CHAPTER II
“Best, tara na?” sabi ni Chris sa kanya ng lumapit ito matapos ang last subject nila.
Hindi niya ito tiningnan o kumilos man lang para sagutin ang tanong nito sa kanya. Busy lang siya habang nag re-research sa kanyang Samsung Tablet.
“Ano ba yang ginagawa mo ni hindi mo man lang ako pinapansin.” Sabi nito ng umupo sa tabi niya.
“Wag kang maingay dyan may hinahanap ako.” Sabi niya ng hindi pa rin tumitingin dito.
Nakisilip na din ito sa ginagawa niya. “ Twilight?” nagtatakang tanong nito.
“ Yung libro ang hinahanap ko kasi gusto ko bumili ng set nito.” Simula kasi ng mapanood niya yung movie ng Twilight ay na hook na siya masyado doon. Lalo na ng malaman niyang may libro pala yun.
Yeah pahulihin kasi siya lagi sa update. Puro mga mystery ang English Novel na binabasa. Pagdating kasi sa Romance Novel puro tagalong ang binabasa niya mas madali kasi sa kanya mag imagine ng scene ng hindi na kailangan tumingin pa sa dictionary para alamin ang ibig sabihin ng isang malalim na word na kanyang mababasa sa English.
“Libro? Kailan mo naman balak bilhin yan?” nagtatakang tanong pa rin nito.
“As soon as ibigay ni Mommy ang budget ko for this. May deal kasi kami pag sumama ako sa Prom triple ang budget ko sa libro ko.” Nakangising sagot niya ditto.
“Ah yun pala yung sinasabi ni Tita kanina. Kaya ngayon naghahanap ka na ng mga pwede mong bilihin.” Tumatangong sabi nito.
“Yeah, ang galing mo talaga.” Sabi niya bago niya patayin ang tablet niya. Sa kanila nalang niya ito itutuloy at baka meron din naman siya makita pag pumunta siya sa National Bookstore.
“Oh,tapos ka na?” tanong nito ng sabayan siyang tumayo.
“Yup, sa bahay ko nalang itutuloy ito.Marami pa naman akong oras para dito e.” kinuha na niya ang kanyang mga gamit at hinila na ito palabas ng classroom nila.
Habang naglalakad sila biglang pumasok sa isip niya ang mga projects nila sa iba’t ibang subject. Since graduating na sila tinambakan na sila ng mga project ng teachers nila. At isa pa yun sa mga nag papastress sa kanya ngayon. Bigla siyang napabuntong hininga dahilan para tumingin sa kanya si Chris.
“O, ano na naman yang iniisip mo dyan? Mukhang ang lalim ah.”
“Iniisip ko lang mga projects natin ang dami kasi e.”
“Kaya nga. Partner naman tayo sa Physics di ba? So, madali nalang yun”
“Yung 100 problem solving na yun? Tsk. Naman. Ang daming pwede ipagawa sa atin ni Ma’am yun pa.” hindi naman siya nag re-reklamo dahil sa hindi niya kaya actually sisiw lang sa kanya yung mga yun. Nadalian lang din talaga siya. Wala kasing trill sa kanya ang ganun. Gusto niya yung ubos ang energy ng katawan niya. Ganun siya kalupit.
“Para naman ang hirap sayo noon. Pwede ko na nga lang iwan yun sa table mo then no doubt in just 2 hours tapos mo yun.” Sabi nito. Alam niya kasi na hindi yun ang nire-reklamo niya.
“Alam mo na ang reason kung bakit ako nag-re-reklamo ngayon noh.” Nakairap na sabi niya dito.
“I know. Nadadalian ka lang masyado. Pero ayaw mo ba noon? Advantage na yun since lahat ng subject natin meron tayong project.”
“Tama ka. Ok na siguro yun. Pero teka. Paano yung sa T.L.E mo?” tanong niya dito.
“Yun ang isa sa mga iniisip ko naman ngayon.” Sabi nito.