Chapter 4 - Rule #1. FiND FRIENDS

28 0 0
                                    

  Find friends.

Yan yung una kong naisip since wala akong kaibigan. Di naman kasi ako lumalabas. Pano kaya ko magkaka-friends ng nasa bahay lang ako?


  Alam ko na!


  Since nasa business trip sila Dad and Mom in Davao, magagawa ko lahat ng gusto ko! Mukhang sumasang ayon sakin ang panahon ah..


  Di ako makakahanap ng kaibigan kung nasa bahay lang ako.. San kaya ko pwedeng pumunta? Sa mall? Kaso ayokong mag-isa lang..


  Aha!  Sa park!


  Pupunta ako ng park! Since wala akong kasama, isasama ko na lang si Muning! Meet Muning! Mabait sya.. Hindi po sya pusa ah? Lalong hindi sya tao.. Aso po sya! XD ahahahhaa!


Wala.


Yan lang yung naisip kong ipangalan sa kanya saka para mysterious ang dating! :D


  Bago kami umalis ni Muning,  syempre nagpaalam muna ko kay Yaya Precy. Oo may kasambahay kami. Lagi kasing wala sila Mom and Dad for business trips.. Kaya si Yaya Precy lang lagi kong kasama..


Pumunta na kaming park ni Muning.

Nadadaanan naman namin ni Yaya Precy yung park pag sinasama nya ko mag-grocery kaya nakabisado ko na yung daan papuntang park.


Naglakad lang kami ni Muning since walking distance lang naman sya..

------

  Tawanan..

  Sigawan..

  at kantahan ng mga masasayang bata ang naririnig ko dito..


Kung batang munti lang siguro ko di ko aaksayahin tong opportunity na to para makapaglaro kasama ang mga batang to..

  Nung bata kasi ako sa bahay lang ako naglalaro. Marami nga akong laruan wala naman akong kalaro..


  May nagtitinda rin dito ng balloons, ice cream, street foods at iba't ibang klase ng laruan.. Meron pa ngang iba't ibang kulay ng mga kiti. Ganto pala dito sa park..


  Ngayon ko lang napagkumpara kung gaano kalaki ang pagkakaiba ko sa mga normal na bata.. Malaya sila. Maraming kaibigan.. Samantalang ako.. I don't have friends.. Hindi ko man lang alam kung ano pakiramdam ng may kaibigan..


  Napansin kong titig na titig sakin yung babaeng may dala ring aso. Mahilig din siguro sya sa aso.. Sa tingin ko magka-age lang kami..


Kung lalaki siguro sya mapagkakamalan ko syang may gusto sakin sa titig nya..


  Kanina nya pa siguro ako tinitingnan habang pinapanood ko yung mga batang naglalaro.. Napansin nya siguro sakin kung gaano ko kainosente sa lugar na to..


  Hayan na sya..

  Papalapit sya sa direksyon ko..


  Sakin kaya sya lalapit? Ano kayang gagawin nya sakin? Wag naman pls.. Di ko pa nagagawa yung first mission ko! Huhuhuuu..


  Papalapit na sya ng papalapit.. OH NO!

  Tatakbo na sana ko nang..


  " Hi? " That stranger girl smiled to me. Hi daw? Ibig sabihin ba non wala syang gagawing masama sakin?


  " Im Jean. And you are? " Sasabihin ko ba yung pangalan ko?


  " Ah. Eh.. "


  " Bago ka lang dito no? Ngayon lang kasi kita nakita dito.. "


  " I-Im S-sarah.. " Sinabi ko na rin yung pangalan ko. Pangalan lang naman eh. Mukha naman syang mabait..


  Teka? Tama ba tong naiisip ko? Nakikipagkaibigan sya?


She looks friendly and bubbly. Ngumiti na lang ako..

  "Bagong lipat lang ba kayo dito? " Consistent ha..


  " A-hh.  Hindi. Matagal na kami dito. M-malapit lang kami dito.. "


  " Malapit ka lang pala dito eh bakit ngayon ka lang nakapunta dito?  Di naman sya mahilig magtanong nyan?


  " H-hindi kasi ako lumalabas eh.. "


  " Bakit strict ba parents mo? " Dami naman nyang tanong! Chismosa ba to?!


  " H-hindi. Hindi lang talaga ako mahilig lumabas.. " Tingin ko naniwala naman sya. Kesa naman sabihin ko yung totoo eh hindi ko naman sya lubusang kilala..


  " So friends na tayo? " Tama ba tong narinig ko? Inalok nya kong maging friends!

  " Don't worry Sarah, I'm not dangerous.. At isa pa, wala ka atang kilala dito.. Wala rin kasi ako ganong friends dito.. We can be friends if you want.. " Then she smiled. Yung smiled na alam mo ng nagsasabi sya ng totoo.. I think she's good naman..


  " Sure! Nice to meet you Jean! "

  This feeling.. Ganto pala yung pakiramdam ng may kaibigan ka...

  FIND FRIENDS, CHECK! 


-----

Author's note:
     Guys sorry kung nawe-weirdan kayo dun sa pangalan ng aso ni Sarah which is Muning.. Natuwa lang talaga kasi ko dun sa palabas na Pari Ko'y sa 7 .. Aso pala sya pero Muning yung pangalan!  XD

      Sana nagustuhan nyo po to! Mas exciting na yung mga susunod na chapter.. Comments and votes tayo! Yuhuu!

Updated March 23,2015


10 Things I Really Want To Do In 6 Months [ONGOING SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon