihit ko na ang doorknob at binuksan ang pinto ngunit halos napatalon ako sa gulat nang si Cad ang bumungad sa akin. I was about to close the door but Cad immediately gripped the door to stop me from what I was about to do. He opened the door widely and went inside my room. My kneed instantly shivered just by looking at his face. Nararamdaman ko kaagad ang pag-iinit ng mukha ko at kakaibang pakiramdam sa tiyan ko.
"A-Akala ko ba aalis ka na?" nauutal na tanong ko.
"Alam ko kasing magkakaganito ka na naman, Liah," seryosong saad n'ya habang nakatitig sa akin.
I felt a lump in my throat when I saw him closed the door behind him. I gulped and looked at him. "C-Cad... may trabaho pa 'ko. Hindi na pwede." Napaiwas ako ng tingin sa kan'ya.
Gusto ko rin namang maulit ang nangyari kagabi... pero male-late na ako sa trabaho kung ngayon namin gagawin.
"Ahm... ano'ng hindi na pwede?" tanong n'ya.
Napakurap na lang ako at napatingin sa kan'ya. Nakakunot ang noo n'ya na para bang nagtataka siya kung ano ang tinutukoy ko. Agad namang nag-akyatan ang lahat ng dugo sa mukha ko sa kahihiyan. "H-Ha?" naitanong ko na lang.
Cadence smirked at me. "Bakit? Ano ba'ng nasa isip mo?" nakangising tanong n'ya.
"W-Wala akong iniisip!" agad na sabi ko saka bahagyang itinulak ang dibdib n'ya.
"Hindi, e. Sabi mo... Cad, may trabaho pa 'ko. Hindi pwede," panggagaya n'ya sa sinabi ko kanina. Hindi maalis ang nang-aasar na ngisi sa mukha n'ya.
"I-It's your fault! Why did you close the door? M-Malamang iba ang maiisip ko!" asik ko saka agad na napaiwas ng tingin sa kan'ya.
"Aw 'no, kasalanan ko pa nga... Ma'am Liah, sinara ko po 'yung pinto kasi wala kang suot na bra, oh. Baka biglang umakyat dito 'yung nagbubuhat ng bagong kama sa kwarto ko. Sinabihan ko sila na nandito ako sa taas kung may kailangan silang itanong o ano man... Sus, sadyang gusto mo lang talaga maulit 'yung kagabi, e. H'wag kang mag-alala kasi gusto ko rin naman." Nagtaas-baba siya ng kilay.
I glared at him. "Stop teasing me!"
"Am I teasing you?" He grinned at me and wrapped his arms around my waist.
I tried to let go from his hug but he just hugged me tighter and kissed my forehead lightly. Hindi ko na lang din siya pinigilan at napabuntonghininga na lang.
BINABASA MO ANG
Boundless Possession (SERIE FEROCI 5)
Romance(COMPLETED) Kamelliah Jomelyn Vicencio loves everything about the place she's living in... her house, her neighbors, everything. She's happy and contented living a simple life with her neighbors who she treated as a family ever since she was a kid...