Study First

5 0 0
                                    

Another corny story, but i hope you'll like it!
Enjoy reading guys!!

-------

Simpleng babae lamang ako na naghahangad ng isang tunay na pag-ibig!

Ako si Mika, nineteen years old, first year college taking up BS in Nursing.

Matalino raw ako pero tanga pagdating sa pag-ibig. Iyan lang naman ang pangunahing sinasabi sa akin ng mga kaibigan ko. Ilang beses na nga ba akong na-broken? Lagpas na sa bilang ng mga daliri ko ko eh, and take note kasama pati daliri ko sa paa, huh!

Sa hindi inaasahan may dumating. At kung dinapuan ka nga naman ng suwerte ehh, classmates kami.

Siya si Kael, same age mabait at matalino rin at siyempre matangkad at guwapo. Sa sobrang bait niya sa akin, ayun ang marupok kong puso nahulog na naman.

Lumipas ang mga araw, since classmates nga kami. Nagpapapansin ako sa kaniya. Sinisiguro kong walang araw na hindi kami nagkikita paki-take note ulit, kasama ang weekends ahh. Oo pati Sabado at Linggo hindi ko pinalampas. Inalam ko lahat ang tungkol sa kaniya kaya naman mas lalo akong nabihag.

Parehas ko ay sakto lang ang buhay nila, hindi naghihirap pero hindi rin naman mayaman. Nagmumukha na nga akong stalker eh. Well matatawag na nga siguro akong stalker sa lagay ko dahil lagi ko siyang sinusundan kahit saan siya magpunta.

At dahil nga guwapo si Kael ay maraming nagkakagusto sa kaniya sa school namin.

Ako naman na patay na patay sa kaniya ay hindi na nagpahuli.

Ako na ang gumawa ng first move. Sobrang nakakahiya alam ko, dahil sa ginawa ko binaba ko ang bandera nating mga babae... kasi 'di ba nga Maria Clara ang peg nating mga girls tapos ako itong gumawa ng first move, ako itong unang nagtapat ng feelings.

At mas lalong nalugmok ako sa kahihiyan dahil ni-reject ako ni Kael. Nganga ang ate niyo! Sabi niya, "Mga bata pa tayo Mika. Study first muna tayo!" sabay iniwan niya ako.

Hahahahahahahaha... Dami kong tawa rito mga forty-three lang naman!

Sabi ko sa sarili ko, "Tangina mo Mika, lalaki pa nagsabi sa'yo niyan. Malandi kang gaga ka talaga!"

So ayun, dahil sa kahihiyan hindi ko na rin natanong kung may gusto ba siya sa akin. Pero understandable naman na ano? Base sa sinabi niya sa aking 'Study First' ibig sabihin wala siyang gusto sa akin. Kaya kahit hindi naman naging kami nag-move on ako. Kasi masakit ehh... kahit pala ilang beses ka nang na-broken ano? Kung masakit, masakit talaga!

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay iniwasan ko na siya. Oo classmates kami pero hindi na talaga kami nag-usap pa. Unless kailangan talaga! Pero umaayon sa akin ang tadhana dahil wala namang nangyaring ganoon.

Then one day I wake up from my bed, I realized that he's right! Tama siya, mga bata pa kami at pag-aaral talaga ang dapat naming inuuna.

Hanggang sa mag-second year college na kami, classmate ko ulit siya! Ang malas ko 'di ba? Pero ganoon pa rin, hindi pa rin kami naguusap o nagpapansinan.

Tapos may nakilala akong bisexual, babae siya huh! Her name is Joyce! Napalagayan ko agad siya ng loob, 'bespren' na nga tawagan namin ehh. Hanggang sa marinig na lang namin ni Joyce na ini-issue na kami, kesyo nililigawan na raw niya ako, na MU na raw kami, or kami na raw! Natatawa na lang kami sa mga bali-balitang kumakalat patungkol sa amin dahil alam namin kung ano ang totoo. Bestfriends lang talaga kami!

Sa hindi inaasahan, may nag-message sa akin... si Kael!

Nagpalit na nga ako ng number noon para hindi na kami magkausap pang muli, tapos ngayon alam niya ang number ko? Nagtataka kayo kung paano ko nalaman na si Kael ang nag-message sa akin? Nagpakilala siya! Tss!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Short Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon