Chapter Twenty One

231 14 3
                                    


Niko brought them in his condo. She once entered his condo, iyon din ang araw na inamin niya sa nanay ni Niko ang katotohanang hindi siya nito nabuntis at wala pa talagang nangyayari sa kanila.

Speaking of, ano kayang reaksyon nang malaman ng nanay ni Niko na nawala siya o nalaman nga ba nito?

Humarap siya kay Niko matapos nitong ilapag sa kama si Saulla na ngayon ay mahimbing na ang tulog. Nagawa pa nga nitong tapikin ang hita ng bata nang gumalaw ito ng kaunti. Her heart melt because of that. Kahit ngayon lamang nagkita ang dalawa ay agad din naman itong nagkasundo.

"How's Tita Niah, Nicholas?" Tanong niya.

Niko glanced at her before picking up the blanket to cover it to Saulla's body. "She's fine."

"Fine? Does she know what happened to me?"

Umiling ito. "No. I did not tell her."

Tumango-tango siya. Mabuti naman at hindi nito sinabi. Nang sa gayon ay hindi na kailangang mag-alala ng nanay nito.

"Pero palagi ka niyang tinatanong sa akin. I just told her that you were on a vacation with your family."

"Right. Hindi ba siya nagtaka kung bakit ka nabugbog?" Tanong niyang muli.

Niko suddenly smirked that surprised her. So, Niko knows how to smirk now?

"Nah. It's normal. She can do the worst."

Napangiwi siya. How can be that normal? And what does worst means?

Binuksan ni Niko ang lamp at pinatay ang ilaw. Sabay silang lumabas ng silid at nagtungo sa kusina. Pinaupo siya ni Niko sa high stool at ito naman ay nagtungo sa sink upang hugasan ang mga inilabas nitong gulay mula sa refrigerator.

Pumangalumbaba siya sa lamesa at pinagmasdan si Niko mula sa ginagawa nito.

"Anong lulutuin mo, Nicholas?" She asked while staring at his sexy back.

"Sinigang."

She nodded. "Masarap ba yan?"

Niko glance at her. "Of course, it will be. I'm a chef, remember?"

She smile naughtily. "Mas masarap sa akin?"

Niko look away but she still notice his ears reddened. "Just shut your mouth and watch me."

"Can you shut me up using your lips?"

Niko suddenly drop the chopping board. Natataranta naman nitong agad na kinuha ang chopping board gayon din ang kutsilyo. Natawa siya sa naging reaksyon nito.

"Stop teasing me! I can't focus!"

Humalakhak siya. "Para namang hindi tayo naglaplapan kanina, Nicholas! Remember? How you manage to explore the inside of my mouth-"

"Sundrea!" Humarap sa kaniya si Niko at pinagbalaan siya gamit ang mga mata nito.

Pero imbis na matakot ay na-cute-an pa siya dito dahil namumula ito hindi lang ang tainga nito gayon din ang magkabila nitong pisngi.

"Fine! Fine! I'll shut my mouth now!" Natatawa niyang sabi rito.

Hindi na sumagot si Niko sa kanya at nagpatuloy na lamang ito sa ginagawa. Tahimik niya naman itong pinagmamasdan habang may malaking ngiti sa labi. Oo, mukha na nga siyang tanga habang nakapangalumbaba ngunit hindi niya naman mapigilan ang kaniyang labi sa pagngiti sa hindi malamang kadahilanan. Sumasabay pa ang malakas na pintig ng kaniyang puso gayon din ang kakaibang kiliti na humahaplos sa kaniyang tiyan.

Hindi niya lang talaga akalain na ang dating hinahabol-habol niya, ngayo'y may gusto na sa kaniya. At first she called him her Knight and Shining Prince Charming or daks, now she's calling him her sweetheart. Upgrade yarn?

Her Lust MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon