Two

31.4K 1K 96
                                    

Levin's P.O.V

Narito ako ngayon sa opisina nya at patuloy na kinukulit sya. Ito lang ang alam kong paraan para bumalik sya. Para mapatunayan kong mahal ko pa din talaga sya. Na nagsisisi ako't iniwan ko sya.

"Umalis ka na nga kasi dito!" bwisit na sabi nito sa akin.

"Ayoko." sagot ko at saka ngumisi. Pinipilit kong itago ang sakit na gustong bumalatay sa mukha ko dahil sa pagtataboy nya sa akin.

"Naiinis na ako sayo Heiton!" hindi nya lang alam kung gaano kasakit sa akinna sa bawat salitang binibitawan nya ay itinataboy nya ako palayo sa kanya.

"Naiinlove ulit ako sayo Crosante." nakangiting sabi ko.

Bahagya akong nagulat nang itaas nya ang kamay nya na may hawak na ballpen at ibinato ito sa gawi ko. Mabuti na lamang at mabilis akong naka iwas. "Gago!"

"I love you too."

"Levin tigilan mo na ko please. Tapos na tayo. TAPOS NA TAYO!" saka sya mabilis na tumayo sa kinauupuan nya at tinungo ang pinto ngunit mabilis ko syang sinundan at hinaltak sa braso nya.

"I'm tired chasing you Ruiza. I'm tired , but still , I kept on chasing you. Dahil ayoko ng ulitin ang pagkakamali ko noon. Ang pagkakamali ko , na sumira sa atin noon!" seryoso at matigas na sabi ko sa kanya na kita kong ikinangilid ng luha nya.

"Stop it Levin. Ayoko na. Alin ba sa salitang AYOKO NA ang hindi mo maintindihan? Alin Levin at baka magawa kong ipaintindi sayo!" saka nito binawi ang braso na hawak ko.

"You're really asking me? Then , ipaintindi mo sa akin kung bakit sa tuwing titingin ako sa mga mata mo , kitang kita ko ang pagmamahal mo para sa akin na ibinabaon mo ng pilit! Tell me Ruiza! Tell me! Hindi ko kasi maintindihan kung bakit hirap na hirap kang pagkatiwalaan at bigyan ulit ako ng isa pang pagkakataon!"

"You cheated on me and you left me. You freaking left without saying anything!" then she slapped me.. a hard one na ikinabiling ng mukha ko saka ito lumabas ng opisina nya. Nakita ko pa ang paglandas ng mga luha sa mukha nya na alam kong ako ang dahilan. Ang gago at tarantadong ako!

Sinundan ko sya ngunit hindi ko na sya naabutan dahil mabilis na syang nakasakay ng kotse nya.

Ano nga bang naging mali? Ano nga bang naging kasalanan ko sa kanya? Siguro oo , ako ang nang iwan sa aming dalawa , pero sya ang unang nanloko , ang unang nanakit kaya't nagawa ko syang iwan ng ganoon kadali na sobra kong pinagsisihan.

Paano kung pinagpaliwanag ko sya? Paano kung hiningan ko sya ng eksplenasyon ukol sa masasamang balita tungkol sa kanya? Maraming paano sa utak ko na alam kong kahit kailan ay hindi ko na maibabalik.

Sumakay ako ng sasakyan ko at pumunta sa lugar kung saan ang madalas naming puntahan. Ang lugar din kung saan lantaran nyang pinakita ang panloloko nya sa akin maging ang dahilan kaya't lalo kong ginustong iwan sya.

Partners In Crime (Freezell #1.5) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon