Thank you, Mr. Stalker

4 0 0
                                    



Thank you, Mr. Stalker


"Oh, 'di ka mag-o-overtime?" umiling ako sa ka-officemate. Hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon. Gusto ko lang magpahinga.


"Bukas na, bye."


"Bye, Raya!"


Kinawayan ko lang ang mga katrabaho bago bumaba ng building. Binati ko pa si Manong Guard na mukhang nagtaka na maaga akong uuwi ngayon. Nabasa siguro nito ang mukha kong nabawasan na sa ganda kaya ito na rin ang nagtawag ng taxi para sa akin.


"Salamat, Manong," huling kong sabi bago isinara ang pinto ng sasakyan.


Napahinga ako ng malalim bago sumandal sa kinauupuan. Ipinatong ko ang hawak na bag sa aking kandungan bago dismayang tinitigan ang tanawin sa bintana ng taxi.


Tang inang yan. Pumasok akong may love life kaninang umaga. At uuwi akong single ngayon.


Napaikot ang mga mata ko nang maramdaman ang pag-vi-vibrate ng aking phone. Nang silipin ko ito ay hindi nga ako nagkamali, ang babaerong iyon nga ang tumatawag.


Huminga ako ng malalim bago iyon sinagot. Nakahanda na ang mga sasabihin ko.


"Hindi ka kuntento sa text? Then sige, rito sa tawag ko sasabihin. Break na tayo, tang ina mo."


Dahil may mga kaibigan akong half malandi at half spy, nakuhaan lang naman nila ng picture ang ex kong labi ng ibang babae ang ginagawang pulutan habang nag-iinom. Ang mga magagaling kong kaibigan ay hindi nakuntento sa litrato, talagang kinuhaan ng video para sirain ang araw ko. So anong dapat kong gawin? Syempre makipaghiwalay. Maganda lang tayo, 'di tayo tanga.


Kaya pala one year mong tiniis.


Shut up.


Hindi ko pinansin ang driver na saglit na napalingon sa akin nang marinig akong magmura. Saglit kong nakagat ang labi dahil hindi ako sanay na may ibang taong nakakarinig sa pagmumura ko.


Nang makababa ay saglit akong napahinto sa entrance ng condominium na tinitirhan ko. Napapalatak na lang ako nang maalala na ubos na ang stock ko ng pagkain. Wala akong ibang nagawa kundi ang lakarin ang pinakamalapit na convenient store para bumili roon ng pang-dinner. Doon na ako sa unit ko kakain dahil gusto ko na talagang mahiga. At no, hindi ako iiyak. Hindi ko iiyakan ang hayop na 'yon. Gusto ko lang talagang matulog.

Collection of Short StoriesWhere stories live. Discover now