Chapter 4
True colorsStephanie's POV
Natapos ang araw ko ngayon sa school na puro na lang kamalasan nangyayari sakin
Pauwi na ako ngayon at hinihintay si Jihyo,kaso sobrang tagal nya talaga.Tinext ko na sya, at nagsorry sya kase mamaya pa pala out nila, 8 pa daw ng gabi, eh 6 pa lang ngayon.
Aysst kaya no choice, mauuna na lang ako.
Tetext ko sana si papa para magpasundo kaso nalowbat phone ko. Hayysstt pano na toh,madilim ang kalangitan,wag naman sanang umulan.Mahina pa naman ang katawan ko, konting maambunan lang ako, eh nilalagnat agad ako. Di ko alam kung bakit ako ganon, nagpacheck naman na kami nila mama kaso ,wala namang findings ang doctor, so pinagpalagay na lang namin na ok lang ako, I am taking a lot of vitamins para lumakas immunisystem ko,and gumagana naman. As of now kase di pa rin ako nagkakasakit,at di ko naman na hinihintay na mangyari yun.
Naglalakad ako ngayon papunta sa sakayan ng jeep, ng naramdaman ko ang mahihinang patak ng ulan saaking mga balat. Haysst kung minamalas ka nga naman, medyo malayo pa sakayan ng jeep dito,wala akong dalang payong, at wala din namang masisilungan dito.
Malamang absent ako nito bukas,haysstt juskoo wag naman sana.
Nagmadali akong lumakad para makarating agad ako sa terminal.Sa pagmamadali ko, di ko namalayan na,nabutas na pala ang dala kong paper bag dahil sa basa na ito, at nalaglag lahat ng laman nito.
Whaaa ayoko na!! ang malas ng araw ko!!
Lalong lumakas ang ulan,kaya basang basa na ako.Naiiyak na ako! bat naman kase ganito eh!
Napaupo na lang ako sa gilid ng kalsada,kahit basang basa na ako ay hinayaan ko na lang.Nakayuko ako ng maramdaman kong di na ako nauulanan, pero di pa naman tumitigil yung ulan, wait pano nangyari yun.....
Aero's POV
Pauwi na ako at pinadala ko na lang kotse ko dito kase gusto ko muna ngayong mapag-isa.
Nagmamaneho ako palabas ng school ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Nakakalungkot tingnan ng ulan, para bang wala na itong katapusan.nagmamaneho pa rin ako ng may nakita akong isang pamilyar na babae sa gilid ng kalsada.
Wait lang...
Si Ms. Chocolate ba yun?
Noong una di ako sure pero nung medyo malapit na ako sakanya ay nakita ko ang malaki nitong bag kaya napagtanto kong sya ito talaga.Nagpapakamatay ba tong babae na ito, ang lakas ng ulan bakit nagpapaulan sya.
Didiretso na sana ako kaso, baka kung ako pa mangyari sa babaeng yun, medyo madilim na pa naman. Baka kung ano iniisip nyo dyan ha, wala akong gusto dun, yung konsensya kase baka di ako patahimikin kapag di ko to tinulungan.Lumabas ako ng kotse at dinala ang payong ko, pumunta ako sa kinatatayuan ni Ms. Chocolate, at pinayungan sya.
I hear her sobs,haysst parang batang umiiyak naman toh.
Nagtataka siguro sya kung bakit di na sya nauulanan kaya tumingin sya sa likodan nya at nagulat sakin.
"Ano ginagawa mo dito? Aasarin mo na naman ba ako? kung yun yung dahilan mo,umalis ka na"
mataray na sabi nito sakin."Tskk ikaw na nga tinutulungan,ikaw pa galit"
"Di ko kailangan ng tulong mo"
tskk ang sungit talaga nito, dapat siguro di ko na lang talaga toh tinulungan eh.
"Tskk Halika na" binaba ko na yung pride ko para sakanya, ewan ko nga kung bakit ko ginagawa ito eh.
"Ayaw ko" matapang na sagot pa rin nito sakin.