21 years ago"Oh bat ka umiiyak bata?" Lumapit saakin ang isang bata, na sa tingin ko ay kaedad ko rin.
"Ano bang pake mo? Sino kaba?" humahagulgol ko paring sabi.
Nanatili naman itong naka tayo sa harapan ko "ako nga papala si Jam" naka ngiting sabi nito.
"Oh pwede mo na ba sakin sabihin kung bakit ka umiiyak?" Sabi nito at saka umupo sa tabi ko.
"Eh kasi kinuha nila Toton yung mga pinitas kong dahon ng santol at gumamela" nahihikbi ko paring sabi.
"Eh ano naman ang gagawin mo sa mga iyon?" Takang tanong nito "gagawing luto lutoan bakit hindi mo baa alam yon?" Intriga kong sabi.
"Dahon at gumamela lulutuin mo? Adobo ganon?" Sagot naman nito.
"Hwag ka nangang mag tanong kung hindi mo alam" umiiyak ko paring sabi.
"Sungit naman nito kaya siguro wala kang kalaron eh" naka ngibit nitong sabi "umalis kana lang" taboy ko sakanya.
"Tara samahan kita" sabi nito at saka tumayo "samahan?" Taong ko.
"Pumitas ng mga sinabi mong dahon" dagdag pa nito "hindi na wag na" tanggi ko.
"Pero teka" napatigil ito, marahan nya naman pinunas ang basa kong pisngi dahil sa luha.
"Ang baho naman ng kamay mo pinapahid mo pa sa pisngi ko" naiinis kong sabi totoo naman ang baho ng kamay nya, parang kakatapos lang nya kumain.
"Hindi ko pinapahid tinatanggal ko lang sa pisngi mo para hindi matuyo" sabi nito, tinabig ko naman ang kamay nya.
"Ano ba hindi naman ganyan mag punas ng luha eh!" Mataray kong sabi.
"Ang sabi ni Mommy hindi raw magandang natutuyuan ng luha sa pisngi" Gatong pa nito.
"Bakit naman daw?" Takang tanong ko.
"Kasi raw pag natutuyuan raw ng luha sa pisngi ay pupuntahan ka raw ng engkanto" dag dag pa nito.
"Huh bakita naman daw?" Tanong kopa.
"Secret" mapanuksong sabi nito.
"Ang daya mo naman sabihin mo na kasi" pangunglit ko
"Saka ko na sasabihin sayo" he said.
"Tara na kuma na tayo ng gumamela, tapos turuan moko mag luto" sabi nito at hinatak ang kamay ko.
"Ako nga pala si Lea-" hindi ko nanatapos ang sasabihin ko nang sumabat ito.
"Oo alam ko ikaw yung iyaking anak ni ate bebe" pinag krus pa nito ang kanyang braso.
***
19
"Lean huwag ka na kasi umiyak" hinaplos pa ni Ben ang likod ko.
"Bakit naman kasi ganon ginawa ko naman ang lahat eh" umiiyak kong sambit "bakit nya ako iniwan maganda naman ako ah!" Gigil kong sambit.
"Wag kana umiyak gusto mo bang puntahan ka ng engkanto kapag natuyo yang luha mo sa pisngi?" Sabi nito.
"Ano ba kasi yon? engkanto , engkanto bahala ka dyan!" Sabi ko at padabog na bumaba mula sa puno.
"Huy saglit!" Hinila nito ang kamay ko at saka marahas na pinunas ang luha ko.
"Lagi nalang, ang baho ng kamay mo!" Sigaw ko sakanya at saka hinawi ang kamay nyang mabaho.
"Ikaw na nga pinupunasan ang arte mo pa!" Sabi nito sabay batok saakin, hindi ko naman ito liningon at ako na ang nag punas ng aking luha.
"Tara kumain nalang tayo ng lugaw don kayla ate Tes" yakag nito at saka bumaba sa puno, sumunod naman ako sakanya.
"Sabihin mo nga maganda naman ako diba?!" Nag papadyak ako "Tara na Lean" hatak pa ulit nito saakin "Hoy sumagot ka nga!" Hinataw ko siya sa likod.
"Punyeta sige na maganda kana, happy?" Umirap ito at pekeng ngumiti at saka tinaas ang kanyang hinlalaking daliri.
