10

156 5 8
                                    

Valentine
Friday, Oct 2, 4:14 PM

Harley:
San ka na naman galing? @kalvinaxl pasalamat ka
walang prof.

Lucas:
San pa ba sa canteen.

Axl:
May binili lang na pagkain.

Lucas:
Oh, asan na bakit di ka mag share.

Axl:
Inubos ko na otw dito. HAHAHAHHAHAHA.
Buraot ka. Bumili ka nga ng iyo.

Oli:
@kalvinaxl nasa wallet mo pa ba yung pinatago kong pick?

Axl:
Yung kulay pink? Hahaha.

Harley:
San tayo maya? May lakad ba?

Oli:
Oo, vro. Bibigay ko kay Ce yun remember sayo
ko muna.

Axl:
Ahh, eh bro. Hahaha. Wala sakin ngayon.
Ibang wallet gamit ko ngayon. Need mo na ba?

Reid:
Wala kayo lakad ni Scottie?

Harley:
Siya nag tatanong kung san daw tayo.
Hahahah. Gusto ata uminom.

Oli:
Weekend siguro. Sunday maybe?

Axl:
Pero, bro kasi ano. Hahahaha. GG ako neto sayo.

Lucas:
Tara kila Harley nalang tayo tumambay.

Oli:
Anong kagaguhan nangyari??

Reid:
Lagot, pare.

Axl:
Nawala ko wallet ko. Nalaglag ko eh,
kaya ibang wallet gamit ko.

Oli:
Taena mo pinacustomize ko yon.

Axl:
Mababalik din yun, baka nga sa bahay ko lang
nawala yun. Gagu nandun din lisensya ko no.
Kaya stress din ako. Sana di ako mahuli mayang
pauwi. Hahaha.

Harley:
Axl burara ka. San san mo kasi iniiwan eh.
Alam mo bang nasa kotse ko lipbalm mong
hayop ka cherry flavor pa ampota. Akala
ni Scarlet kung kanino.

Reid:
Oo, nasakin din specs niyan. Naiwan sa bahay.
Nag pagawa nalang ng bago, kala naiwan
sa kung san.

Axl:
Wahahahahhahaha. Lalagyan ko na ng tracker
mga gamit ko. Sabihin mo ka Scottie, peace kami.
Akin yung cherry na burts bees.

Oli:
Hanapin mo yun, gago. Ayoko na mag reorder.
Sayang pera.

Harley:
Muntik pa namin pag awayan. Tago mo nga mabuti
gamit mo, hindi kung san san mo nilalapag.

Reid:
Pag ikaw talaga nahuli mamaya na walang lisensya.

Axl:
Oo hahanapin ko sa kwarto ko. Or what.
Babalik din yung wallet ko.

•••

TWITTER

a 🔒 @k.axl . now
Tang ina gumana ka please.

a 🔒 @k.axl . 1m
St. Anthony wait for me.

a 🔒 @k.axl . 5m
Wahahahaha. Lagot ako pag di ko nakuha wallet ko.

a 🔒 @k.axl . 6m
Bobo move.

a 🔒 @k.axl . 6m
Wahahahaha lagot ako.

•••

IC - Manager Ivan
Friday, Oct 2, 4:38 PM

Elle, may naiwang wallet dito. May info card naman sa
loob. Can you text the owner now, and tell him we have
the wallet para maibalik agad. The wallet contains the following:

8,000.00 cash
3 credit cards
2 debit cards
Pick (pang gitara)
Receipts
Polaroid photo

Btw, sira yung phone ng cafe na pinang tetext natin
pag ganyang may naiiwan. Could you use your phone instead? Tsaka magpakilala ka na taga cafe ka.

Okay po.

•••

TWITTER

🔒 @elli.e . 1s
Kailangan talaga mag pakilala. Bwisit.

🔒 @elli.e . 32s
Phone ko patuloy gagamitin.

🔒 @elli.e . 4m
Sino man naka iwan nito burara. Pasalamat siya sa
cafe naiwan, kung hindi limas 8k niya tas ginamit
na siguro ng mga opportunista cards nun. Tanga talaga.

🔒 @elli.e . 5m
Bobo naman ng nakaiwan ng wallet na to.

•••

+63 927 329 ****
Friday, Oct 2, 5:01 PM

Hi. This is Elle, the cashier of Iris Cafe.
Is this Axl Ferrer? Owner of the Mont Blanc
black wallet? Naiwan niyo po yung wallet niyo
dito sa cashier nung may binili ata kayo.
Kindly claim it here po. Padala din po ID niyo for proof.

5:16 PM

Hi, Elle. Okay lang ba daanan ko in 30 mins?
Ikaw nalang hanapin ko no?

Yes po. ID nalang po wag kalimutan.

Dito nalang din ako magttext later
pag papunta na ako? No. mo ba to?

Ahh, opo. Bakit po?

Wala naman, para lang masagot
mo agad in case tumawag ako.

Okay.

•••

TWITTER

a 🔒 @k.axl . now
See you, Ms. Sungit

a 🔒 @k.axl . 3s
Hahahahha. Jackpot.

Valentine 4: Still HereWhere stories live. Discover now