*Sophie POV*
Sa bahay nila Rica..
"Di ko alam susuotin ko Sophie!! nakakatorete na yung kpop camp mamaya na!"
"magsuot ka ng kung saan komportable ka. parang ganto saken" sabi ko.
"Hindi pwede!! kelangan sobrang kpop ako dun tignan mo naman nag blonde pa ko ng buhok para maging kamuka si krystal Jung kaya lang parang si Vice ganda yung kamuka ko "
tawang tawa ako sa sinabi ni Rica..
"Ayan.sige tawa pa! ganyan ka eh!" sabi ni Rica.
"Oy hindi Rica kamuka mo si krystal. pagbigyan.kaibigan e. haha. bat kasi ini-stress mo sarili mo sa isusuot mo?"
"eh kasi friend. kelangan maganda ako dun kailangan mapansin ako ng mga fanboys para lapitan nila ako tas yun na papatunayan naming may forever!"
"hay nako Rica.for sure yung mga fanboy dun mas makapal pa yung make up saten! mas makulay pa yung contact lens! at jusko baka nga kaagaw pa natin kay Mark Tuan!"
"Ayantayo sophie eh.di lahat ng fanboy kagaya ni Darryl mo! haha. di lahat bakla. may mga lalake din no!"
"Oo may mga lalake nga dun bilang lang naman. mas marami pa ata yung daliri ko kesa sa staright fanboys eh! pero okay na rin yung mga bakla kasi masaya sila kasama kesa naman sa mga lalake na walang ginawa kundi magpa fall tas sasaktan ka sa huli!"
"Oo sige sophie hugot pa! halika na nga babyahe pa tayo papuntang bagyo para sa Kpop Camp! basta this will be fun!"
kinuha na namin yung gamit namin at umalis na kami.
-------------------------------------------
*Baguio City...Kpop Camp*
*Claire POV*
dumating na kami ni Kuya Natthew sa baguio kung san gaganapin yung kpop Camp, pinagtitinginan si Kuya Natthew sa totoo kasi gwapo si Kuya Natthew maputi, di sya gano matangkad 5'5 lang ata sya, matalino,very funny pa siya. tsaka Half chinese kasi sya yung papa niya chinese eh. Lagi ngang sumasali yan sa mga kung ano mang Mr. keme sa school tas nananalo sya.
"Excuse me oppa, pwede papicture?"
may babaeng lumapit kay kuya Natthew..
"Uy papicture daw. " sabi ko, napatingin si kuya natthew.
"Ah .osige." nakangiting sabi ni Kuya Natt.
kitang kita ko yung kilig sa muka nung babae. after nung babae may mga ilan pang lumapit sa kanya para magpa pic. edi wow! haha. niloko ko si Kuya..
"Oppa papicture sayo please?" sabay nagpa cute ako para asarin siya.
"kadiri ka claire.tigilan mo ko." inis na sagot niya.
"Hala. snob na si kuya. ganyan ba talaga pag gwapo na?"
"Matagal na kong gwapo." sagot nya.
Ayun pala yung hindi ko nasabi may pagka GGSS to si kuya yun bang oo gwapo sya pero papangalandakan niya pa.haha.
"Pasok na tayo." sabi ni kuya.
"sige kuya tara.."
--------------------------------------------
*Sophie POV*nakarating na kami ni Rica sa Camp tumingin tingin ako sa paligid .. pero napatigil ako dahil kay Rica
"Sophie!sophie!" sabi niya.
"Oh bakit?"
"Ang gwapo nun oh!" sabay turo dun sa kanan namin.
nakita ko yung naka black na sweat shirt na maputing lalake mejo pandak e.pero pogi? hmm. oo mejo pogi. pwede na din.
"Ayun ba?" tinuro ko.
"oo friend. shocks. ampogi.lapitan natin! papicture tayo!"
papalapit na sana si Rica pinigilan ko sya..
"oh bakit sophie?!"
"wag kang lalapit. lalaki ulo nyan wag ka ring papicture baka isipin nya kasing gwapo nya si Jung kook. tsaka ano ka ba bakla yan for sure."
"ang nega mo naman friend! basta tara na lapit tayo." hinila nya ko papalapit dun. di ko na sya napigilan.
"Kuya pwede magpa picture sayo?" sabi ni sophie dun sa maputing pandak na lalake.
todo ngiti naman si Kuya gwapong gwapo na yan sa sarili niya.
"osige sure." sabi nung maputing pandak na GGSS.
"Sophie, di ka ba sasama magpa picture?"
tanong ni Rica . napatingin tuloy saken yung maputing pandak na sobrang gwapo na lalake i mean mejo gwapo lang. nginitian nya ko. pero di ko pinansin."Hindi .ayoko. ikaw na lang" sabi ko.
natapos sila mag picture, lumapit na ulit saken si Rica.
"oppa thank you ha! ano po pangalan mo?"
kinikilig na tanong ni Rica dun sa lalakeng yun."Ah. ako si Natthew , Natthew Chu. and you are?" sabay smirk.
halatang kilig na kilig si Rica.
"Ah... ako? ako po si Rica De Leon ."
hinila ko na si Rica paalis..
" babye oppaaa!!see you around!"
pahabol ni Rica.habang palayo kami nakita ko ngumiti yung natthew na yun tas kumaway lang.
hanggang sa makalayo kami ni Rica.
"bakit mo ko nilayo?! shet. may gusto ata sya saken friend." kilig na sabi ni Rica.
"wag ka umasa pafall lang yun.tsaka halatang bakla sya." hirit ko.
"hoy hindi ah! basta parang meant to be kami! :'>" kinikilig pa rin si Rica.
"Halika na nga .mamaya mag start na yung program." sinabi ko na lang para maiba na usapan..
---------------------------------
*Natthew POV*habang nakatambay kami kanina ni Claire sa isang side. may nakita akong babae ewan ko ba pero iba yung feeling eh. napangiti ako bigla. Totoo kaya yung love at first sight? okay mejo corney yun. hindi pero yung eksena talaga kanina parang eksena sa The Heirs ganun.
natuwa nga ako nung nakita kong papalapit sya saken kasama yung kaibigan niya, nagpa picture saken yung kaibigan nya pero sa kanya ako nakatingin.
okay di sya sobrang ganda pero ewan may something e.niyaya sya nung kasama nya na sumama sa pic masaya na sana kasi kasama sana sya,pero tumanggi sya, tapos nginitian ko sya wala syang reaksyon.
tinanong din ng babaeng nagpapic saken yung pangalan ko. tas tinanong ko din yung pangalan nya , Rica daw pangalan nya kaya ko tinanong pangalan nya kasi umaasa ako na sasabihin din ni rica yung pangalan ng kaibigan nya pero hindi eh. hinila na sya paalis.
hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko, di ko rin alam kung naramdaman nyo na to kasi kung ako lang nakakaramdam nito baka alien ako baka kamag-anak ko si Do min joon.
Iba yung feeling e. Nasubukan nyo na ba yung may makita kayong tao for the first time, tapos parang natuwa ka, nasiyahan ka ganun. basta mixed feelings eh. grabe ha. nararamdaman ko lang to pag pinapanuod ko si Bae Suzy o kaya si Jiyeon eh bat ngayon nararamdaman ko na rin sa normal na tao. what is the meaning of this? basta i need to know that girl!
-END OF CHAPTER 3.
BINABASA MO ANG
When a Kpop Fangirl meets a Kpop Fanboy
Novela JuvenilSi Sophie isang ultimate kpop fangirl, once she fell inlove sa isang kpop fan pero she found out na he was gay! kaya never na siyang nainlove ulit. Si Natthew isang ultimate kpop fanboy, once he fell inlove sa isang kpop fangirl but she broke up wit...