May babae akong mahal, actually matagal na.
She is my first… my first love!
Kahit na mahal na mahal ko siya hindi ko maiwasang tumingin sa iba.
And I don’t care whatever you think about me, because I admit I am a certified playboy!
One day I confessed my feelings for her.
Guess what she said,
“Lance sa totoo lang matagal na rin kitang gusto!”
“Seriously, Lynn?” tanong ko.
“Oo nga, kulit!” masigla niyang sagot.
Shit! I can’t believe that she has the same feelings for me too.
“So tayo na? Girlfriend na kita?” masaya kong tanong.
“Ano ako baliw? Kahit na gusto kita, liligawan mo pa rin ako ano!” sabi ni Lynn habang ngumingisi.
What the… shit lang, I don’t even know how to court a woman! Kasi sanay akong ako ang nililigawan, sila ang unang lumalapit sa akin hindi ako. But of course, I will do anything, everything for her.
“Okay deal! From now on, I am your suitor!” determinadong sagot ko.
Just like a usual suitor. I am giving her flowers, chocolates and teddy bears. I treat her outside for breakfast, lunch or dinner. Then after six months, she gave in. Sinagot na ako ni Lynn. And I am the happiest man on earth that moment.
“Babe!” sabi niya sa malambing na boses. Trying to catch my attention.
“Lance!” tawag niya ulit.
I’m busy with my phone, texting to a woman named Alex.
A hot chick I met last night.
And you are right of whatever you are thinking about me right now. But one thing I can assure you si Lynn lang ang mahal ko.
“LANCE!” may bahid na ng galit ang boses niyang tawag sa akin. Kaya naman ay hinarap ko na.
“Yes babe?” nakangiti kong tanong.
“May problema ba?” tanong niya rin pabalik.
“Problem? Wala naman!” sagot ko habang na sa phone nakatuon ang attention ko.
“Magmula kasi nang maging tayo, Lance I felt the change. Hindi mo na ba ako mahal?” halos pabulong na niyang sabi.
“What are you talking about Lynn? Of course I do love you… so much babe!” I emotionally said.
“Hindi eh… may nagiba Lance, nararamdaman ko! So tell me the truth now! Is it just the chase? The challenge, huh? Kasi alam mong hindi ako gano’n kadaling makuha?” lumuluha na niyang sabi.
“No, of course not babe! Saan mo ba nakuha iyang mga pinagsasasabi mo?” naiirita ko nang tanong.
This is the first time she acted like this. And I hate it! Napaka-drama niya.
Nakita ko siyang tumango-tango. Parang hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko.
“Walang nagsabi Lance, kasi nakita ko. Nakita ko, with my own eyes, a woman kissing my boyfriend torridly!” sigaw niya.
Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig. Hindi ako makagalaw sa sinabi niya, hindi ako makasagot.
“You know me Lance. Once you broke my trust, deal with it. Dahil hindi ko na ulit kayang ibigay sa’yo iyon. May mali ba akong ginawa? Hindi ba ako naging mabuting girlfriend sa’yo? I know I’m not perfect, but I did everything I know for us, for our relationship to grow!” humihikbi na siya habang nagsasalita.
Umiling-iling ako, “I’m sorry babe… I am really sorry! Can you give me another chance please? Babe, please? Ayusin natin ‘to?” pagmamakaawa ko. Nararamdaman kong patulo na rin ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
“Bakit pa? Para saan pa? Lance kaya nga kita sinagot eh… para patunayan sa akin na totoo ang nararamdaman mo… na mahal mo ako! Binalewala ko lahat.. lahat-lahat ng naririnig kong hindi maganda tungkol sa’yo, kasi nga mahal kita. Pero anong napatunayan ko? That you are really a playboy, a jerk! Kaya para saan pa ang second chance na hinihingi mo? Kung sa naunang chance nga eh sinira mo na, what more pa sa susunod Lance?... Kahit mahal na mahal kita, ayaw ko na! Dahil hindi ako tanga para panoorin kang niloloko ako. Hindi ko na hihintaying malagay ako sa sitwasyong ako pa ang magmamakaawa sa’yo kahit alam nating ikaw ang mali sa atin. Hindi ako nagda-drama kung iyan ang iniisip mo, sadyang ayaw ko lang matalo. I’m breaking up with you Lance!” lumuluha niyang pahayag.
Sa mga sinabi niya, paano ko pa ipagpipilitan ang sarili ko sa kaniya? Iyong mga sinabi niya ay parang patalim na sunod-sunod na tumarak sa dibdib ko, tagos hanggang puso.
“Lynn, please just one more chance. Please!” pagmamakaawa ko… paulit-ulit!
Pero tanging pag-iling lang ang sinagot niya sa akin.
Then she left me!
Weeks pass, paulit-ulit ko siyang sinuyo. Pinaramdam ko kung gaano ko siya kamahal. Hindi na ako nambababae, minsan na lang din ako sumama sa barkada.
Pero matigas siya. Hindi na niya ulit ako kinausap pa simula ng maghiwalay kami.
And I realized how stupid I was! Napakagago ko para saktan ang taong mahal ko. Iyung taong laging sasamahan ka, iyung laging nasa tabi mo at alam mong hinding-hindi ka iiwan, iyung taong sinusuportahan ka sa lahat ng bagay. Iyung taong iniintindi ka kahit napaka-toxic mo na.
Tama siya, ang mga katulad ko ay hinid na dapat bigyan a ng second chance.
Because in the first place ako ang may kasalanan, ako ang nagkamali!Years pass, hindi katulad sa mga romantic novels and movies na magkakabalikan ang mga bida. Hindi iyon nangyari sa akin. I tried to persuade her, ginawa ko na lahat ng paraan na alam ko para patunayan sa kaniya na nagbago na ako, na siya lang ang mahal ko. Pero hindi pa rin niya ako binigyan ng chance. Well she let me do such things, pero in the end 'yung sagot na inaasam kong makuha mula sa kaniya ay taliwas sa inaasahan ko.
Iba tagala bumawi ang karma, mapanakit talaga.
Now, looking at her from afar… sobrang sakit! Hawak na siya ng iba na ako ang may hawak noon kung saan hinayaan ko siyang bumitaw.
Well it’s been years since we broke up. Siya malaya na siyang nakakangiti kasama ang taong mahal niya. Habang ako ito, minamalas na para bang isinumpa dahil hanggang ngayon mahal ko pa rin siya.
And I can’t just move on. I just can’t!
-------
Corny ba? Or may nakarelate diyan? Hahahaha... comment niyo nga!!
🌻mirasol🌻