Last Day of This Month

9 1 0
                                    



Last Day of This Month


Itinatapik ko na ang mga paa sa sahig habang pinanonood ang mga estudyanteng nilalampasan ako. Kinuha ko sa bag ang salamin at tinignan kung maayos ba ang hitsura ko. Nang makita na medyo maputla ang labi ko ay nilagyan ko iyon ng lip tint. Napangiti ako ng maliit sa sariwang hangin na yumayakap sa akin. Itinago ko ang hawak nang mag-umpisa nang sumayaw sa hangin ang buhok ko. Inipon ko ito sa aking balikat.


Nagwala ang dibdib ko nang matanawang naglalabasan na ang mga estudyante sa classroom na iyon. Napaayos ako ng tayo at gaya ng buhok kong kumakawala na ulit sa pagkakaipon ko kanina, nagsimula na rin akong takasan ng lakas ng loob.


I sighed heavily and forced myself to walk. I already saw him leaving the classroom with a girl beside him. Instead of stopping from my track, I can't help but to smile a little.


"Ellie.."


Nahulog ang maliit na ngiti niya sa labi habang kausap ang babae.


"Can we talk—"


Nabitin ang sasabihin ko sa ere nang hindi siya tumigil sa paglalakad. Matapos akong marinig ay naubos sa emosyon ang kaniyang mukha. Nanlamig ang mga mata at nag-isang linya ang mga labi. Napapabuntong-hininga ko tinignan ang balikat niya habang nilalampasan ako.


"I'm sorry.." bulong ko sa hangin.


Kinalkal ko sa bag ang aking ballpen at pumilas ng isa sa aking sticky notes. May panginginig akong nagsulat doon habang ipinapatong ang papel sa pader. Nang matapos ay nagmamadali akong lumabas ng university. Naging matulin ang pagtakbo ko maunahan ko lang siya. Hinihingal akong huminto saglit sa parking lot. Hindi na ako nagsayang ng oras at hinanap ang sasakyan niya. Wala pa siya roon. Idinikit ko ng madiin sa bintana ng driver's seat ang note bago nagmadaling umalis.


"For the first day of this month, I'm sorry.." ulit ko sa nakalagay sa papel.


Binigyan ko ng tapik ang aking balikat para sabihing okay na iyon. Pinigilan kong umiyak dahil masisira ang mga ipinahid ko sa mukha. Kahit papaano ay nakahingi ako ng tawad para sa araw na ito. At mayroon pa akong ilang araw para humingi ng tawad.


"Ellie, wait!" humaharang na ako sa daaraanan niya sa mga sumunod na araw. Ayaw kong hintuan niya pa ang isang tulad ko pero gusto ko namang marinig niya ang mga sasabihin ko. "Let's talk—"


At hindi na nga niya ako nalalampasan, natatalikuran na lang. Balak ko pa sanang humabol pero hinawakan niya na sa may braso ang babaeng kasama para igaya. Kahit bumagsak ang balikat, naiangat ko pa rin ang magkabilang gilid ng labi para ngitian ang babaeng kasama niya.


Kinuha ko na ang sticky notes ko sa may bulsa at pinunit ang unang pahina roon na may nakahanda nang sulat. Nang makita ang kaklase nilang may bitbit na mga papel ay nilapitan ko iyon. Humingi ako ng pabor at kahit na nagtataka ay ibinigay niya saglit sa akin ang mga papel. Saglit kong hinanap ang answer sheet ni Ellie at idinikit sa taas noon ang note ko.

Collection of Short StoriesWhere stories live. Discover now