"Iba rin ang trip mo eh no?" Dag dag pa nito habang nag lalakad.
Nang maka rating kami sa lugawan ay nag take out nalang kame para sa bahay kumain, ang sabi niya ay ililibre nya daw pero ako tatlong order ang binili niya.
"Para kanino ang isa ben?" Takang tanong ko habang pabalik na kaming ng lalakad papauwi.
"Para kay Velina" pag lilinaw nito kay ate, napa tango naman ako.
Nang maka rating kami sa bahay ay naabutan namin si nanay na nag luluto at si tatay naman ay na nonood.
"Magandang gabi po" bati bi Ben kay tatay, lumingon naman si tatay sa gawi naman.
"Oh mag kasama nanaman kayo!" Ngiti pa nito.
"Kakain po kami ng luga-" naputol ang sasabihin ko dahil sumabat si Ben "Si Velina po?" Nag nining ning ang mata nitong tanong.
Napa buntong hininga naman ako "anduon tawagin mo nga Lean" sagot ni tatay sabay turo sa kwarto ni ate.
Padabog naman akong nag lakad papunta sa harap ng pintuan ni ate at sa ako kumatok "teh tara kain lugaw" walang gana kong tanong.
Bumukas naman ang pintuan nito at lumabas si ate sinundan naman ako nito papunta sa terrace namin, bumungad saamin si Ben at ang lugaw na naka handa nang kainin.
"Wow salamat!" Masiglang sabi ni ate Velina.
Kumain kami ng dala naming lugaw nasa kalagitnaan na ako ng pag kain ng bigla kong nakagat ang dila ko.
"Punyeta ang sakit" sabi ko at saka mabilis na hinawakan ang bibig ko.
"Ayan napapala mo kala mo kase hindi pinakain toh ng tatlong taon" pang aasar ni Ben.
Lumingon nman sakin si Jamm at Ate Velina "Number! Bilis!" Yugyog pa nitong sabi saakin.
"41!" Proud ko pang sigaw, hindi ko alam pero iyon agad ang lumabas sa bibig ko.
"Bobo" sabi ni Ate at binatukan ako, mapanukso namang tumawa si Jam "maka tawa ka! Akala mo hindi mabaho yang kamay mo!" Bulyaw ko sakanya.
"Try natin baliktarin!" Dagdag pa ni ate, nag bilang naman ito sa kanyang kamay.
"N! Hmm.." sabi nito at himawak pa sa kanyang sentido "parang ano kase" sabi nito habang kinakagat ang kuko niya.
"Nico!" Sigaw nito sabi nito at saka kumaway sa lalaking nasa tapat ng bahay namin.
"Sino yan?" Ngiwi ko at saka sumubo ng isang kutsarang lugaw, may kasama itong dalawang lalaki at isang babae "bessy" sabi ng babae at saka lumapit kay ate Velina at nag yakapag sila.
Napa tingin naman ako kay Nico nakatitig lang ito saakin "Hoy Nico tigilan mo yang kapatid ko yan!" Sigaw ni ate.
"Ate!" Nahihiya ko siyang tinabig
I heard him chuckled
"Oo, wag yang si Lean tirador ng bakla yan!" Sigaw ni ben at saka itinuro pa saakin ang kanyang hawak na kutsara.
"Pukishit ka!" Tugon ko rito at saka inirapan, tawa naman ito ng tawa habang nakahawak sa kanyang tiyan.
Pumasok sa bahay ang mga kasama ni ate, mag gagawa raw sila ng project kaya ganoon nalang ang kalat sa sala namin dahil sa pinag gupitan nila.
Nang mainip kami ni Ben saamin ay napag pasyahan namin umakyat sa bubungan nila, tutal ay ayaw rin namin maka gulot kayla ate.
Inalalayan ako ni Jam papataas ng bubungan nila, nang maka rating kami sa taas ay umupo ako sa tabi nito, ang sarap ng simoy ng hangin madadama mo ang lamig nito sa iyong balat.
Maganda rin ang tanawin mula sa taas nila Ben makikita mo ang mga bahay na nag kikislapan dahil sa mga Christmas lights at mga bituin na nag nining ning mula sa itaas.
"Lean gusto ba ako?" Seyosong tanong ni Ben.
XORI MEMA AKO SAHAHAHHA