4

281 40 13
                                    

Selene's POV

Nakatulala lang ako ngayon sa bintana ng kwarto ko habang umiinom ng Chocolate milk, almost 7pm na rin ng gabi at kailangan ko ng bumaba dahil kakain na kami

Ayaw kasi ni Mami Sela ng tinatawag pa kaya pag oras ng pagkain dapat nasa hapag na kami

"Ate baba na tayo" Rinig kong tawag sa akin ni Asha "Hmm coming" Tumayo na ako at shinoot sa trashcan yung pinag inuman ko

Pababa na ako ng hagdan at naririnig kong nag uusap si Mami at Tita Abby habang naghahain napakunot noo nalang ako habang patuloy sa paglakad

"Nasabi mo na ba kay Rans?" Saad ni Mami Sela

"Hindi pa baka hindi siya pumayag eh" San naman di papayag si tita Rans? Anong kaekekan nanaman nila.

"Hindi talaga papayag yun lalo na kung malalayo sa kanya si Kelsie. Abby hayaan mo na sakanya yung bata mag isa nalang sa buhay si Rans at yung bata nalang ang pinagkukunan niya ng lakas" Nagtago muna ako sa pader dahil sa narinig ko, May balak siyang kunin si Kelsie? Akala ko ba napag usapan na nila yun noon pa.

"Paano naman ako? Anak ko rin yun at gusto ko ding makasama tsaka 3years lang ulit tayo sa Mexico mapapagbigyan niya naman siguro ako dahil ilang taon ko rin hindi nakasama si Kelsie" The fvck? Kakauwi lang namin aalis nanaman kami?

"Edi sabihin mo sakanya Abby. Isa pa trabaho ang ipupunta natin doon, Ayoko na nga sana isama pa si Selene at Asha dahil nag i-school na sila. Kaya naman sila bantayan ni Ella at Coleen" Lumabas ako sa pinagtataguan ko at kunwaring walang nagrinig at naupo ayoko munang makarinig ng pagtatalo nila ngayon

"Kanina ka pa diyan?" Tanong ni Mami Sela

"Obvious ba mami kakababa ko lang? Let's eat na po" Hindi ko sila tinignang dalawa dahil alam kong iniirapan ni Mami Sela si tita Abby

Tahimik lang kaming kumakain at hindi na ako makatiis wala akong ganang kumain kaya tumayo ako para bumalik nalang sa kwarto at hindi na inabalang mag-paalam sakanila

Pabagsak kong sinarado ang pintuan at nagtungo nalang sa kama.

Aalis nanaman kami? Kung ganon matagal nanaman kaming hindi magkakasama ni Kelsie kung hindi siya isasama.

Bigla naman akong napangiti ng maalala yung pagkiss niya saken kagabi asdfghjkl omoo tinitease ko lang naman siya tapos---- huhuhu yung puso ko bakit ganitoooo!

Tama ba tong nararamdaman ko? Akala ko ba wala lang yung dati Selene? Akala ko ba hindi ka magkakagusto kay Kelsie?

Napatingala naman ako sa kisame at pilit na inalala ang nakaraan--- Simula ng mag away kami ni Kelsie doon ko narealized yung halaga niya saken. Gusto ko kasi talagang makipaglaro sa iba para mas marami mas masaya hindi ko alam na nagseselos na pala siya gusto ko sanang mag explain pero bata pa ako masyado nun para gawin kaya kung anong lumabas sa bibig ko sinasabi ko at alam kong nasaktan siya

Nung time na hindi niya na ako pinapansin halos mapunit yung puso ko sa kagustuhang makipagbati sakanya kaso ayoko ng subukan pang magsorry dahil mas lalo lang siyang nagagalit--- Luckily, Kailangan pumunta ng ibang bansa nila Mami kaya dun nakamove on ako sa mga ginawa ko sakanya pero walang araw na hindi ko siya naisip lagi ko rin siya inistalk and because of that dun ko narealized na ibang dahilan na yung pang istalk ko sa mga socmed niya

Playful KissWhere stories live. Discover now