(A/N Continuation of Chapter 1)
Buti naman si best ang napili nila. Sabi ni Chris sa sarili niya. Marunong din talaga pumili ang mga classmate niya.Maganda naman kasi talaga ang kanyang bestfriend hindi lang talaga nito hilig ipa mukha sa iba. Down to Earth kasi at hindi mapag mataas sa kapwa.
Kaya nga nagustuhan niya ito dahil doon e. Matagal na niyang crush ito since First Year palang sila. Pero recently lang sila naging mag classmate. Kaya nga sobra ang tuwa niya ng makita ito sa section niya noong first day of school.
Una niyang nakita at nakilala ito noong first year sa Registrar. Mukhang hindi naman siya nakilala nito dahil mukha pa siyang totoy noon masyado at lalake pa ang kilos niya.
Naglalakad siya papuntang Registrar ng mapansin niya ito. Napatigil siya bigla ng mapag masdan itong mabuti. "She's so beautiful" mahinang sabi niya. Ngayon lang niya nakita ang babae na ito sa campus nila.
Lumapit siya papunta dito kasi mukhang may hinahanap ito.
"Ahm Miss" sabi niya ng makalapit siya.
Lumingon ito sa kanya. Deretso ang tingin nito sa mga mata niya kaya napatulala siya. Ang ganda kasi ng mata nito Light Brown.
"Yes?" sabi nito.
Nag-alis muna siya ng bara sa lalamunan kasi parang nahirapan siya bigla mag salita.
" Sorry kung bigla man akong lumapit. Nakita kasi kita na parang may hinahanap." sabi ko.
Bigla itong ngumiti. " Ah Ok lang kailan ko din kasi ng tulong nahihiya naman ako mag tanong sa iba." Puro mga lalake kasi ang nandoon ng mga oras na yun. Kaya siguro ito hindi makapag tanong.
"Tell me how can i be a help?"nakangiting sabi niya.
"Ahm... Tatanong ko lang sana kung saan yung building for first year. Bago lang kasi ako dito. Akala ko naman merong map dito sa Registrar kaya hindi na muna ako umalis." nahihiyang sabi nito.
" Ganun ba? Wala kasi ang map dito ng school doon nila inilagay sa may gate. Ewan ko ba kung bakit. Sabay na tayo first year din kasi ako kaya pareho lang tayo ng pupuntahan"
Yung Vicinity map kasi ng school nila nasa gate na nga natatakluban pa ng mga halaman. Kahit siya naligaw noong unang pumasok siya sa school na yun.
"Ahm.. Sige. Salamat. Tara na?"
"Ok."
Habang papunta sila sa building wala silang imikan nahihiya din kasi siya dito. Buti nga nakausap niya ito ng maayos kanina ng hindi nauutal. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung bakit.
Hay... ano ba ito first time nangyari sa akin ito ah. Grabe talaga. Sabi niya sa sarili.
Nang makarating sila sa Magsaysay Building (1st year).
“Anong section mo? Para ihatid nalang kita hangang doon.” Sabi niya nang tumigil sila sa harap ng building.
“Ah. Wag na kaya ko na siguro yun. Isa pa baka lalo ako makaabala sayo may sarili ka rin naman class ngayon.” Sabi nito ng makaharap sa kanya.
“Sigurado ka?” Magbago naman ang isip mo gusto pa kita makasama ng konti pa e. Sabi niya sa sarili.
“Yup.” Ngumiti na naman ito.
God! Bakit ba ang ganda nito ngumiti nakakaadik naman masyado parang drugs lang.
“Ok sige basta pag may kailangan ka sa 2nd floor lang ang room ko.” Sabi niya.