Minsan ako'y may nakilala
Isang lalaking kahina-hinala
Parang kabute, sumulpot bigla
Rason kung ba't ako natulala.
Di ko batid kanyang pakay
Sa kanyang nais, wala akong malay
Ngunit puso ko'y tumibok ngang tunay
Mundo ko'y biglang nagkakulay.
Di ko alam kung anong nangyari
Nadarama'y hindi mawari
Kasiyahan ay di maikubli
Parang Christmas Light na patay-sindi
Ako'y umiibig na nga ba ?
Sa lalaking hindi ko kilala
Sino nga ba syang talaga?
Siya'y lubhang mahiwaga.
Gusto ko sanang malaman
Kung anong kanyang pangalan
Ngunit di ko man lang namalayan
Siya pala'y agad na lumisan.
--kja<3<3<3