Chapter 6: Feeling Woah

2 0 0
                                    

*Natthew POV*

"So hindi ka ba nacocorney-han saken?"
tanong ko kay Sophie.

"na-cocorneyhan? saan?"

"Sa mga pinagsasabi ko sayo tungkol sa mga theory ko about destiny." sabay tumawa ako.

"Hindi naman. ang cute nga eh."

"Cute? yung theory ko o ako?"

"ikaw."

"ay i mean yung theory mo nalito ako.ay." biglang bawi ni sophie.

"Hahaha. masasabi at masasabi mo talaga yan lalo na't cute naman talaga ako" yabang ko.

"Ewan ko sayo. halika na pumunta na tayo sa registration booth." sabi ni Sophie.

Pumunta kami sa registration booth.

"Magpapa register po kami para sa game mamaya. kami po yung pair" sabi ko.

"Ah pasulat na lang po ng name niyo Kuya pati name ni ate na kasama mo." sabi nung babaeng bantay sa booth

sinulat ko yung pangalan ko tas binigay ko kay Sophie..

"pasulat na lang ng name mo di ko alam full name mo eh."

inabot ko kay sophie yung papel sabay sinulat niya pangalan nya tapos inabot nya dun sa babaeng nagpa sign sakin.

"Chu apelido mo?" tanong ni Sophie saken.

"Oo saken kaya dedicated yung kanta ng Apink na Mr. Chu "

natawa siya. haha.

naputol yung usapan namin dahil sa babaeng nasa registration booth.

"Kuya, ate, parang amazing race po yung game bukas. pero all about kpop siya syempre. eto po yung pair bracelet nyo suot nyo na lang po tas okay na. for confirmation po yang bracelet na yan."

Kinuha ko yung bracelet sinuot ko na yung saken.

"akin na yung akin." sabi ni Sophie.

kinuha ko yung kamay nya tapos sinuot ko sa kanya.. di sya umimik..

"Ah..ay..thank you." yun lang nasabi niya.

for sure kinilig yun. hahaha.

"oh tara na pala" sabi ko.

"san tayo pupunta?" tanong ni sophie.

"magpapraktis tayo para dun sa game bukas, kelangan tayo yung manalo."

"wow.competitive." sabi ni Sophie.

"oo naman never pa kong natalo."

"oh edi wow!" tumawang sinabi ni sophie.

pumunta kami sa bench dun sa ilalim ng puno.

"ang saya dito sa baguio no." sabi ko kay sophie.

"bakit first time mo ba makapunta dito?"

"hindi.nakailang punta na ko dito. pero iba kasi yung ngayon eh." sabi ko.

"panong iba?"

"wala.basta madalas kasi kami pumupunta ni lola dito."

"Asan ba parents mo natthew?" tanong niya.

"Wala. nasa Canada si mama at papa  di sila umuuwi eh minsan lang. minsan naman ako yung pumupunta sa Canada para makita sila. ikaw ba?"

"ah. kasama ko si mama sa bahay. si papa nasa Japan eh. kasama niya kapatid ko na lalake 9 years old lang yun." sagot nya.

When a Kpop Fangirl meets a Kpop FanboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon