Chapter 1 (First And Last)

15 2 1
                                    


"Dalia!!"

Napabalikwas ako nang Bangon nang marinig ang sigaw ni mama!

Ano yun?

Edi si mama na nambubunganga na naman kahit alas sais pa sa umaga

"tangna ka talagang bata ka! Tanghali na! May pasok ka pa!"

Ewan ko ba kung anong definition ng mga mama sa tanghali. Eh ang dilim dilim pa nga ng langit!

Tumayo na ako at nag ayos nang higaan ko. Nag-suklay din ako at pagkatapos ay pumasok na ako sa kwarto.

"ang laki laki na, nag papa gising pa! Jusko kang bata ka!" teka?

Deja vu?

Ganito Din kasi yung napanaginipan ko kagabi.

Kakatwa lang na may bago daw kaming classmate at lalaki, pero kagaya nga nang ibang panaginip ay blurred ang mukhang nang lalaki.

"eto na!" sigaw ko pagkatapos magbihis. Agad akong bumaba sa sala. Agang kamisteryohan.

°°°

"CHATRIELLE!" napalingon ako sa likod ko nang marinig ang sigaw nang classmate ko.

Nangyari din to sa panaginip! Talagang si Sunny ang tumatawag saakin!

"hintay naman! Salig kay tag-as og tiil!"

At oo nga pala, bisaya nga pala sya. Wala naman syang sinabing bisaya sa panaginip ko kaya pilit kong kinalimutan ito.

"problema?" tanong ko nang tumabi ito sa akin.

"alam mo bang may bagong lipat na Adviser?" Napatingin naman ako sa kanya nang may gulat!

Adviser? Akala ko classmate namin na lalaki?

"adviser?" tanong ko sa kanya at tumango naman sya.

"Papalitan na daw Si teacher Naasa."
Adviser namin yun ah?

"Si teacher Naasa? Talagang si Teacher Naasa?!" hindi makapaniwalang tanong ko.

"oo! Pabalik balik! Si teacher John P. Naasa! Lt yung pangalan nya!" at para na itong baliw na tawa nang tawa!

Talaga? Papalitan na? Bakit daw? Baka naman kasi matanda na sya o di kayay umapgrade na sya.

Nabalik ako sa realidad nang tumatawa pa si Sunny. Napangiwi naman ako at Iniwan ko na sya duon at tumuloy sa paglalakad. Baka akalain nang mga tao na naka singhot yun nang droga at madamay pa ako!

°°°

Nang pasado alas otso na ay Agad akong nag labas nang notebook ko sa E. S. P. dahil yun naman ang una naming subject sa umaga.

Napatingin ako kay Sunny na ka seat mate ko lang. Naalala ko tuloy yung bagong adviser.

Baka nanaginip ako sa panaginip ko! Pwede naman yun diba? Diba?

Yung nasa panaginip ko kasi ay parang buong day. Kagaya nga nang gumising ako kanina, pumasok sa school, may transferee daw na lalaki tas nagpakilala ito. Nakalimutan ko na ang pangalan nya, at dahil blurred nga ang mukha nito. Tas nag klase na, uwian, sa bahay. Yun ang iksena namin sa panaginip ko.

Nagtaka nga ako dahil first time kong makapanaginip nang walang putol. Na amaze ako kunti.

At dahil wala pa ang adviser namin sa E. S. P. Ay nag drawing lang ako nang mukha sa likod nang notebook ko. Hindi sya mukha dahil parang shape lang nang mukha to be exact. Dahil naka blurred nga ang mukha nya sa panaginip ko.

Teacher (HIATUS) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon