Three

32.9K 1K 131
                                    

Ruiza's P.O.V

"Mommy walk faster please." pangungulit ni Lexin sa akin.

Ang hirap pala ng ganito? Yung tipong hindi ko masabi sa anak ko na naiilang akong kasama yung tatay n'ya. Ang hirap!

Magkakasama kami ngayon at narito kami sa mall. Napagpasyahan ni Levin na ilibot ang anak n'ya. Ayoko nga sanang sumama pero ang walanghiyang Levin , hindi ako tinantanan!

****

"Mommy look! Daddy's here. He's going to fetch me." sigaw ng anak ko na nanggagaling sa sala ng bahay. Narito kasi ako sa kusina. Kakatapos lang namin magligpit ng pinagkainan namin kaninang umaga.

Hindi ko alam pero tila ako kinabahan sa kaalaman na narito ngayon sa pamamahay ko. Para bang bumabaligtad 'yung sikmura ko , na kinakabahan ako , na nababanyo ako. Lintek! Una ko 'tong naramdaman noong mainlove ako sa kanya. Lintek talaga! Hindi pwede. Hindeeeeeee!

"C'mon mommy , why are you so matagal. Daddy said he wants to see you." sigaw muli ng anak ko na mas lalong nakapagpabilis ng tibok ng dibdib ko.

Hinubad ko ang apron na suot ko at mabilis na tinungo ang sala. Naabutan kong nakaupo s'ya sa sofa habang kalong kalong n'ya si Lexin.

"Hon come here , sit beside me." para namang gusto kong masuka ng tawagin n'ya ako ng may endearment saka n'ya pa tinapik ang pwesto sa tabi n'ya. Lintek talaga Heiton!

"Hon? Honimal ka! Tigil tigilan mo ko sa kalandian mo!" di ko napigilang bulyaw sa kan'ya na naging dahilan para mapalingon sa akin ang anak ko na kanina ay nakatingin sa pipanood n'yang Phineas and Ferb.

"Honimal? What's honimal Mommy?" kunot noong tanong ng anak ko na ikinakaba ko. Hindi sanay si Lexin na nakakarinig ng hindi magagandang salita dahil numero unong binabawal ko 'yon sa pamamahay ko.

Napansin yata ni Levin na hindi ko alam ang isasagot ko kaya't mabilis n'ya akong sinalo. "Honimal means I miss you son. Your mom miss me that much." saka pa ito ngumisi.

Aba ang lintek!? Sinalo nga ako , nilaglag din naman ako. Eh kung palayasin ko kaya 'to? Makakangisi pa kaya s'ya?

"Really Mommy? You miss Daddy that much. Ayiiiieeeee." kinikilig pang sabi ng anak ko saka umalis sa pagkaka kalong sa tatay n'ya at lumapit sa akin.

Nagulat ako nang hatakin n'ya ako sa kamay at mabilis na iniupo sa tabi ng Daddy n'ya. Lintek! Mukhang pati kapilyuhan ng tatay n'ya nakuha ng anak ko ah?

"There you go. You look good together Mommy , Daddy." saka pa ito nakangiting pumalakpak.

"You're really happy right , son?" napatingin ako kay Levin nang magsalita s'ya pero biglang napakunot ang noo ko nang makita kong kumindat s'ya kay Lexin. Mabilis kong ibinaling ang tingin ko kay Lexin at nakita ko s'yang tumango.

Partners In Crime (Freezell #1.5) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon