Wicked_Nymph
♥♥♥
AUTHOR:
Para sa mga readers ko...I'll try to update my chapters as soon as I can and from this chapter....e ha-highlight ko na powh ang mga statement ng mga characters para maiba naman...!hahe!! parang nakakaduling kasi pag puro light lang ang font....
Heavy-lighted and Italized para swak! diba!!
♥♥♥
Lorraine POV:
" Miss dalawang kanin nga at isang order ng giniling..samahan mo na ng sprite na 12 o'z " anang isang customer namin...well masasabi kong medyo maluwag ang kainan na ito ni ate Tess kaya....kahit mga trenta ka tao ang kakain ay magkakasya parin
" Sige po.." sagot ko pagkatapos ay dali-dali kong tinakal ang kanin at ulam ..at nilapag ko sa mesa at isinunod ko ang sprite...
Abala din si Mercy sa pagbigay ng mga order ng ibang customer...at si ate Tess naman ang kumakahera
Kahit ganito ang trabaho ko ay masaya naman din ako ...mabuti nga at nakapasok agad ako..yun nga lang medyo malayo kaya kailangan habaan ang pasensya pauwi..pero mga iilang minuto lang ang aabutin sa paglalakad....hindi naman aabot ng isang oras kaya ayos lang .. (")
Lumipas ang mga oras
...agad kong pinang hugasan ang lahat ng pinagkainan ng customers .habang si Mercy naman ay naGpupunas ng mga mesa at nagwawalis...wala na kasing kumakain...
Nang mag alas singko na ay pinauwi na kami ni ate Tess
" Sige ate Tess mauna na po kami sa inyo " paalam namin ni Mercy
" Sige...mag-ingat kayo........kita nalang tayo bukas.." sagot naman nito pagkatapos ay yumakag na kami
" Ahh Mercy...bibili nga pala muna ako ng isda....mag titinola ako sa bahay.." sabi ko dito
" Tamang-tama...kasi bibili din ako ng gulay ....tara ...".... sabi naman nito
pumunta agad kami sa palaisdaan....
" Ano kayang isda ang bibilhin ko...mag titinola ba ako?? o mag sisigang???" tanong ko sa sarili ko
" Hay naku Lorraine.... kung ako sayo...mag sinigang ka nalang para maiba naman....sabaw na maasim... " kumentaryo ni Mercy
" Okay lang din......." sabi ko
" Lorraine jan ka muna...bibili lang ako ng gulay..."
" Manong magkano po ang kilo netong bangus??" tanong ko sa tindero
" 160 Iha...."
" Pabili po ng kalahati..."
" eto po ang bayad.." sabi ko sabay abot ng 80 pesos
Pagkatapos ay bumili din ako ng mga sahog nito...at nagbayad
" Manang eto po ang baya....
Naputol yung sasabihin ko dahil sa may biglang kumalabit sa akin sa bandang tagiliran
" Miss?? gusto mo tulungan na kita ng pinambili mo??" sabi ng isang lalaking na sa tantiya ko ay mga nasa 23 o 24 ang edad...sabay ngiti.

BINABASA MO ANG
"My Destiny" -Hernandez Mansion-(Ongoing)
RomanceWicked_Nymph ♥♥♥ Paano kung may makilala kang isang makisig at mayaman na lalaki sa hindi inaasahang pangyayari at hindi mo namamalayang nahuhulog na pala ang iyong loob dito sa pagdaan ng mga panahon na nagiging m...