Chapter Nineteen

146K 4.9K 5.1K
                                    

"W-What the hell, Cad?! What do you think of me?! I'm not a thing or an item that you can just own!"

Naiinis na inalis ko ang pagkakahawak n'ya sa akin saka buong lakas na itinulak siya palayo. Hindi naman siya natinag at nanatili lang na nakatitig nang kakaiba sa akin.

Hinawi n'ya ang buhok n'ya saka napabuga ng hangin. "Of course you'll say that," he said and scratched his eyebrow.

Hindi ako nagsalita. Napaiwas ako ng tingin sa kan'ya at pilit na pinakalma ang paghinga ko. Ilang ulit pa akong pumikit upang siguraduhin na totoong nangyayari 'to... Ito ang totoong Cadence. Ito ang totoo n'yang kulay.

"I have to go somewhere, Liah. May kailangan pa akong asikasuhin. Don't worry, I'll be back," he mumbled and touched the top of my head gently. Napapitlag ako sa ginawa n'ya pero minabuti ko na lang na hindi magsalita at umiwas ng tingin sa kan'ya.

Pakiramdam ko nakahinga lang ako nang maluwag nang makaalis na siya. Nanghihinang nagtungo ako sa kama at umupo ro'n. Nanginginig ang mga kamay ko sa halo halong emosyon na nararamdaman ko ngayon... takot, pangamba, pagtataka... Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong unahing maramdaman. 

I covered my face with my hands and tried to calm myself. My hands are still shaking terribly. Cad's voice, eyes, touch, and kiss are not comforting anymore like it used to before. Mas lalo lang pinalala ng mga 'yon ang bigat na nararamdaman ko sa mga oras ba 'to... Naguguluhan ako. Hindi ko maintindihan kung bakit sa akin n'ya kailangang gawin 'to. 

Hindi n'ya ba talaga ako minahal? Talaga bang pag-aari lang ang tingin n'ya sa 'kin at wala ng iba pa?

"Liah! Liah, halika rito sa labas!"

Natigilan lang ako nang marinig ang hiyaw ng mga kapit-bahay ko sa labas. Kahit nanghihina pa ang mga tuhod ko, pinilit kong tumayo at pahirin ang mga luha ko. Huminga ko nang malalim at sinapo ang dibdib ko at pilit na pinakalma ang paghinga ko. Ayokong makita nila ako sa ganitong kalagayan, ayokong makita nila na mahina ako.

Nang sa tingin ko ay ayos na ako, lumabas na agad ako ng bahay. Naabutan ko sina Aling Ising na nagkukumpulan sa labas at tila may pinag-uusapan. Ang lalong nagpataka sa akin ay ang mga gamit nila na inilalabas nila ng mga bahay nila... Ano'ng nangyayari?

"Liah!" Agad akong nilapitan ni Ate Linet at hinila ako palapit sa kanila.

"Liah, alam mo na ba? S-Si Cad ang may-ari ng CAD Hotel at ang noon pa nagbabalak na bumili ng lupang 'to," sabi ni Kuya Rodel habang napapailing at tila dismayado.

"Nito ko lang din po nalaman," mahinang usal ko saka napakapit nang mahigpit sa damit ko.

"Bakit n'yo inaalis agad ang mga gamit n'yo?! Hindi tayo pumapayag na ibenta ang lugar natin!" sabi ni Aling Perla habang pinipigilan ang iba sa paghahakot ng mga gamit nila.

"Hindi mo naiintindihan, Perla. Si Cad ang nagbayad ng pampa-ospital ng nanay ko noong pinagkakatiwalaan ko siya. S-Siguradong gagamitin n'ya 'yon laban sa akin," sabi ni Sancho.

"Si Cad din ang nagbayad ng lahat ng utang ni Tatay."

"Si Cad din ang tumubos ng bahay namin. Nagtaka ako noon kung bakit may gano'n siyang kalaking pera pero nagtiwala ako sa kan'ya dahil nakasama na natin siya rito."

"Nangutang din ako nang malaking pera kay Cad at pinapirma n'ya ako sa isang dokumento. Malaki rin ang tiwala ko sa kan'ya at sinabi n'ya na walang kaso sa kan'ya kahit kailan ako makapagbayad."

Tila hindi ako makapaniwala habang isinisiwalat ng mga tao na tinulungan sila ni Cad lalo pa't tungkol sa pera ang mga 'yon. Halos lahat yata sila ay nakahiram ng pera kay Cad. Nanghihinang napatakip ako sa bibig ko nang tuluyan kong napagtanto ang dahilan ni Cad kung bakit siya tumira dito at kinuha ang tiwala ng mga kapit-bahay namin... Plano n'ya talagang tulungan sila para magamit n'ya ang mga inutang ng mga kapit-bahay sa kan'ya... para maipit sila at mawalan ng ibang pagpipilian.

Boundless Possession (SERIE FEROCI 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon