Being Inlove with a (Gay) Guy Friend

85 1 1
                                    

CHAPTER 1

" Hindi ka ba talaga pupunta, CJ?" Sabi ng kanyang Mama habang nag-aagahan sila.

"Hindi po, Ma." Sabi niya bago ipagpatuloy ang pagkain. Hmm... SArap talaga ng luto ng Mama ko. Kailan ko kaya matututunan ito?

"E, bakit ba ayaw mo?" pangungulit nito. Bakit ba ayaw mag paawat ng nanay ko sa ayaw ko talagang sumama e. Mana talaga ako sa kanya sa pagiging makulit.

"Kasi nga po wala naman po akong gagawin doon Ma. Boring yun panigurado. Isa pa mababawasan din ang kayaman natin pag sumama pa ako doon. " Katwiran niya. Well, sa totoo lang maboboring lang talaga siya sa Prom nay un. Isa pa wala siyang hilig sa mga party. Mas gusto nalang niyang magbasa ng pocketbooks at manga na collection niya. Mas may mapapala pa ako sa mga babies ko na yun.

"Hayaan mong mabawasan ang kayamanan natin. Pag ipinamana naman namin sayo ng Papa mo yun buong-buo pa yun." Sabi ng kanyang ina. Naks, yabang talaga ng Mama ko manang-mana lang sa akin.

Uminom muna muna bago sumagot para kasing bigla siyang nabilaukan sa sinabi ng kanyang Mama. "Ma, kung ganun naman din pala po, yung gagastusin ninyo sa Prom nay un ay idagdag nalang ninyo sa aking allowance para mapipambili ko pa ng maraming pocketbook. Mas may pakinabang pa po yun.

"Hay.. Naku Ciony Jane iba ang allowance na ibinibigay namin sayo pag dating sa mga collection mo. Kaya sige na anak pag bigyan mo na ako dito minsan lang humingi ang iyong magandang ina na ito na sayo nagmana ." Hirit nito. Galing din talaga mangbola ng kanyang Mama, mana ulit sa kanya.

"What if I'll make a deal with you anak?"

"Ma, I don't do gambling and you knew that. Ikaw kaya nagturo sa akin noon."

"Hindi naman tayo magsusugal anak ikaw talaga kalian pa naging sugal ang deal Sige nga?"

"Sa Deal or No Deal Ma. Di ba lahat ng participants doon sinusugal ang chance nila para manalo?"

"For good naman yun anak. Isa pa sa ikabubuti ng mga collection mo ang deal kong ito sayo." Tumaas-baba pa ang kilay na sabi nito.

Mukhang lahat ng paraan gagawin ng kanyang ina pumayag lang siya na sumama ah. Lupit din niya noh? Siya na ang dalaga na magulang pa pumipilit na sumama siya samantalang ang iba kailangan pang lumuhod sa asin o monggo makasama lang. Joke.

Sa wakas nakuha din nito ang kanyang atensyon. "So ano yung deal mo Ma?" pagdating talaga sa mga collection niya lahat papatusin niya.

"I'll double your allowance na ibibigay ko para sa collection mo. Di ba Hon? Sabi nito ng makitang papasok ng dining area ang kanyang mahal na ama.

" Ano yun hon?" humalik muna ito sa pisngi ng kanyang ina at ginulo ang kanyang buhok na hindi pa nalalapatan ng suklay bago umupo sa pwesto nito.

"I'm making a deal sa anak natin." Sabi ng kanyang ina ng makaharap dito ito lang kasi ang nakatayo ng mga oras na yun. Di pa yata nito napapansin na ito nalang din ang hindi pa nag-uumpisa kumain.

"Anong deal na naman yan Cion?" tanong ng kanyang Papa bago uminom ng black coffee.

" Sabi ko kay CJ do-doblehin ko ang allowance niya sa collection. At ikaw ang magbibigay noon sa kanya."

"Muntik pang maibuga ng kanyang Ama ang iniinom nitong kape. Poor father.

"Oh, Pa ok lang po kayo?"

"Mainit anak. Sandali pumayag ka na ba? Sabi nito habang pinupunasan ang natapong kape sa "Polo.

"Hipan po muna ninyo kasi. Hindi pa po Pa"

Being Inlove with a (Gay) Guy FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon