Muling Pagkikita :))

50 4 9
                                    

Ang tadhana'y sadyang mapaglaro

Pagkat kami ay muling nagtagpo

Dibdib ko'y bigla kong nasapo

Bakit nagkaganito ang puso.

Ako'y napatingin sa kanya

Ayos lang kahit mukha akong tanga

Umaasa na lilingon siya

Malaman ko man lang pangalan niya.

Ako'y naglalakad kasabay siya

Hindi ko alam ba't ako masaya

Di ko batid saan ang punta niya

Basta siya ang aking ligaya.

Wala akong pagsidlan ng tuwa

Animo'y wala sa aking diwa

Nasa isip ay kami lang dalawa

Sa bangka sa gitna ng lawa.

Sa malas ko nga naman

Bakit ngayon pa umulan

Wala pa naman akong payong tangan

Kaya't ako'y tumakbo na lang ng tuluyan.

Sino Ba Siya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon