2

223 41 5
                                    


Nasa kwarto ako ngayon at nakaharap lang sa laptop ko. Nag aadvance learning na rin kasi ako para kahit di ako makinig alam ko na yung topic.

Dahil sa kaboringan ay nanonood muna ako sa youtube ng kung ano ano. Busy kasi si Mami Rans nagluluto ng dinner ayoko naman dun dahil magtatanong tanong nanaman siya tungkol sa first day ko.

Bigla namang umilaw ang phone at mabilis na dinampot ng makita ang contact name

"HELLO MAMI ABBY? Where are you na?" Medyo pasigaw kong sabi dahil sa excitement

"Kaninong kwarto ba tong may RK sa harapan ng labas ng pinto? Wrong room ata ako ha" Mabilis naman akong napatayo at napatakbo sa pintuan ng magbiro siya pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Mami Abby "Mom I missed you!" Yinakap ko siya ng mahigpit at ganon din siya syaka hinalikan ako nito sa pisngi

"Mukhang miss na miss nga ako ng Kelsie baby ha? Halika sa baba may pasalubong ako sayo" Hinawakan ako nito sa kamay at sabay kaming naglakad pababa

Bigla naman akong kinilabutan ng marinig ang boses ni tita Sela na kausap si Mami Rans. Nandito silang lahat?

"Ate kelsssss!" Masayang tawag sa akin ni Asha "Hello ang pogi mo lalo ha" Pag puri ko sa kapatid

"Syempre kamukha ko eh" Singit ni tita Sela na halatang inaasar si Mami Abby

"Oh talaga ba? Atleast dugo at pawis ko kasama mo sa pag gawa niyan" Tinakpan naman ni mami Rans ang tenga ko dahil sa kung ano anong sinasabi ni mami Abby

"Abby bunganga mo may mga bata" Suway sakanya

"Well atleast kamukha ko si Kelsie, Baby pasalubong ko sayo oh" Alam ko na yung mga gantong karakas ni mami Abby eh mang aasar nanaman

"Kapal ha di mo ba nakita yung post ko? Pag nakangiti si Kelsie ako yung kamukha pag nakabusangot ikaw parehas kayong cold mata" Ayan ayan nanggagalaiti na si mami Rans

"Hay nako mars hayaan mo na si Abby yan nalang kasiyahan niya ang mang asar" Awat ni tita Sela na naghahanda ng plato sa lamesa. Teka asan----

"Asan si Selene?" Di ko na need magtanong ha ang galing

"Nasa labas tinawagan si Elle" Sagot ni tita Sela, Amp sana naman hindi nalang muna sumama dito.

"Kelsie pakitawag naman si Selene" utos saken hindi ko alam kung susunod ako o hindi kaso si Mami Abby yung nag uutos nakita ko naman nagkindatan silang tatlo kaya napairap ako.

Nilapag ko muna yung pasalubong saken bago naglakad papalabas. Nakita ko si Selene na nakatalikod sa may garden at kausap ng si Elle, Tch akala ba nila tatawagin ko talaga to? Asa.

Imbes na tumungo sakanya ay lumihis ako ng direksyon at nagpunta muna sa pool para tumulala.

Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon masama pa rin ang loob ko sakanya. Bakit kasi siya ganon? Ark makabalik na nga lang sa loob.

Narinig ko naman na nagsisiupuan na sila sa lamesa kaya nagdahan dahan lang ako sa paglakad nang makarating sa kitchen ay agad akong napahinto ng nandito na si Selene sa loob

"Oh Kelsie tara na sabi ko tawagin mo si Selene eh sa iba ka nanaman naglandas" Napakunot noo naman ako at dumiretso nalang sa hapag. Gusto ko sana mag walk out dahil tumataas ata dugo ko lalo na magkaharap kami ngayon ni Selene.

Hindi naman niya ako tinitignan at nakafocus lang siya sa pagkain kaya ganon lang din ang ginawa ko. Nagkukwentuhan lang ang mga mami's namin at may kanya kanya naman kaming mundong tatlong mga bata.

Playful KissWhere stories live. Discover now