He Entered that World
Hi, kakapalan ko na ang mukha ko. Girlfriend ka ba ni Kai Santos? I am just bothered, you know. Ang alam ko kasi ay bestfriend ka lang niya. So meaning.. single pa rin si Kai. Hindi ko alam kung anong nangyari but, last week, he just told me that I am his type. Then the next day, lumalayo na agad sa akin just because I told him that I like him, too. Sasabihin ko lang sa iyo, girl, baka kasi ikaw 'yung dahilan ng paglayo.. Bestfriend ka lang. At hindi trabaho ng isang bestfriend ang mambakod. Wake up, please. You're ruining his chance to have a real relationship with other people.
"Urgg! What's wrong with them?" inis kong anas na napatihaya na lang sa kama sabay bagsak ng phone sa aking gilid. Pang-apat na beses nang may nag-chat sa akin sa linggong ito. At pang ilang daang beses na magmula nang maugnay ako sa kolokoy na iyon.
Napahinga na lang ako ng malalim sabay upo. Napasandal ako sa may headboard ng kama habang tinititigan ang phone ko.
I don't know what to do anymore. Kai Santos is just my bestfriend.. and my enemy. Kasalanan ko bang naging malapit na ako sa unggoy na iyon? Why the hell are they targeting me? Porque ba hindi sila gusto noong tao ay sa iba agad nila isisisi? At talagang sa akin pa? Eh ano bang ginawa ko? I don't remember stopping Kai from dating other girls. Kahit isang beses ay wala akong maalala na binakuran ko siya. As what they have said, I am just a friend. Bakante pa rin ang pwesto ng isang kasintahan sa buhay niya. And I don't plan on getting that spot. Even if I want... I really don't have p-plan...
Isang buntong-hininga pa ang pinakawalan ko bago tumayo. Kumuha ako ng tuwalya at dumiretso na sa may banyo para maligo. Nang matapos at makapagbihis ay lumabas na ako ng kuwarto at dumiretso sa ibaba upang mag-agahan.
Nandoon na sina mom at dad sa hapagkainan nang makarating ako. Humalik lang ako sa mga pisngi nila at bumati bago naupo.
"Oh, wala kayong lakad ni Kai?" saad ni Mom na napatingin sa suot kong pambahay.
Kumuha ako ng mainit na pandesal na pinabili pa nina mom sa kabilang kanto para sa akin. Pinalamanan ko ito ng pritong itlog bago kinain. Umiling naman ako sa tanong niya habang ngumunguya. Malapit na rin sa magulang ko si Kai at nasanay sila sa palagiang paglalakwatsa naming dalawa. Madalas ay gumagala kami, nag-iikot sa plaza, nagpupunta sa mall, o kaya ay tumatambay lang sa may bahay. Subalit sa ngayon ay wala akong balak na makipagkita.
Bahagyang nagtaka si mom sa isinagot ko. Si dad naman ay saglit na nalipat ang tingin sa akin mula sa binabasa niyang dyaryo.
"May training siya? Busy?" dagdag tanong niya.
"Ako po, busy ako." napatango na lang sila at hindi na nag-usisa pa.
Umakyat na rin ako sa kwarto nang matapos ang agahan. Nang makapasok ay naabutan kong umiilaw ang phone ko kasabay ng paboritong kanta ni kai na ni-set niyang ringtone sa phone ko.
"Take my hand
Take my whole life too
For I can't help falling in love with you..."
Naka-flash sa screen noon ang pangalan niya. Sasagutin ko na sana ang tawag ngunit namatay na ito. Sa huli ay nakatanggap ako ng text galing sa kaniya.
YOU ARE READING
Collection of Short Stories
RandomHi! This is a collection of short stories with random genres. If you happen to be bored when you see this, you can check my stories to pass a little time.