Chapter 6-END

1.9K 157 17
                                    

Hera Marie

I stayed at Grace's house until evening. Nakipaglaro lang ako maghapon sa kanilang mag-ina. Hinayaan naman ako ni Grace dahil alam niya kung gaano katagal ko silang hindi nakasama. Binigay ko na rin sa kanila ang pinamili ko— namin ni Amarie na regalo para sa kanila.

Tuwang-tuwa naman si Amara nang makita ang remote-controlled toy car na binili ko sa kaniya. Kay Grace ko naman inabot ang teddy bear na si Amarie mismo ang pumili. Niyakap niya pa ito habang naluluha, pakiramdam daw niya kasi ay si Amarie ang yakap-yakap niya.

Gusto kong bumawi sa kanilang mag-ina. Gusto kong bumawi sa mga araw at okasyon na wala ako sa tabi nila. At sisimulan kong bumawi bukas kaya Amarie, gabayan mo si Mommy, okay? Let me win your Mama's heart, again. I want to marry your Mama, but not because of the responsibility or because I have a children with her. I want to marry her because I realized that after all those years, I still love her. Pero syempre, hindi ngayon. Ayokong madaliin siya, so I'll wait for the right time. And when that time comes, I want you to be there for us, my love.

_____

3 years later...

"Is everything ready? Wala ba kayong nalimutan? Ikaw, Amara, wala ka bang nakalimutan?" tanong ko kay Amara.

"Wala na po, Mommy! Naayos ko na po 'yung dadalhin kong toys sa bag ko!" sigaw niya mula sa labas.

"How about you, Grace? Sure ka bang okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko.

"Yeah, don't worry about me. Sasabihin ko kaagad kapag may sumakit sa akin kaya tara na, they're probably waiting for us," aniya bago naunang maglakad palabas ng bahay.

Three years has passed since I met and knew that I have a children with Grace. In those three years, nagsikap akong bumawi sa kanilang mag-ina. I proposed to Grace and we got married last year. I proposed to her in front of Amarie's grave, because I want her to witness the proposal that I made for her Mama. I want to prove her that I will keep our promise until the day I die. Doon din napagdesisyunan ni Grace ganapin ang kasal dahil gusto niyang nandoon si Amarie para sa espesyal na araw. Hindi naman ganoon ka-engrande at malalapit na kaibigan lang namin ang inimbita namin.

My parents were so shocked and happy when they finally saw their granddaughter, but of course, their faces turned sad that time when they found out that their other granddaughter was not here anymore.

After a year of being married with Grace, the heavens gave us another child. The baby is already in its 8th month, isang buwan na lang ay makikita na namin siya. Sa loob ng walong buwan na 'yon ay naranasan ko ang mapag-initan ni Grace, ayaw niya akong nakikita dahil naiinis daw siya sa mukha ko. Naranasan ko rin ang pagkakaroon ng eye bags dahil sa paghahanap ng mga pagkain pinaglilihian niya tuwing madaling araw. Ang pagpapalit-palit ng mood niya at iba pa. Mahirap pero syempre, dahil ako ang may kasalanan kung bakit siya buntis ngayon, kailangan kong tiisin ang bawat pang-aaway niya.

"Mommy! Why are you still standing there? Amarie will be mad at us if whe got there late, you know!" sigaw ni Amara mula sa loob ng kotse na nagpabalik sa akin sa sarili.

"I'm sorry! Mommy just remembered something," sambit ko bago iminaniubra ang kotse papuntang sementeryo.

Death anniversary ngayon nila Amarie at balak namin silang bisitahin. Ilang months na rin kasi namin silang hindi nabibisita ng buo dahil nga medyo maselan ang pagbubuntis ni Grace kaya kaming dalawa lang ni Amara o minsan nama'y ako lang mag-isa ang bumibisita rito, lalo na kapag napag-iinitan ako ni Grace at pinapalayas sa bahay.

"Mama, what's the gender of the baby inside your stomach again?" tanong ni Amara.

"A baby girl, my love," aniya. "Do you want to touch it?" dagdag pa nito. Parehas kasi silang nasa backseat ngayon dahil mukhang naba-badtrip na naman 'tong si Grace sa mukha ko.

The Warmth Of Her Soul [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon