3

233 45 16
                                    

Friday ngayon at last day of practice na namin for our performance next week.

Sa weekend kasi ay hindi na namin mahaharap yun may kanya kanya kaming lakad. Naalala ko rin na bibisita sila Tita Brei sa bahay at panigurado magtatampo sila pag wala kami ni Selene.

Well nakapag-isip isip na rin ako ng maayos, Tatanggalin ko na ang sama ng loob ko sakanya but hindi ko pa rin siya kakausapin unless siya ang mauna

"Kelsiee tara na proper" Sigaw ni Cheska saken nakaupo kasi ako malayo sakanila

"Oh sayaw to ha? Paki ayos yung expression ng mukha at galaw" Paalala niya "Get your partner sa 1st stanza"

Lumapit naman si Hermione sa tabi ko. Nagsimula ng magplay ang music at nagsimula na rin kaming magsi-galaw

Nakamirror dance naman kami kaya nakikita ang bawat galaw ng isa. Last part na kami ngayon kung saan magsisexy dance si Hermione sa harapan ko. Gaya ng paalala ni Cheska ay ginawa ko ang emosyon na nararapat tinignan ko siya na para bang attract na attract sakanya, Humawak ako sa legs nito at smooth lang na ipinasada ang kamay ko

"Woaaaah nice perfect!" Palakpak ni Cheska at pinuri kaming lahat. Hindi naman ako makatingin ng maayos kay Hermione dahil nahihiya ako sa performance namin pero tinapik niya ako at nag ok sign kaya ngumiti na din ako para mawala ang awkward sa amin "Nice one huh" Nakangitinh pagkakasabi niya

"Yeah nice din" Puri ko pabalik

"Osige na pwede na tayong magsi-uwi---- Hoy Selene bakit nauuna kana!?" Napalingon naman ako at nakitang naglalakad na nga palabas yung isa, Napakabastos naman.

"Hays sige uwi na tayo ingat kayo ha" Kinuha ko na ang bag ko at nagpaalam na sakanila dali dali akong lumabas papuntang parking lot at nakita kong nakatayo lang sa labas ng car si Selene

Nang makadating ako sa tapat ay sumakay na agad ako at ganon rin siya. Ano bang problema nito bakit ang panget ata ng Aura niya ngayon? Napansin niya sigurong nakakunot noo akong nakatitig sakanya kaya itinalakbong niya ang hood niya sa kanya "Tsh" nasaad ko bago magdrive at inihatid siya pauwi hindi na ako bumaba para makita si Mami Abby dahil late na rin for sure nagluluto na si Mami Rans

Pagkababa niya ng kotse ay mabilis kong pinaharurot ito pauwi ng bahay.

"Goodevening Mami" Bati ko at nagbeso

"Buti naman nakarating kana, Pwede bang pakilinis yung guest room? Dito matutulog ang mga tita mo and sorry kailangan niyong magtabi ni Selene" Tumango naman ako ng may kaunting ngiti kaya alam kong nagtaka siya

"Ngumiti ka so it means?" I knew it

"Naaah napag isip ko lang na ayoko na makaramdam ng galit pero hindi ko pa rin siya kakausapin unless she talk to me first" Napangiti naman siya ng wagas at tinapik ako sa braso "Atleast may process" She chuckled.

Nagbihis muna ako bago gawin ang inutos ni Mami Rans marunong naman ako sa gawaing bahay dahil gusto ko talaga naglilinis proud nga sa akin ang parents ko dahil sa napakasipag ko maliban nalang pag wala ako sa mood

Nasa kwarto ako ngayon kung saan nakatambak ang lahat ng laruan ko noon. Napapangiti nalang ako dahil mga mukhang bago pa. Napansin ko naman ang isang bagay kaya dinampot ko iyon, Yung picture namin ni Selene nung bata.

Hays napakadami naming memories at promises sa isa't isa sayang nga lang pinutol ko na ang koneksyon namin. Kung magkakaayos man kami ulit parang ayoko na balikan ang nakaraan namin baka masaktan lang ulit ako

Dahan dahan kong binalik yung picture frame at nagsimula nalang muli maglinis saktong natapos ako ay tinawag na rin ako para kumain. Gaya ng dati nagkukwentuhan lang kami ni Mami Rans ng kung ano ano eto na kasi yung pinaka-bonding naming dalawa minsan nga para lang kaming magtropa pero I know my limits as her daughter. Nakikinig lang ako ng mga school days memories niya at masasabi kong nakakainggit kasi ang saya saya niya.

Playful KissWhere stories live. Discover now